XENIA POV NANG matapos ang party ni Rowan, hinatid kami ng van. Biglang nag paalam si Adam dahil may tumawag sa kanya. Kung sino man yun, hindi ko alam. Pero ang galak sa puso ko nag uumapaw dahil sa araw na ito. Hindi pa naman ako nag pasalamat sa kanya pero alam kong, alam niya na appreciate ko ang ginawa niya sa amin ni Rowan. Ilang sandali pa, nasa harap na kami ng bahay namin. Pinagbuksan kami ng tauhan ni Adam, at magalang din na nagpaalam para umalis. Tanaw ko na agad ang Inay sa labas ng bahay namin nakatayo, naka pamewang at humihithit ng sigarilyo. “Buti naman at umuwi pa kayo! Anong oras na Xenia yang kapatid mo!” Ilang hakbang palang ang layo ng Inay sa amin ang lakas na agad ng boses niya. Inihanda ko ang katawan ko sigurado bugbog na naman ang sasalubong sa akin. “M

