“Siguro ay sa pagdaan ng araw, makakausap mo na s’ya. Mahinang-mahina s’ya at ang naging biyahe namin dito mula sa Brazil ay naging dahilan ng mas panghihina pa n’ya…” malungkot na wika ni Tita Malou. Nasa labas kami ng silid ng aking ina at hindi ko mapaniwalaan na ganito ang makikita kong itsura n’ya. Mahina at tila ba ay walang lakas para magmulat man lang ng mga mata. She looks so fragile. Payat din s’ya at kahit na halata namang mataas ang height ay para pa rin s’yang naging maliit. Namumutla ang kulay n’ya at mas naging malungkot ang itsura. Nakausap na namin ang doctor ng ina ko. May chance raw na bumalik sa dati at gumaling ang nanay ko pero mahabang panahon ang kailangan naming hintayin para mangyari iyon. Traydor na sakit ang kanser pero dahil sa kompleto at may mga pasilidad

