JEALOUSY

2172 Words
XENIA POV Hindi ko alam paano iproseso ng utak ko ang mga bagay-bagay. Ang problema ko sa pamilya ako at ang hindi ko maipaliwanag na kakaibang kaba kay Sir Adam. Naiinis ako dahil napaka antpatiko niya, akala mo naman kung sinong gwapo. Gwapo naman talaga Xenia!” bulyaw ng utak ko. Natapos ko ang buong maghapon ko na gulong-gulong ang isip ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman. “Xenia tara na?” Tawag sa akin ni Arya ng makalapit siya sa akin. Nag-aabang na rin si Rommel sa gate nakasandal siya sa gilid ng pader, at naka pamulsa. Palingon-lingon ako na may tila hinahanap ang mga mata ko. Pero nakakapanlumo ng hindi ko man lang matanaw si Sir Adam kahit saan. Xenia namimiss mo? sita ng mahadera kong utak. Laglag ang balikat ko, na sumunod kay Arya. Hindi ko mailarawan ang kakaibang dahuyang nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid ko lang si Adam. May kong anong hiwaga at pwersa ang bawat titig niya at binabalot ng kakaibang motibo at misteryo. “Xenia gusto mo munang mag merienda?” tanong sa akin ni Rommel na malamlam ang mga maya niya na nakatingin sa akin. Umiling ako sa kanya. Wala akong oras para sa merienda. “Naku Rommel alam mo naman hinihintay na ako ni Rowan, kailangan ko ng umuwi agad.” Nahihiyang tanggi ko sa alok niya. Rommel is being Rommel again. Sweet and thoughtful as always. “Tara na nga.” Yaya sa amin ni Arya. May kung anong nagtulak ko sa akin para lumingon sa likuran ko. Nakita ko sa hindi kalayuan sina Sir Adam at ang kapit tukong professor na yun. Parang tinadyakan ang dibdib ko ng makita ko silang sobrang sweet. Iniwas ko ang mga mata ko at dumeritsong lumakad sa sakayan ng multicab. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Selos? Tanong ng isip ko na kahit ako hindi ko rin alam ang sagot. Bakit ako naiinis? Kanina hinahanap ko lang siya ng makita ko ayun at sobrang makipaglampungan sa kapwa niya professor. May kung anong kirot akong naramdaman. Pero isinawalang bahala ko na lang yun. Pagdating namin sa paradahan ng multicab inalalayan ako ni Rommel sa siko at nakita kong naka tingin si Sir Adam sa amin. Hindi ko na pinansin ang masamang titig niya at tuluyang sumakay. Napapagitnaan ako nila Rommel at Arya. Si Arya narin nag bayad sa aming tatlo. “Bakit ka na naman nakasimangot Xenia kanina ka pa. Ano ba ang problema mo?” Naiiritang tanong ni Arya sa akin. Gusto kong sumagot, ngunit naumid ang dila ko. Paano ko ba sasabihin sa kanyang naiinis ako kasi may kasamang iba si Sir Adam. Baka mabatukan pa ako ng wala sa oras. Tahimik lang si Rommel sa kanan ko. Maya-maya nagsalita ito na siya ko naman ikinagulat. “Xenia hatid kita mamaya sa trabaho. At sunduin narin kita? Delikado para sayong umuwing mag isa.” Gusto kong humagalpak ng tawa sa kanya, kelan pa ito naging concern sa akin eh ang tagal-tagal ko nag nagtatrabaho sa café at restobar ni minsan hindi naman ito nag alok na ihatid ako o susunduin man lang. Anong meron? “Wahaha ano ka ba Rommel! Pasaway ka! Alam mo bang madaling araw na ako umuwi diba?” Sumagot ako ng natatawa sa kanya. Agad itong umiwas ng tingin. Siguro napahiya siya sa sinabi ko. Si Arya naman halos walang pakialam kaka dotdot sa telepono niya. Bago tuluyan umandar ang multicab na sinasakyan namin ng lumingon pa ako sa gate ng school namin at nagtama ang mga paningin namin ni sir Adam. Agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Isang pinong kirot ang naramdaman ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. “Lalim naman noon bff! May problema ba?” pag-alalang tanong ni Arya sa akin. Umiling nalang ako at ipinikit ang aking mga mata. Ngunit ang maamong kayumanggi niyang mga mata ang lumitaw sa isip ko. Ipinilig ko ang aking ulo para mawala iyon. Pagdating namin sa babaan sumakay ulit kami ng tricycle papasok sa barangay namin. Unang hinatid si Arya. “Bye BFF!” Masayang paalam ni Arya. Kumaway din ako sa kanya. Hanggang sa si Rommel naman ang sumunod na bumaba sa tapat ng bahay nila. “Bye Rom, Salamat pala sa alok pero huwag na lang ha? Ayoko magising ka ng maaga dahil sa akin may pasok pa kasi tayo.” Malumanay kong paliwanag sa kanya bago siya tuluyang bumaba. Hindi rin siya sumagot at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Laglag ang balikat niya at ang bigat ng bawat hakbang. Pagdating sa tindahan bumili ako ng dalawang lata ng corned beef at dalawang patatas. Hindi ko alam kung kelan ko mapagkakasya ang ipon ko. Halos kulang na rin ako sa tulog at minsan sumasakit na ang ulo ko. Nasa harap na ako ng bahay namin ng matanaw ko si Rowan na nag lalaro ng lupa. Natatakot ako para sa kanya, kasi lagi siyang mag-isa. Buti nalang may mababait kaming kapitbahay. Hindi ko naman siya pwedeng isama sa trabaho at school ko. Wala rin akong pera para mapa confine siya sa center for special child dito sa Laguna. Humuhulma siya ng lupa na parang igloo. Pumasok ako sa bakuran namin. “Rowan, halika maghugas ka ng kamay.” Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at lumingon man lang. Sinarado ko ang lumang gate na min na yari sa barbed wire. Tumunog ang cellphone, hindi ko na pinansin kung sino man ang nag text sa akin. Pumasok ako agad, at dumiretso sa kusina. Inilapag ko ang uulamin mamaya at nag saing agad ako. Dinig kong may kumalabog sa kwarto nina Itay at Inay pero hindi ko na iyon pinansin madalas ko na kasing naririnig ang kalabugan doon. Pagkasalang ko ng kanin. Pinuntahan ko agad si Rowan sa labas. Nandoon parin siya at naglalaro. Inakay ko na siya papasok kasi papaliguan ko pa, bibihisan at pakakainin bago ako umalis maya-maya. Maaga din kaming umuwi kasi walang prof sa panghuling subject namin. Pinaghanda ko na ng tubig si Rowan, at pinapaliguan bago pa ako magluto ng aming hapunan. Madali lang naman iyon. ng mapaliguan ko si Rowan mabilis ko naman siyang binihisan. Hinanda ko na rin ang patatas at sibuyas na gagamitin ko para sa pagluluto ko. Kumukulo narin ang sinaing ko. Para akong ipo-ipo kung kumilos. Bawat segundo para sa akin mahalaga. Pagkahiwa ko ng sibuyas at patatas, sinangkutsa ko na agad yun ng dalawang minuto at sinunod ko ang dalawang lata ng corned beef. Nang maluto iyon, agad akong pumasok ng kwarto ko at kumuha ng towel at nagbuhos. Mabilisang half bath lang ang ginawa ko. Pagkatapos kong magbihis dumako na ako ng kusina, si Rowan naka upo parin at kinakalikot ang kanyang mga kamay at umiikot ang mga mata niya. Kumuha ako ng plato, at nilagyan ng kanin at corned beef para medyo lumamig na yun bago ko pakainin si Rowan. Nagtataka ako tahimik siya. Paghawak ko sa likod niya agad itong umiiyak sa hindi ko malamang dahilan. “A–ray—te —nia ma-kit!” Utal niyong sabi sa akin. Itinaas ko ang damit niya kita ko ang mga pasa doon. Hindi ko napansin kanina kasi ayaw niyang hubarin ang suot niyang t-shirt. Parang nilukumos ang puso ko sa sakit. Sumusobra na ang mga magulang ko sa pag mamalupit sa amin. “Sino may gawa niyan, si Nanay ba o si Tatay?” Awang-awa kong tanong sa kanya at hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mga mata ko. “Na—nay, Na—nay” umiiyak na rin siya. Gusto kong sugurin ang mga magulang ko kung nasa silid man sila. Pero sinarili ko nalang ang sama ng loob ko. Pinunasan ko ang luha sa magkabilang pisngi ko at niyakap ng mahigpit si Rowan. Rinig ko parin ang mga hikbi niya. Sinubuan ko na siya, at sumabay na rin ako pagkain. Nang matapos kami kumain ng hapunan siya naman palabas ni Tatay sa kwarto may hawak itong gin. Pasuray-suray papalapit sa amin sa kusina. “Gusto mo na bang kumain Tay?” Magalang kong tanong sa kanya. “Xenia pahingi ng pera!” Inignora niya ang tanong ko bagkus tinanong pa niya ako kung may pera pa ako. Umakyat ang dugo sa ulo ko pero tumahimik ako. Napakuyom ko nalang ang dalawang kamay sa gilid ko. “Binigay ko na po kay nanay kaninang umaga Tay.” Malumanay kong saad sa kanya. Ngunit bigla nalang niya dinakma ang bibig ko at mahigpit niyang pinisil ang baba ko. Namilipit ako sa sakit. “Ta—tay nasa—saktan po ako.” Sa sobrang pagdiin niya sa panga ko hindi k na mapigilan ang pag iyak ko. Rinig ko rin ang pag iyak ni Rowan. “Masasaktan ka talaga kung wala kang maiabot sa akin babae ka!” Bulyaw ng tatay sa mukha ko. Halos lumabas narin ang ugat sa leeg niya. Nanlilisik ang mapupulang niyang mga mata. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bibig niya. Mas diniinan pa niya ang hawak sa panga ko halos lumubog na doon ang kuko niya. Pinagsusuntok ni Rowan ang likod ng tatay at doon napabaling ang tingin niya. Agad akong natakot, sa posibleng gawin ng itay sa kanya. “Tay h’wag po, ako nalang.” Pagmamakaawa kong pakiusap sa kanya pero tila bingi ang tatay hinawakan niya ang braso ni Rowan at napasalampak ang pang-upo niya sa sakit na siya namang ikinaatungal ng pag-iyak. Agad kong dinaluhan si Rowan dahil sa lakas ng iyak iniwan kami ng Tatay at pumasok sa kwarto ko. Halos masira yun dahil sa pagbabalibag niya ng pintuan. Kinabahan ako baka makita niya ang pinag tataguan ko ng pera. Ibibili niya lang yun ng alak. “Xenia!” Hinalughog niya ang bawat sulok ng kwarto namin. Pinanghahagis niya ang mga unan at kumot at ang manipis naming kutson. Hindi pa siya nakuntento tinaob pa niya ang kama. Pinag tatapon niya ang mga damit namin sa lapag mula sa Orocan. Nang walang makita si tatay lumapit siya sa akin at pinag sasampal ako. At itinulak niya ako at tumama ang ulo ko sa matigas haligi namin. Sa sobrang lakas ng pagkakatama ko doon, medyo nandilim ang aking paningin at napaupo ako sa sahig. Yakap-yakap ako ni Rowan at pareho kaming umiiyak. “Napakawalang kwenta mong anak! Walang silbi” Isang sipa pa ang binigay ng tatay sa binti ko at napakagat nalang ako ng aking pang ibabang labi para hindi ako mapahiyaw sa sakit. Kinapa ko ang likod ng ulo ko at namasa iyon. Alam kong nasugatan ako. Napapikit ako sa sobrang sakit. Si Rowan hindi rin tumigil sa kakaiyak. Hindi na ako makapagsalita. Wala na akong lakas para makipag palitan ng salita sa tatay ko. Umalis siya, pero dumaan ito sa kusina para kunin ang bote ng alak niya. Napapikit ako ng mariin. Ilang sandali pa dahan-dahan akong tumayo. Pinaupo ko si Rowan sa kusina. Meron pang kaunting pagkain siya doon. Paika-ika akong naglakad papunta sa kwarto namin ay inayos ang kinalat ng tatay. Nanlalambot ako masakit din ang likod ng ulo ko. Ilang sandali pa naayos ko ang lang silid namin. Pinuntahan ko si Rowan sa kusina. Nang maayos ko na ang lahat. Pinahiga ko na si Rowan sa kama niya at kinumutan. Hinalikan ko siya sa noon. Bumulong din ako sa kanya. “Rowan magtatrabaho si Ate Xenia ha? Uuwi din agad ang ate.” Hindi siya kumibo at umiikot lang ang mga mata niya. Nag sisinok pa at hikbi. Gusto ko man siyang samahan pero kailangan kong magtrabaho. Kinumutan ko si Rowan at nagtungo sa banyo pag mag ayos. Pagtingin ko sa oras ko malapit na mag alas siete ng gabi. Late na ako ng isang oras. Gusto ko man bilisan ang kilos hindi ko magawa iniinda ko ang sakit ng katawan ko pati ang aking ulo. Pumasok na ako sa employee entrance at naka abang doon si Madam Criselda. Nanliliit ang mga matang nakatingin ito sa akin. Ito ang unang pagkakataon na malate ako. Tiningnan niya agad ako mula ulo hanggang paa. Binalot ako ng kaba, at napalunok ako ng laway ng wala sa oras. “Follow me!” She said coldly. Tahimik akong sumunod sa kanya. Tunog lang ng stiletto niya ang naririnig ko at ang kabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. “Sit!” Madiin niyang utos sa akin. Dahan-dahan akong umupo at sumunod ang mga mata niya sa akin. “Ma’am, I am sorry po I was late. Hindi na po mauulit.” Pagmamakaawa ko sa kanya. Wala akong narinig sa kanya. Kundi ang malalim niyang buntong hininga. Hindi ko na naisara ang pintuan sa office akma akong tatayo ng may tumusok na karayom sa leeg ko. Gusto kong lumingon hindi ko magawa. Namanhid ang katawan ko. Unti-unti namigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko rin na mukhaan ang kung sino ang tumusok ng karayom sa leeg ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD