XENA POV
ILANG araw ang nakalipas ni anino ni sir Adam hindi nagpakita sa akin. Hindi narin siya pumasok para magturo sa subject ng pinsan niya, na siyang prof namin. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero nakakapagtaka. Pero parang ganun na nga, jusmiyo. Matapos niya akong hilahin saka nawala na parang bula. Nahiya rin ako mag usisa kay Madam Criselda, baka ano pa isipin niya, bakit ko hinahanap ang damuho niyang pinsan. Hindi naman halata na namimiss mo si Adam ano? Painsultong tanong ng mahaderang utak ko.
Hindi ko na rin naibalik ang perang binigay niya sa akin. Kahit si Madam Criselda hindi ito tinanggap, kaya ginamit ko ang iyon pangbayad sa buong tuition fee ko para wala na akong problemahin pa. Halos kwarenta mil din yun. Saang kamay ng Diyos ko yun kukuhanin. Pina-therapy ko rin si Rowan kada araw ng Sabado at Linggo. Yung sahod ko siya namang ginagastos ko para sa pang araw-araw namin, gaya ng pagkain at babayarin kada buwan, kuryente at tubig. Tumaas narin naman ang sweldo ko kay Madam. Bukod pa doon hindi na ako nagtatrabaho sa restobar ni Boss Martin. Dahil sobra na naman ang sahod sa café. Tapos hanggang alas dos nalang ako ng madaling araw. Inatang narin sa akin ni Madam Criselda ang accounting report. Kaya malaking bagay na nakaka tulog ako ng mahaba-haba.
Ang hindi lang nagbago sa buhay ko ang mga magulang ko kailangan may maiabot ako sa kanila. Kung hindi gulpi na naman ang aabutin ko. Tulad nalang ngayon araw ng Sabado dadalhin ko si Rowan sa therapist niya. Ilang buwan pa ang bubunuin ko bago makatapos.
Binihisan ko si Rowan, gusto ko man itong bilhan ng bagong damit pero kailangan muna naming magtiis. Wala ang mga magulang namin ngayon. Malamang nasa inuman si Tatay at sa sugulan naman si Nanay. Ilang araw narin silang tahimik basta may suhol na pera. Yun lang ata ang nakakapagpasaya sa kanila. Nakakalungkot isipin na yung taong nagbigay buhay sayo, akala mo kasangga mo yun pa pala ang mag papahirap sayo.
Sumakay kami ni Rowan sa pedicab. Nang makarating kami sa labas ng village namin, sumakay ulit kami ng multicab papunta sa clinic ng doktor ni Rowan. Maya-maya pa pumara na ako. Umakyat kami sa second floor kung saan naroon ang clinic ng doktor. Si Rowan sobrang kapit sa kamay ko. Magkahawak kami papunta sa Doktor niya
Isang mahinang katok ang ginawa ko. Pumasok na kami at dumulog sa receptionist. Kinuhanan muna si Rowan ng weight at height. Pati vital signs niya kinuha na din. Tumataas ang timbang ni Rowan ng dalawang kilo. Siya ko namang ikinatuwa.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tinawag ang pangalan ni Rowan. Pagpasok namin sa therapy room, napatda ako ng makita ko doon si Adam, naka pamulsa siya at naka salubong ang kilay. Ano ginagawa niya dito? H’wag niyang sabihin pinsan niya rin si Dok. Ako naman ay kinabog ang dibdib ko. Dahil sa kakaibang titig niya. Gusto ko siyang batiin pero naumid ang dila ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko.
He tapped Doc Arnold shoulder. Nilampasan niya lang ako na parang hindi ako kilala. Umahon ang inis ko sa kanya sa hindi malamang dahilan. Hindi naman dapat ako apektado sa kung pansinin man niya ako o hindi pero taliwas yun sa nararamdaman ko.
“Xenia, glad to see you again!” a bubbly tone from Doc Arnold. Pinasigla ko nalang ang boses ko kahit ang bigat noon dahil sa pang itsapwera ni Adam sa akin na tila ako ay isang estranghero sa kanya.
“Hello, Dok Arnold. Ako rin po.” Masaya kong tugon sa kanya. Siya naman pagtigil ng yabag ni Adam papalayo sa amin. Wala sa loob akong lumingon sa gawi niya, siya namang pagtama ng mga mata namin. Napalunok akong bigla dahil sa galit na nababasa ko sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin, pero wala na sina Rowan at Doc Arnold sa harapan ko. Naramdaman ko nalang ang pag angat ng katawan ko ere.
“Ano ba Sir Adam ibaba mo ako! Ano ba ginagawa mo! Nakakakhiya!” Pinag susuntok ko ang likod niya. Pero hindi man lang siya nakaramdam ng sakit sa ginawa ko. Nagkakawag ako para ibaba niya ako.
“Stop moving, Xenia!” He was serious and pissed for a reason I did not know. Ako dapat mainis sa kanya, hindi man lang siya nag kunwari na kilala niya ako. Para akong hangin na nilampasan niya lang ako kanina. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya, at pinasok ako doon. Dinig ko ang paglock ng sasakyan niya. Pumihit siya papuntang driver seat. Nag unlock yun at walang habas na pinaharurot ang sasakyan niya. Nahintakutan ako sa ginawa ni Adam. Napakapit ako ng wala sa oras.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, isang oras lang ang therapy ni Rowan baka umiyak yun at hanapin ako. Itinabi niya ang sasakyan, at halos dumikit ang labi niya sa mukha ko, napapikit ako. Hahalikan ba niya ako? Ilang Segundo pa ang lumipas walang halikang naganap. But I heard him chuckled and whisper.
“If you're waiting for a kiss, not gonna happen!” Napadilat ako ng mga mata ko dahil amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Tila ako’y nahihilo sa kakaibang kilabot na naramdaman ko. Nagtama ang mga mata namin, walang may kumilos sa aming dalawa. Pati paghinga ko hindi ko namalayan na pinigilan ko na pala. Siya nalang sumuko sa staring content naming dalawa.
“Anong kiss pinagsasabi mo! Feeling mo naman!” Mataray kong sagot sa kanya at nag iwas ng tingin para itago ko ang pagkapahiya ko. “Totoo naman! Ang landing galawan self!” Kastigo ko sa aking sariling katangahan. Hindi siya umimik at tahimik lang siyang nagmamaneho kung saan man kami pupunta wala akong alam.
Ilang sandali para tumigil siya sa Nuvali park. A large area was available for visitors. There was a hiking trail, ponds with koi fish of various colors, a zipline, and a lake. Large trees and a bench surround the park. People fed the koi fish at the floating restaurant, which was elegant. Having never been in a place like this before, this is my first experience. I was overwhelmed. With my studies, work, and Rowan, I am extremely busy.
“Ganda naman dito sir Adam.” Para akong bata na tuwang-tuwa sa natatanaw ko. Ito ang unang pagkakataon na masasabing kong masayang karanasan sa tanang buhay ko. Namulat ako sa magulong lugar, nasabak ako sa pagtatrabaho at pagbebenta ng bawal na gamot noong bata pa ako. Bigla ako nakaramdam ng lungkot, siguro matutuwa si Rowan kapag makita niya ito. Madalas natatakot ako, kapag iniiwan ko siyang mag isa at pumapasok ako sa trabaho o di naman kaya sa eskwelahan. Hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko. Napakasalat namin sa maraming bagay lalo sa pagmamahal sa aming mga magulang.
“I thought you loved the place.” Napalingon ako sa kanya. Wala man akong nababasa doon siguro nalulungkot lang din siya para sa akin.
“Sana madala ko dito si Rowan, hindi pa kasi siya nakakakita ng ganito.” Kusang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Huli ng mapagtanto na masyado akong kumportable sa kanya. Minsan lang naman. Pangungumbinsi ng utak ko.
Adam was quiet. Masungit ito madalas, at tahimik, parang pinaglihi sa sama ng loob pero ngayon isang tahimik na Adam ang kasama ko.
“Bakit mo pala ako dinala dito?” Wala sa loob kong tanong sa kanya. He stares at me for a second then he returns his gaze on the koi fish. Para naman akong tanga nito. Ayaw magsalita ng isang ito eh no. Tumahimik na din ako at ininjoy ko nalang ang mga kumpulan ng koi fish.
Maya-maya pa hinila niya nalang ako basta. Pumunta kami sa floating restaurant. Gusto ko na sanang mag reklamo pero pinigilan ko nalang ang aking sarili. Wala rin naman kasing silbi pa yun pagdating kay Adam.
Nang marating namin ang kainan pinaghila niya ako ng upuan. Napataas ang kilay ko, aba gentleman naman pala ang kumag. Ito rin ang unang pagkakataon na makain ako sa sosyaleng restaurant.
Tumawag si Adam ng waiter. Dumating ang waiter at binigay niya sa amin ang menu. Tatalikod na sana ito ngunit nagsalita si Adam. Agad siyang pumihit at kinuha ang order pad niya.
“Can you give us steamed Lapu-Lapu, bulalo, crispy pata, pork sisig, and one platter of rice, buko pandan, for dessert, and serve it after we eat? Melon shake and cucumber lemonade. That would be all.” Napanganga nalang ako sa dami ng order ni Adam, para ito na ang huling kain naming dalawa. At hindi man lang niya tiningnan ang menu. Memorize?
“Ano tingin mo sa akin patay gutom? Bakit ang dami mong inorder!” Naiinis kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin at umiwas then ng hindi man lang sinagot ang tanong ko.
“Oy magsalita ka naman! Pipi kana ba ngayon?” Pagbibiro ko pa sa kanya, at udyukan siyang magsalita. Pero wala, tahimik parin siya na tila wala itong ibang kasama. Umahon na naman ang inis ko. Gusto kong tumayo, at umalis para maiwan siyang mag isa. Para ubusin niya ang sangkatutak na inorder niya!
“Don’t even think of leaving!” Napakislot ako sa kinauupuan ng bigla nalang siyang magsalita. Nabasa pa niya ang iniisip ko. Napatampal ako sa noo. Nahihiyang umiwas ako ng tingin.
“Nakakagulat ka naman!” Manaka-naka kong wika, hindi parin tumigil ang pag reregudon ng t***k ng puso ko. Para akong naiihi na aatakihin sa puso. Kita ko ang kislap sa kanya mga mata pero hindi man lang siya ngumiti kahit konti. Napakamahal siguro ng bayad mapangiti lang siya.
Dumating na ang order namin. Nakakalula sa dami ng pagkain sa akin harapan. At takam na takam na ako hindi ko pa natitikman ang lahat ng ito, kasi simpleng ulam sa amin okay na basta may laman ang sikmura. Pero daig pa ang fiesta sa dami ng nakahain sa mesa. Nilantakan ko na agad yun ng hindi siya niyayang kumain.
“Salamat!” Sinserong saad ko kay Adam, tumingin siya sa akin na malamlam ang mga mata, hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o may iba pang dahilan. Bahagya siyang ngumiti.
“Yes!” Para akong nanalo sa lotto napatayo pa ako, dahil lang sa simpleng ngiti niya, agad itong nabura at nag isang linya ang kilay niya.
“What the hell happened?” His irritated voice was curious. Marunong din naman pala siyang ngumiti kahit paano.
“Napangiti kasi kita!” Masayang saad ko sa kanya. Nailing nalang siya dahil sa sagot ko.
“Foolish! Eat up. You're too skinny!” Matabang na sagot niya sa akin, hindi rin niya pinansin ang sinabi ko. Pero kita ko sa mga mata niya ang tuwa. Sapat na yun para sa akin. Parang napakalaking bagay yung mapangiti ko siya. Nilantakan ko na agad ang pagkain. Ngunit sa dami hindi halos nabawasan ang ibang order niya. Tinawag niya ang waiter.
“Pabalot ng natira.!” Lumuwa ang mga mata ko dahil ito ata ang unang pagkakataon na mag tagalog siya. Sa sobrang tuwa ko lumapit ako sa kanya at kinurot ko ang pisngi niya.
“What f**k, Xenia! Why did you do that?” I ignored the angry tone and shrugged my shoulders. Basta ako masaya ako. Tumayo na ako, at ramdam ko na sumunod siya sa akin.
Bumalik na kami sa clinic kung nasaan si Rowan. Lampas isang oras din kaming nawala. Pagkapasok namin sa clinic ni Dok Arnold, nakita kong nag lalaro si Rowan ng rubik’s napapalibutan siya ng ibang mga bata na tila manghang mangha sa kanya. Yung iba pumalakpak pa. Nilapitan ko si Dok Arnold at kinumusta ko ang kalagayan ni Rowan.
“Xenia, glad you're here. I have good news for you.” Mataman akong nakinig. Ngunit nalungkot nalang sa haba ng paliwanag ni Dok isa lang ang maliwanag malaking halaga ang kakailanganin ko para sa therapy ni Rowan. Hindi ko alam hanggang saan aabutin ang perang bigay ni Adam sa akin.
Yung sweldo ko sapat lang sa pangangailangan namin, at buwanang babayarin. Akala ko umalis na si Adam, pero nasa likod ko lang siya at tahimik na nakikinig.
“I shoulder his therapy,” Adam said immediately. Sa sobrang gulat ko niyakap ko siya, at ilang beses ko siyang pinasalamatan. Ilang segundo din nagtagal ang yakap ko sa kanya.
“You can let go now!” Malaming niyang sabi. Kumalas ako ng hindi makatingin sa mga mata niya. Dahil sa bugso ng nararamdaman ko. Napayapos ako sa kanya ng wala sa oras. Bigla akong nahiya. Sa dami ng naitulong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makaka bayad sa kanya. Sana pag nakatapos ako, at makahanap ng trabaho. Pangako babayaran ko siya.
“Pangako magbabayad ako” Sinserong sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumulong.
“I have my ways of collecting debts.” Then he stepped back and walked toward the door. I was completely blown away by what I had just heard. It was difficult for me to know what to think. I felt goosebumps running down my spine. I was freaked out by the feelings because they were foreign to me. It kept replaying in my head what Adam said: “I have my ways of collecting debts.”