STALKER IS REAL

2099 Words
XENIA POV Tiningnan ko ang customer namin sa table five. Andoon parin siya at kumakalikot ng laptop niya. Ilang minuto nalang magsasara na kami. Bawat sulyap ko sa gawi niya, ay siya namang pagtama ng mga paningin namin. Nginingitian ko siya ngunit nag-iisang linya ang kilay niya. Nakatiim bagang siya na akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Hindi maitatanggi ang misteryosong mga titig nito at akala mo manlalapa ng tao. Panay ang sulyap ko sa aking pambisig na relo. Gusto ko na kasing simulan ang inventory para maibigay ko ang listahan sa mga kakailanganin kinabukasan. Bumukas ang opisina ni Madam Criselda. Tumango at ngumiti ako sa kanya at ginantihan niya naman yun ng ngiti at tango. Dumeritso ito sa table five. “I thought you were gone couz!” rinig kong wika ni Madam. Napalaki ang mga mata ko. Pinsan pala siya ni Madam kaya inabot ng oras ng pagsasara. “I am busy Cris.” Dinig ko na sagot ng pinsan ni Madam. Tumalikod ako at sinimulan ko ang inventory mula sa mga dried goods na gagamitin gaya ng baso, tissue at iba pang kakailanganin. Nang matapos ko ang initial inventory dinig kong tinawag ako ni Madam. “Xenia, can you bring two espresso please.” Biglang kumabog ang t***k puso ko na akala mo may nagtatakbuhang kabayo sa lakas ng dagundong ng dibdib ko. Napahawak ako sa doon. “Kalma lang self” “Yes madam, coming!” agad akong kumilos at pinag handa sila ng espresso at dalawang basong tubig. Nang matapos kong ihanda yun dinala ko ang order nina madam sa mesa nila. “Xenia, this is my cousin Adam.” Pagpapakilala ni Madam sa akin sa pinsan niya. Nakahanda na ang ngiti ko ngunit hindi man lang pinansin ng Adam na yun. “Adam!” ulit na tawag pansin ni Madam. “What!? His pissed voice was obvious. “I said this is Xenia!” nag angat siya ng tingin sa akin at gaya kanina nag iisang linya ang kilay. “So!?” he answered mockingly. “Ouch! Nakaka sakit kayo ng balunbalunan sir.” I teased him. Which is a wrong move by the way. He looks at me, head to foot, and smirks. He was a cold-hearted guy and insensitive. “Can you put my espresso and leave!?” kung hindi lang ito customer at pinsan ni Madam ibinuhos ko ang kape sa kanya. Bukod sa sobrang pait ng espresso kasing pait rin ng ugali niya. Kaya pala bitter ito parang espresso. Parang pasan ang mundo. Napataas ang kilay ni Madam. Ngitngit ang kalooban ko ng tumalikod sa kanila. Hindi ko nalang pinansin at kabastusan ng lalaking iyon. Sanay na ako. Mabilisan ang kilos ko. Kasi meron pa akong part-time na trabaho sa resto bar. Nang matapos kong mainventory lahat, Lumabas ako ng kusina. Iniabot kay madam ang listahan na kakailanganin ko. At magpaalam narin ako. I cleared the lump on my throat. “Uhm Madam heto na po ang kulang sa stocks natin.” Binigay ko sa kanya ang listahan. “Lilipat kana ba sa kabila?” Tanong sa akin ni Madam. Napaangat din ng mata si Adam na yun at nakakunot ang noo niya. “Opo Madam.” Magalang kong sagot, bahagya itong ngumiti pero malamlam ang mga mata. “You’re are overworked Xenia. Inaabuso mo ang katawan mo.” She said worriedly. Napayuko nalang ako. Wala naman kasi akong choice. Ito lang ang bumubuhay sa amin at pagtustos ng pag aaral ko. “What is your work there?” walang gatol na tanong ng Adam na yun. Aba himala curious. Napataas ako ng kilay ngunit malumanay ko siyang sinagot. “Dishwasher po sir.” Nahihiyang napayuko ako. Not that I was ashamed about my job, pero parang ang baba ng tingin niya sa trabaho ko. Hindi na ako nagsalita. Tumalikod nalang ako. Pinunasan ko ang butil ng luha ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng hindi lantaran pero pagmamaliit sa disenteng trabaho ko. Aja lang Xenia, maliit na bagay lang yan!” my mind is consoling me to be okay with it. Oo nga naman. Sisiw lang ito kumpara sa mga naranasan ko. Ngayon pa ba ako susuko? Pero ngayong lang din ako nakadama ng panliliit sa trabaho ko na dati naman hindi. At sa lalaking ni hindi alam ang pinagdaanan ko. Nagpalit lang ako ng itim na t-shirt na siyang uniporme ko sa kabilang part-time. Paglabas ko sa exit ng café. Nagulat ako dahil bigla nalang may humila sa akin. Binalot ng takot ang buong sistema ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Medyo may kadiliman sa exit. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki pero pamilyar ang pabango na gamit. “Did I hurt your feelings?” his voice was so sexy that I am unable to move and no sound that came out on my mouth. Inipon ko ang lakas ko at tinulak ko siya. Ngunit hindi man lang ito natinag. Ako pa nawalan ng balanse. Agad pumaikot ang matigas niyang braso sa aking bewang at lalong dumikit ang mainit niyang katawan. Para may kung ano kuryente ang dumadaloy sa bawat himaymay ng katawan ko na nagpahilo sa akin. “Ang kapal ng mukha mo! Bitawan mo nga ako!” Pagtataray ko sa kanya. Nag pupumiglas ako makawala lang ako sa hinayupak na ito. He demonically laughs. “What are you gonna do?” he whispered in my ear. Tumayo lahat ng balahibo ko. Buong lakas ko siyang tinuhod ngunit alam na ata niya ang gagawin ng pumagit siya sa hita ko at isinandal ako sa pader. Napaigik ako sa sakit ng likod na tumama sa semento. “Bitawan mo ako kung hindi sisigaw ako! Maniac ka!” galit na ako sa kanya ngunit hindi man lang nabawasan ang ka bruskuhan niya. “Good ahead! Will see what will happen then!” He confidently said and sniffed my neck! Kung hindi madilim sa bahaging iyon ng exit alam kong nagkulay kamatis ang mukha ko. Akma ko siyang sasampalin ngunit binitawan niya ako at umalis. Napahawak ako sa dibdib ko. Nag-uumapaw ang kaba ko. Kaba na hindi ko maipaliwanag. *** Pumasok na ako sa restobar na pinapasukan ko, pagkatapos ko sa café ni Madam Criselda. Dumiretso na agad ako sa kusina para atupagin ang trabaho. Tumambad sa akin ang tambak na hugasin. Kinuha ko agad ang rubber apron. Binuksan ko ang hot faucet, at sinarado ang kabilang sink. Tinanggalan ko ng mga mumo ang mga plato at pinatas ayon sa design mula sa mga plato, baso, at sa sizzling plate. Pinagsama ko rin ang mga sandok, kutsara at tinidor. Nang maayos ko na yung isinalansan inuna ko ang mga baso kutsara at tinidor. “Xenia, kailangan mo ng tulong?” Si Marlon iyon, dispatcher ng kusina. Biyudo ito at may isang anak na babae. Namatay ang asawa nito sa panganganak. Umiling nalang ako. “H’wag na Marlon kaya ko naman.” Malumanay akong tumanggi sa alok nyang tulong. May kanya-kanya kaming trabaho na naka assign sa amin. Sanay naman ako at hindi nag rereklamo kasi malaki rin ang sahod ko dito. Per oras ang bayad sa akin. Naglagay na ako ng guwantes na goma sa mga kamay ko dahil matapang ang dishwashing liquid na gamit namin. Noong una kong gamit nangati ang kamay ko at nagka allergy ako dahil chemical ng sabon. Hinila ko ang rack ng lagayan ng mga pinag hugasan ko at pinatas ang lahat. Dalawang oras din ang inabot ko matapos ang first batch ng hugasin ko. Sinunod ko ang mga plato, bowl at sizzling plate. Mabilis ang kilos pag tingin ko sa relo, alas dos y media na ng madaling araw. Kailangan matapos ko ito bago ang uwian ko. “Xenia, I need your help. Leave that and follow me.” Boss Martin yun. Mabait siya sa akin, siya ang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Sa edad na kwarenta’y singko matikas parin ito. Dali-dali akong nag punas at sumunod sa kanya. Tinanggal ko ang apron ko at sinabit sa bandang gilid ng lababo. “Yes, boss Martin, may problema po ba?” curious akong tanong sa kanya. Hindi naman ako kinabahan dahil alam ko na wala naman akong ginawang masama. “Xenia, I need you on the floor, kulang tayo sa waitress nagkasakit si Annabel.” Halos mag makaawa ito. Nakahinga ako ng maluwag akala ko mawawalan na ako ng trabaho. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Akala ko po boss kung ano, pinakaba nyo naman po ako ng very light. Pa-suspense pa po kasi kayo.” Inabutan ako ni boss Martin ng green polo shirt at name tag. Hindi naman ready si boss eh no? Pumunta agad ako sa banyo para magpalit ng polo shirt. Nag spray narin ako ng baby cologne at naglalagay ng polbo at liptint. Inayos ko narin ko na rin ang buhok ko. Nang okay na ang hitsura ko lumabas ako sa comfort room at kinuha ang order pad sa counter at ball pen. Sanay naman ako sa pag kuha ng order, at isa pa memorize ko narin ang menu sa restobar at mga alak na sine serve nila. Tatlong taon akong naging dishwasher nila. At ito ang unang pagkakataon napasabak ako sa pagiging waitress. Pinuntahan ko agad ang nag taas ng kamay para kunin ang order niya ngunit laking gulat ko si Sir Adam ang nasa bandang sulok at madilim na table. “I thought you’re a dishwasher?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Hindi ko na pinansin ang pasaring nya sa akin. Hindi ko hahayaan kutyain ang trabaho ko. “What can I get you sir?” hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Para namang tinatambol ang puso ko. Hindi ko lubos maisip bakit ganun nalang ang epekto ng lalaking ito. “Bourbon” walang gatol niyang sinabi. Bakit andito siya, sinusundan niya ba ako? “I am not following you if that’s what you're thinking!” napamaang ako, paano niya nabasa ang nasa isip ko? “Wala naman akong sinasabi ah!” depensa ko agad sa kanya. He smirks and look away. “Anything else sir?” tinanong ko ulit siya baka may gusto pa siyang orderin gaya ng pulutan. Umiling ito at tumingin sa malaking monitor dahil may kumakanta doon. Yumuko at umalis. Bumalik ako dala ang dalawang klaseng bote ng bourbon na meron. “Sir, William or JD?” I look at him directly on his eyes. Hindi ko hinayaan ma intimidate na naman niya ako. “William!” malamig na tugon niya, inilapag ko ang 750 ml na William bourbon at short glass at bucket ng ice. Nang inilagay ko ang order niya. Umalis na ako ng hindi nag paalam. Sinunod ang nasa kabilang table kita ko ang pag taas ng kamay ng mga kalalakihan doon. “Good evening sir. Ano po order nila?” Magalang kong tanong. Mukhang lasing na ang mga ito. Panay na ang tawa at hithit ng sigarilyo. “Pwede ba ikaw orderin namin?” Walang gatol na sagot ng lalaking lasing na ata. Hindi ko pinansin ang patutsada sa akin. Ayaw ko ng gulo. “Sir, mawalang galang na po, may order po ba sila?” May diin nasa boses ko. Hindi ko hahayaang bastusin ako ng mga lasenggong ito. Kaya hindi talaga ako pumayag na mag waitress kasi hindi maiwasang mabastos ka dahil lasing na mga customers. Hinawakan ko ako ng sa pulsuhan ko at pilit nila akong pinapaupo. Nakaramdam ako ng takot. “Upo ka muna miss. Magkano ba ang oras mo bayaran ko!” Himok nila sa akin. Agad kong inagaw ang pulsuhan ko. Pero humigpit ang hawak ng lalaking iyon. “Waitress po ako dito! Kung wala kayong order aalis na ako!” Pagmamatigas kong sabi kanila. Tawanan silang lahat. “Wala ka palang binatbat pre tinanggihan ka oh!” Agad tumayo ang lalaki at tumayo sa harapan ko. Lumapit ito ng bahagya at bumulong sa akin. Kinilabutan ako at agad dumapo ang malakas na sampal sa mukha niya. Agad niya akong binalingan at kamang sasampalin napapikit nalang ako at naghihintay ng ganting sampal ng lalaking nasa harapan pero walang dumapo sa akin. Dinig ko nalang ang kalabog at humandusay na sa sahig ang nambastos sa akin. Mag papasalamat na sana ko ng nagsalita si Adam. “You better stay in the kitchen and be a dishwasher than being a waitress.!” Tigagal ako sa sinabi niya. Pinagtanggol niya ako pero mas masakit pa sa patalim ang salitang binitawan niya. He walked out and went back to his table. Naglapag ng libuhin doon at umalis…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD