XENIA POV
ILANG araw din nanatili si Rowan sa ospital. Ganun din ang inay. Ipinagpapasalamat ko nalang din na walang malalang nangyari sa kanya. Utang na loob ko rin ang malaking tulong ni Adam sa akin. Malamig man ang pakikitungo niya sa akin pero nagpapasalamat parin ako sa kanya. Tanggap ko na naman na parang bipolar siya. Napangiti ako ng maaalala ko ang gwapong mukha niya. Ang mapupungay niyang mga mata, ang pagtagis ng mga bagang niya na laging galit. Pero hindi ko parin hindi maiwasan ngumiti kapag naaalala ko siya. Tulad nalang ngayon.
“Hoy Xenia! Anong nginingiti mo huh?” Kasabay ng paghila sa akin ni Arya ng buhok ko.
“Aray ko naman Arya! Makahila ka naman sa buhok ako ala mo naman aso ako!” Pag iinarte ko sa kanya, pero hindi naman yun masakit.
“Ang OA mo ha? Akala mo naman masakit! Wag mo nga ibahin ang usapan nililibang mo na naman ako.” Pagtataray niya sa akin, alam ko kilala na niya ang aking pag-uugali. Iniiba ko agad para hindi siya parang reporter ng walang sa oras.
“Hindi ako OA sadyang masakit.” Kunwari kong sagot sa kanya at ginalingan ko pa na halos maiyak na ako.
“Sorry na best friend! Mahina lang naman yun ah!” Umiiyak na rin siya. At tinalikuran ko na siya kunwari nag tatampo ako sa kanya sa ginawa niya. Hindi niya kasi ako titigilan at wala akong maibigay na tamang sagot kasi kahit ako, hindi ko rin maipaliwanag.
“Xenia sorry na bff!” Hindi ako sumagot. Pero gusto ko ng humagalpak ng tawa dahil sa aking pag iinarte ko sa kanya. Pupunta ako ngayon sa library namin, dahil gagawin ko pa ang aking assignment. Hindi na ako lumingon kahit ilang beses tinawag ni Arya ang pangalan ko.
Halos isang oras din akong nag research, para sa aming assignment. Pupunta na ako sa room namin ng may humarang sa akin na grupo ng mga sikat sa school.
“Look who’s here girls!” Umiwas ako ng daan pero sinundan parin niya ako. Tumigil ako sa kanya at tiningnan lang siya.
“Padaanin mo Elizabeth, alam mong hindi kita uurungan!” Matapang na sagot ko. Pero sa loob ko sa loob ko ay sobrang kinakabahan ako. Pumalakpak siya at tinaasan ako ng kilay. Ginaya rin siya ng mga alipores niya.
“Aba matapang ang pusher ngayon!” Nagpagting ang tenga ko sa kanya susugurin ko na sana siya ng humawak sa siko ko.
“Is there a problem here?” Kahit hindi ako lumingon kilala ko ang baritonong boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.
“Ah—Ahm nothing sir.” Agad nila akong tinalikuran. Tila nanlalamig ang katawan ko kani-kanilang pero biglang napalitan ng kakaibang init sa pagdaiti ng kamay ni Adam, sa siko ko. Napilitan akong mag taas ng tingin at sumalubong sa malamig na mga mata ni sir Adam.
“Hindi mo naman kailangang, ipagtanggol ako, kaya ko naman ang aking sarili.” Pagtataray ko sa kanya. Napailing nalang siya at nilampasan niya ako. Sa sobrang inis ko binato ko siya ng librong hawak ko at tinamaan likod niya. Tumigil siya at lumingon na nagbabaga ang mga mata niya. Humakbang siya pabalik sa akin. Natakot at sobrang kinabahan ako. Dahil sa pagiging pilya ko.
“Why did you do that for?” Pigil ang galit niya, halos umusok ang ilong niya. Nag mu-murmur din ako at ginaya ang sinabi niya.
“Wag mo nga ako ma English, English hah! Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako?” Pasigaw kong sagot sa kanya. Ayoko ko lang kung ano iisipin nina Elizabeth at mga ka grupo niya sigurado ako hindi titigil mga yun. At bakit ba siya nandito tapos na naman ang one-week niya na temporary reliever. Kita ko ang pag-iling niya.
“What do you want me to do? Aren't you supposed to be thankful?” Inis niyang tanong sa akin.
“Wala, diyan ka nga!” Singhal ko sa kanya. Sabay dampot sa libro ko na binato sa kanya. Para akong sumali sa race, dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Aminin ko man o hindi dapat ako mag pasalamat sa kanya.
Natapos ko na ang last subject ko sa pang hapon namin. Lumabas na din ako sa room. Para umuwi. Ito na naman ako pahirapan sa ulam. Dadaan nalang ako sa talipapa mamaya bago umuwi para bibili ng pang ulam namin at bigas. Sana napainom ng kapitbahay namin si Rowan ng gamot, ibinilin ko kasi si Rowan sa kanila kasi hindi ko naman maaasahan ang mga magulang ko. Daig pa namin ang ulila. May magulang nga kami pero hindi pero walang silbi. Sugal at alak lang umiikot ang mga buhay nila. Paglabas ko ng pintuan ng room namin niyakap agad ako ni Arya.
“Best friend sorry na kasi!” Pagmamaktol niya sa akin. Natawa nalang ako sa kanya at napailing. Masyado talaga siyang naapektuhan sa pang-iinarte ko. Niyakap ko siya at tumawa ng malakas.
“Engot mo! Hindi naman ako nasaktan! Halika kana bili mo ako palamig, para bati na tayo.” Pang- eenganyo ko sa kanya. Nakakatuwa lang isipin na may kaibigan akong katulad ni Arya.
“Besh akala ko totoo na! Sarap mo rin sakalin ng very, very light!” Dagdag pa niya at hinila niya ako palabas ng school namin para bumili ng palamig. Malayo palang tanaw ko na agad si Rommel. Naka sandal sa pader at ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon niya.
“Libre mo daw si Xenia ng palamig Rommel.” Ngising utos ni Arya sa kaibigan namin na siya naman ikinalapad ng ngiti nito.
“Hoy Arya wala akong sinabing ganyan hah, ikaw may sabi na libre mo ako?” Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko na siyang ikinalingon ng ibang mga estudyante at may pagtataka sa mga titig nila. Gusto ko na kumaripas ng takbo dahil nahihiya ako.
“Joke lang naman bespren!” Inikutan ko nalang siya ng mata at inismiran, dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya. Hinila na niya ako sa tapat ng food cart. Inabutan na niya ako ng fish ball at squid ball na may matamis na sauce at palamig. Tahimik lang si Rommel sa bandang kanan ko. Palamig lang ang binili niya pero siya parin nag bayad sa mga kinain namin. Nagpasalamat ako sa kanya na halos hindi sumayad sa lalamunan ko ang mga salitang aking binitawan.
Sabay-sabay na kaming, nag punta sa sakayan at si Arya meron na naman sariling mundo. Paglingon ko siya naman paglabas ng kotse ni sir Adam na naka tap down na kulay asul.
“Xenia, get in!” Nang tumapat ang sasakyan sa amin, na siya ko naman ikinagulat. Sobrang nahihiya ako.
“Naku sir, wag na po salamat nalang po.” Magalang kong tanggi sa kanya pero ang kabog ng puso ko nag uumapaw na. Nahiya rin ako kina Rommel at Arya dahil puno ng tanong ang mga mata nila.
“I insist! Don't let me lift you in my car!” Ma-autoridad na wika niya sa akin. Binalot ako ng kaba at takot lalo ng pabalang sumagot si Rommel.
“Pre, wag mong pilitin kung ayaw.” Mababang tono ni Rommel pero may diin sa sinabi niya. Ayaw ko ng gulo kaya dali-dali akong sumakay sa kotse ni sir Adam baka kasi mag pang-abot na naman sila.
“Xenia!” Babalang tawag ni Rommel sa akin, lumingon akong humihingi ng unawa sa mga titig ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa pero kita ko ang malalalim niyang buntong hininga. Nang makasakay ako, agad pinaharurot ni sir Adam ang sasakyan.
“Seat belt Xenia!” Malamig niyang utos sa akin. Agad ko naman siyang sinunod. Hindi na siya kumibo. Binalot ang buong pagkatao ko ng takot at kaba. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Ilang minuto pa ang lumipas pumarada ang sasakyan ni Adam, mamahaling restaurant malapit sa amusement park sa Sta. Rosa Laguna. Nagtaka man ako walang akong lakas loob na mag tanong. Pumihit siya sa kanan ko at pinagbuksan ako ng pintuan. Tinasaan ko sya ng kilay pero kita kung masaya ang mga mata niya kahit pa, hindi ito ngumingiti. Pagpasok namin sa restaurant tanaw ko agad si Rowan na kumakain ng spaghetti na paborito niya at nakaupo ang naka unipormadong lalaki na matyagang nag babantay sa kanya.
“Rowan!” Malalaking hakbang ang ginawa ko. Nang makalapit ako sa kanya, hindi niya ako pinansin at abala siya sa pagsubo ng spaghetti. Tumingin ako kay Adam na siya nag hila ng upuan ko. Tumayo naman ang nagbantay kay Rowan at umalis.
Pagkaupo namin ilang minuto sinerve na sa amin ang pagkaraming-raming pagkain. Parang bibitayin ako sa daming nakahain sa harapan ko.
“Eat up!” Udyok sa akin ni Adam. Yung kaba ko kanina doble na, hindi ko alam paano niya nakuha si Rowan sa amin ng hindi ito nag wawala.
“Pa—paano mo nadala si Rowan dito?” Nakailang subo ako bago ako naglakas loob na magtanong. Nauutal pa ako sa kaba. Namamawis pa ang mga palad ko. Isang tipid lang na ngiti ang sinukli niya sa akin. May bago ba doon. Pagkatapos naming kumain, sumakay ulit kami ng sasakyan at dinala kami sa isang sikat na amusement park sa Sta. Rosa.
Kita ko ang galak sa mukha ni Rowan. Napangiti na rin ako, autistic siya pero alam niya ang nasa paligid niya. Alam kong natutuwa siya sa mga makukulay na mga ilaw. First time naming dalawa maranasan ang mga ito. Namulat kaming dalawa sa marahas na kapaligiran at hindi tamang pagpapalaki sa amin ng Itay at Inay. Kaya nag pursigi akong mag aral, kahit hirap na hirap ako.
Sumakay kami sa merry-go-round at tumatawa si Rowan kasabay ng palakpak niya. Walang mapagsidlan ang tuwa sa puso ko. Kanina inis na inis ako kay Adam ngayon naman puno ng pasasalamat ang puso ko sa pinaka magandang karanasang ito sa amin ni Rowan. Sumakay din kami sa pang bata na batman roller coaster.
Kasunod noon sumakay kami sa bumpy car. Ako lang mag isa sa bumpy car ko, si Adam at Rowan magkasama. Sa laki ni Adam halos hindi na siya magkasya sa bumpy car nila.
“Xenia here we come!” sigaw ni Adam na tila bata nakikipagbungguan sa ibang bumpy car. Ang nakakatuwa napipikon siya sa tuwing may bumabangga sa kanila at palakpak naman ang sagot ni Rowan. Ito ang karanasan namin ni Rowan ay habang buhay kong itatak sa puso ko dahil sa malulutong na tawa ni Adam, at ng kapatid ko. Sarap pakinggan ang malutong nilang mga tawa. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Xenia iba na yan! Paalala ng utak ko sa akin. Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko kahit hindi ko naman kaarawan. Natapos kami sa bumpy car at nag target shooting kami. Inabutan ako ni Adam ng baril-barilan pero wala akong tinamaan ni isa. Nang siya na ang namaril lahat ng tau-tauhan napatumba niya, may audience pa siya na pumalakpak sa kanya at karamihan mga babae ang naka paligid sa amin. Abot tenga ang mga ngiti nila kay Adam. Feel na Feel namang ng isang ito. Sarap pektusan! Inis agad ang namayani sa akin. Hinila ko na si Rowan sa kabilang booth.
“Xenia!” Hindi ko pinansin ang tawag ni Adam sa akin. Naglaro kami ng basketball. Akala mo siya lang magaling. Pag start ng shooting ball sunod-sunod kong dinampot ang bola at hinagis sa ring, sunod-sunod din ang pasok ng walang palya. Hanggang sa madagdagan ang bonus round ko. Nalampasan ko ang highest score na five hundred. Nang maubusan ako ng oras at pumalya na ang bola, dahil na rin sa nangawit ang braso ko. Palakpakan ang mga kalalakihan na nanonood sa amin pati si Rowan nakapalakpak na rin. May sumipol din at bumati sa akin.
“Te—nia ga—ling” Papuri sa akin ni Rowan. Sabay flip ko naman sa buhok at nabangga ko ang matigas na dibdib ni Adam. Pag angat ko ng aking tingin nag- isang linya na ang makapal niyang kilay. Tinawag ni Adam si Rowan at inaabot dito ang ben ten na laruan. Pinulupot naman niya ang bisig niya sa bewang ko na siyang nag pabilis ng t***k ng puso ko.
“Get lost! The show’s over!” Pa-supladong sabi niya at inilayo na niya kami sa booth na yun. Hindi na kami gumala sa ibang both at hinila na niya kami palabas ng amusement park. Pag-tingin ko sa aking pambisig na relo mag alas-otso na, natampal ko ang noo, dahil na wala sa isip ko na may trabaho pa ako.
“I already informed Criselda you're not going to work today.” Malambing niyang saad. Natuwa ako. Binuksan niya ang pintuan sa likod para kay Rowan. Sumakay naman ako sa unahan ng hindi siya hinintay. Kitang-kita ko ang pag iling niya. Kita ko rin ang tauhan kanina ni Adam, sumakay sa van na dala nila. Bakit laging may mga tauhan siya ang dami pa akala mo susugot sa giyera.
Nang matanaw ni Rowan ang sign board ng isang sikat na fast food turo ito ng turo. Lumiko doon si Adam at ipinarada ang kotse niya sa tapat. Bumaba agad si Rowan ng hindi man lang ako hinintay. Agad naman binuksan ni Adam ang pintuan at inumang ang kamay niya sa harapan ko. Pero tiningnan ko lang yun kasi hinila na siya ni Rowan papasok sa loob ng fast food.
Sumunod ako sa kanila. Tumigil lang si Adam noong nasa hagdanan na at balak pa atang sa second floor kumain. Wala na akong nagawa ng hinawakan niya ang kamay ko at hawak naman niya si Rowan sa kanan niya. Madilim sa second floor napakunot ang noo ko. Nang biglang nagliwanag at may pumutok na party popper kasunod ang Happy birthday song. Saka ko lang naalala na birthday ni Rowan ngayon. Nakonsensya naman ako dahil nakaligtaan ko ang birthday ng kapatid ko. Niyakap ko siya at binati. Hindi ko narin napigilan ang mga luha sa mga mata ko dala ng tunay na kasiyahan at lungkot. Lungkot dahil sa dami ng iniisip ko nawala na ang mahalagang araw na ito para sa kapatid ko. Para akong tinarakan ng kutsilyo dahil ngayon ko lang hindi naalala ang kaarawan ng niya. Nagtaka man ako paano nalaman ni Adam saka ko na itatanong sa kanya. Kita ko ang kasiyahan ni Rowan. Talon pa ito ng talon at kasabay ng palakpak niya ng sumayaw ang mascot. Pinunasan ko ang mga luha ko at lumingon kay Adam. Mataman niya lang akong tinitigan. Hindi ko man mabasa ang laman ng isip niya pero, sa ginawa niyang ito hindi ko mapigilan hindi humanga sa kanya. I mouthed thank you to him kahit hindi niya dinig yun dahil sa ingay ng musika.
***