XENIA POV: Naging mailap ang mga mata ni Madam Criselda sa akin. Tahimik na siya. Pero kahit paano kinakausap parin niya ako. Hindi narin muna ako nag we-waitress binigyan niya ako ng table sa opisina niya. Pagturn over niya sa akin ng mga documents, umalis na rin siya. Mailap din ang mga mata niya na tila may tinatago. Nagkibit balikat nalang ako pero alam ko sa aking puso na kakaibang Madam Criselda ang kaharap ko. Naalala ko ang pag tatalo nila ni sir Adam noong nakaraan. Abala ako sa paggawa ng reports, inventory at pag lista ng mga kakailanganing stocks. Hindi ko na namalayan na pa out na ako mag aalas dos na ng madaling araw. Niligpit ko ang mga papeles. Nilagyan ko ng sticky notes at pinatas yun sa kung ano ang importante at hindi masyado. Nilapag ko yun sa mesa ni Madam. Alas qua

