XENIA POV
Unti-unti bumabalik ang ulirat ko. Mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko. Makailang beses pa ako pumikit ng mariin. Kinapa ko ang katawan ko kung meron masakit. Maliban sa ulo, pigi at likod kong tumama sa haligi ng bahay namin, wala namang masakit sa akin. Maya-maya pa bumangon ako, isinandal ang aking likod sa headboard ng kama. Iginala ko ang aking mga mata sa marangyang silid na kinaroroonan ko. Medyo may kadiliman ito ngunit hindi mapagkakailang nag susumigaw ito sa karangyaan, ganda at daig mo pang nasa hotel ka. Napahilamos ako ng mukha ko. Napahipo ako sa aking leeg. Ramdam ko pa ang gamot at may konting kirot doon. Tiningnan ko ang aking relong pambisig mag aalas tres y media na ng madaling araw. Ito na ang pinakamahabang tulog ko. Akma akong aalis ng kama ng marinig ko ang baritonong boses.
“Stay where you are Xenia! Get some rest!” Malamig na utos sa akin ni sir Adam, na siya naman ikinaluwa ng mga mata ko. Siya ang may pakana, kaya ako nandito. Susugurin ko siya ng suntok ng hindi ko maibalanse ang katawan at napaupo ako pabalik sa kama. Nanghihina pa ako. Masyado pa akong groggy. Kinuyom ko ang aking mga kamao para kumuha ng lakas doon.
“Bakit mo ako dinala dito! May balak kang masama ano!” Painsulto itong tumawa. Kasabay ng pagtayo at lumakad sa kinaroroonan ko. Tumigil siya ng ilang hakbang mula sa akin. Puno ng panunuya ang mga mata niya.
“I could kill you while you were unconscious. But I didn’t. You're still breathing, right?” He said, with full of sarcasm. Nakahinga ako ng maluwag sa tinuran niya. Oo nga naman kung may balak siyang gawan ako ng masama dapat kanina. Pero hindi ko pinakita yun sa kanya bagkus sinamaan ko siya ng tingin.
“Kung wala kang balak na masama, bakit ako nandito?” Pagalit kong sagot sa kanya hindi ako papatalo sa kaangasang pinapakita niya sa akin. Hindi ako natatakot sa kanya. Napailing ito at umatras at tumalikod siya sa akin ng hindi na sumagot. Tumayo ako at sinundan ko siya. Sinuntok ko siya sa likuran. Tumigil siya at pinukol niya ako ng masamang tingin na siya namang ikinatakot ko. Nanlilisik ang mga mata niya at nagtagis ang mga bagang na tila galit na galit. Nilukuban ako ng takot ng wala sa oras. Yung kabog ng dibdib ko daig ko ang tumakbo ng isang oval sa lakas at bilis ng t***k ng aking puso.
“You were f*****g bleeding!” He said angrily. Naumid ang dila ko. It made me realize that he helped me get some rest.
“Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong mo!” Sinagot ko parin siya ng buong tapang kahit alam kong mali ako. He ignored me. Binuksan niya ang pintuan at sumunod ako sa kanya. Hindi parin ako tumigil sa kakatalak sa kanya. Bigla nalang siyang sa tumigil at tumama ang mukha ko sa matigas niyang likod. Napahawak ako ng wala sa oras.
“Aray! Bakit ka biglang tumigil?” sita ko sa kanya.
“Why aren’t you looking?” He snorted back at me. My mouth was agape while I was looking at him. This man is unbelievable. Inismiran ko siya at tinungo ko ang pintuan. Bago ko pa pihitin ang pintuan. Nakaharang na roon ang kamay niya. Nag-angat ako ng tingin at sinamaan ko siya ng titig.
“Ano na naman? Namumuro kana sa akin!” Halos mapugto ang ugat ko sa leeg. Dahil sa ginawa niya. Walang emosyon niya akong tinitigan.
“Your bag.” Sabay abot ng bag ko at umalis na sa pintuan. Nasundan ko siya ng tingin. Diyos ko, napahiya ako doon. Akala ko naman kong ano na. Dumako siya sa bar counter at nag salin ng alak. Napabuntong hininga ako at binuksan ang pintuan. Paglapat ng seradura, napasandal ako doon, at ipinikit ko ang aking mga mata habang hinihilot ko ang aking sentido. Ilang sandali pa napagpasyahan kong lisanin ang lugar na yun.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground level. Nang tumigil yun lumabas ako. Walang katao-tao sa lobby, meron lang tao sa front desk hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako. at tuluyang dumeritso sa labas. Tumayo ako doon para mag abang ng masasakyan.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero mukhang nasa Laguna parin naman ako. Nilingon ko ang building at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita doon ang apelyido ni sir Adam. Totoo nga na mayaman siya. Para akong nanliit sa sarili ko. Inakusahan ko siya ng masama. Gusto kong bumalik para humingi ng dispensa sa inasal ko pero naging mataas ang aking pride. Keber ko ba! Sakto namang may bumaba sa harapan ng hotel at kita ko na papuntang paseo ang ruta nito. Agad akong sumakay doon. Binuksan ko ang aking bag para kumuha ng pambayad gayon nalang ang paglaki ng mga mata ko ng bumulaga sa akin ang kumpol na pera. Binaba ko agad ang nakabukas kong bag at aking sinilip yun baka namamalikmata lang ako. Nang tingnan ko ulit yun, totoo nga may pera sa bag ko. Saan galing ito? Wala sa loob kong usal. Gusto kong bumalik sa hotel at tanungin ang mayabang na Adam nayun kung kanya ang perang nasa bag ko. Magtuturo naman ito mamaya saka ko nalang ibalik. Babawas din ako ng dalawang libo para may maibot ko sa tatay at nanay mamaya kung hihingi sila.
Dumating ako sa bahay na tahimik pa ang paligid. Meron akong sapat na tulog kaya inasikaso ko nalang ang labahan namin. Manual lang ang amin washing machine, binili ko pa ito ng second hand dahil mahihirapan akong maglaba kung kakamayin ko pa yun. Bukod sa matagal wala na akong magagawang iba. Bago ko inumpisahan ang paglalaba, tinago ko muna ang aking bag. Isinalang ko na rin ang mga damit namin ni Rowan isusunod ko nalang maya-maya ang kina tatay. Pagkasalang ko ng damit namin. Pumunta ako sa bakery para bumili ng tinapay sa almusal at itlog na rin. Sinamahan ko pa ng peanut butter na palaman.
Habang nakasalang ang labahan namin, nagluto ako ng itlog, tuyo at nagsangag na rin ako ng kanin. Nag-init narin ako ng tubig para sa kape. Sinalin ko ang pinakulong tubig sa thermos. Iniinda ko parin ang sakit ng katawan ko pero sapat na yung pahinga ko para hindi sumuko. Pinagdadasal ko nalang na sana magbago na ang mga magulang ko. Mapagamot ko ulit sa espesyalista si Rowan.
Nang matapos ko ang labahan at paghahanda ko ng agahan sakto lumabas ang Inay kasunod ang Itay sa kanya. Hinainan ko sila ng agahan at nag hiwa narin ako ng kamatis at sibuyas. Kasi paborito ito ng nanay.
Dumulog sila sa hapagkainan na puno ng pagtataka sa akin. Sino pa naman hindi, pinag silbihan ko sila. Na hindi ko naman dating ginagawa. Nagsalubong ang kilay nilang dalawa pero hindi ko na yun pinansin. Nang nakahigop ng kape si tatay inabutan ko agad siya ng limang daan at ganun din si nanay. Bigla nagliwanag ang mga mukha nila
“Mabuti naman nag abot kana agad para hindi kana masaktan!” Sikmat ng aking ina. Hindi na ako umimik pa. Pera lang ang nagpapabait sa kanila. Kung sana ay may pera lang ako baka maparamdam nila sa amin ang kalinga ng isang magulang. Pumasok na ako ng banyo para maligo at papasok pa ako sa eskwelahan. Paglabas ko ng banyo wala na ang mga magulang ko. Kung saan sila nagpunta hindi ko alam. Sinampay ko ang labahan ko.
Nag-ayos na ako ng gamit ko, sinisigurado ko na nandoon pa ang backpack sa pinag taguan ko. At nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong naroon pa. Inihanda ko na ang kakainin ni Rowan, tinimplahan ko na rin siya ng milo. Iniinom parin niya yun kahit malamig na.
Dumaan din ako sa carinderia kung saan ako nakikiusap para sa tanghalian ni Rowan. Mabuti nalang mabait ang nabibilhan ko doon at iniuutos na lang nila yun sa trabahante nila. Buti pa ang ibang tao nag mamalasakit sa amin. Pero ang sarili naming mga magulang walang pakialam. Mahalaga lang sa kanila ay pera, sugal at alak. Dati nga bata pa ako, inuutusan nila akong maghatid ng illegal na droga kaya nahuli ako ng mga police. Menor de edad ako kaya sa DSWD ako dinala. Ilang taon din ako doon. Pero ng dahil doon naka pag tapos ako ng high school at naka ipon ako ng pera.
Nakarating ako sa harapan ng eskwelahan namin ng maayos. Tanaw ko sa di kalayuan si Rommel at si Arya. Nakakunot ang noo ni Rommel habang papalapit ako
“Problema niyong dalawa!” takang tanong ko.
“Saan ka galing.” Akusang tanong ni Arya sa akin na tila na nanantiya sa magiging sagot ko sa kanya.
“Anong saang galing, di sa bahay?” Kinutuban agad ako, pero hindi ko iyon pinahalata sa kanilang dalawa.
“Wala sa ka pinagtatrabahuhan mo kagabi, sa café at sa resto.” Malamig na saad ni Rommel, walang pag aakusa sa boses niya bagkus sigurado siyang wala talaga ako sa pinag tatrabahuhan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyayari sa akin kagabi baka ano pa ang isipin nila sa akin.
“Ah, sa bahay ako ni Madam Criselda, kasi purchasing officer na niya ako. At nakiusap siyang ayusin ko ang reports niya.” Sana lang maniwala sila sa dahilan ko.
“Yun naman pala Rommel ang dumi agad ng utak mo!” Over acting na wika ni Arya. Nakahinga ako ng maluwag na tila nakumbinsi ko naman silang dalawa.
“Teka nga ibig bang sabihin pinuntahan mo ako?” Paniguradong tanong ko kay Rommel. Tumango ito na tila nahihiya, saka nag walked out sa amin. Nungmisi lang si Arya sa akin.
“Manhid manhiran besh? Malukong pang aasar niya sa akin at patakbong lumayo at nag wave pa. Hindi na ako naka sagot.
Sumunod narin si Arya kay Rommel. Ako naman diretso na ng room namin. Ngunit mag aalas-otso na wala pa si Sir Adam. Tumunog na lang ang bell ni anino niya hindi ko makita sa room namin. Paano ko ngayon ibabalik ang pera niya sa bag ko. Alam kong sa kanya ito nanggaling.
Nang mag tanghalian na pero wala parin ang anino ng lalaking ito. Bahala nga siya sa buhay niya. Ibigay ko nalang ito mamaya kay Madam Criselda pinsan niya naman yun. Bulong ko sa sarili ko.
Naging mabilis lang ang sumunod na subject din namin, pinag research lang kami sa library. Ilang oras din ang ginugol ko doon para matapos ang research ko. Tahimik lang akong naglakad sa pasilyo ng biglang may humila sa akin. Akma akong sisigaw pero tinakpan niya ang bibig ko. Akma ko sana siyang kagatin.
“Don’t even think of biting me, or I will punish you!” Pabulong ngunit may diin sa mga salitang binitawan ni Adam. Nagbigay iyon ng kakaibang kiliti na dumadaloy sa bawat himaymay ng katawan ko.
“Bakit ba basta kana lang nanghihila ha! Ano ba tingin mo sa akin aso!” Pasinghal kong sagot sa kanya. Pero hindi niya yun pinansin.
“How’s your head?” Tanong niya sa akin. May bahid na pag-alala ang boses niya pero inignora ko yun.
“Pa—paano mong nalaman yun?” He smirks and whispers in my ear.
“I just know!” Simpleng sagot niya. Ubod lakas ko siyang tinulak. Hindi naman siya nag reklamo. Gusto kong lumayo siya ng bahagya sa akin dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Tila kinikilig ako na naiinis sa mga kilos niya na hindi ko maintindihan ang motibo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ayun na naman ang lakas ng kabog ng puso ko. Binuksan ko ang bag ko at iniabot sa kanya ang kumpol ng pera.
“Hindi ko matatanggap ito sir Adam. Nabawasan ko rin po yan ng dalawang libo, ibabalik ko din po pag sahod ko. Pasencia na po kayo kinailangan ko lang, baka kasi sasaktan ako ulit ng mga magulang ko kung wala akong maibigay sa kanila.” Sa haba ng paliwanag ko, kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nag-flash na naman ang pananakit kahapon sa akin ng tatay ko. Hindi ko na rin maaninag ang gwapo mukha niya dahil nalambungan na ang mga mata ko ng luha. Wala akong narinig na sagot sa kanya. Rinig ko nalang ang pag hugot niya ng malalim na buntong hininga. Napayuko ako dahil tinablan din naman ng hiya kahit papano. Hindi niya inabot ang pera, naiwan sa ere yun at tiningnan niya at umiwas ng tingin.
Iniabot niya sa akin ang kanyang panyo, tumalikod na at iniwan ako. Nailagay ko sa dibdib ang kamay ko. Ganun nalang ang pagka tulala ko. Napaka misteryo lahat ng kilos ni Sir Adam. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig sa kanyang mga kilos. Minsan creepy na. Sana naman walang masamang plano si Adam sa akin. Kung meron man hindi ko siya uurungan…