XENIA POV NANGINGINIG ang buong katawan ko. Parang isang bangungot ang kinasadlakan namin. Hindi ko alam kong paano iproseso ng aking utak ang lahat ng ito. Ilang libong tanong ang walang kasagutan sa isip ko. Hindi na nga nila kami minahal. Inaabuso na nga kami ng kapatid ko. Mas malala pa, ibebenta pa kami dahil nangutang sila kay Adam? Paano? Ibig bang sabihin ang lahat ng ito ay alam ni Adam simula't sapul, pa lang na magkakilala kami. Litong-litong na ako sa mga pangyayari. Nagkataon lang ba o sinadya. Biglang pumasok sa isip ko ang katagang binitawan ni Adam noon. “I have my ways of collecting debts.” Hindi maarok ng isip ko ang mga pangyayari. Isang malaking tanong, PAANO nangyari ito? Nakaluhod parin ang mga magulang ko, hilam ang luha ng mga mata ko. Puno ng pagdududa ang isip a

