REALITY CHECK

2531 Words

XENIA POV “Rowan! Rowan!” Pangalan ng kapatid ko ang unang lumabas sa bibig ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, puting kisame ang sumalubong sa akin. Alam kong nasa ospital ako dahil sa amoy na nanunuot sa ilong ko. Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Hindi nga ako nagkamali. Sumagitsit agad ang sakit ng katawan lalo na ang likod ko. Nakasuot ako ng bulaklaking hospital gown. Wala akong nakitang tao sa loob ng kwarto. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pagkuyom ko ng aking mga kamao. Pakiramdam doon ako humuhugot ng lakas. Bumalik ang alaala na nangyari, ang walang habas na pagpalo ng inay ng sinturon sa likod at ang kasama ng pag suntok ni Itay sa mukha ko kasabay ng pananampal sa akin. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Ang saklap ng buhay namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD