THE BEGINNING

2807 Words
XENIA POV Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam paano ko masosolusyunan ang problemang kina haharap ko ngayon. Sabay-sabay dumating ang dagok sa buhay ko. Kailangan kong bayaran ang tuition fee ko kung hindi, hindi ako maka martsa sa graduation. Ang gamot ng kapatid ko. Halos kulang na ang perang naipon ko sa gamot at pagkain pa namin. Pinaka tago-tago ko ito dahil kapag makita ito ni Inay isusugal niya lang ng mahjong o di kaya naman tong it. Si Itay naman alak. Mas inuuna pa nila ang bisyo nila kesa pangangailangan namin sa bahay. Napabuntong hininga nalang ako. “Hoy bruheldang maganda tulala kana naman!” panggugulat ni Arya sa akin. Siya ang matalik kong, graduating student narin ito. Business management ang kursong kinuha niya. Ako naman ay BS Psychology. Ito ang gusto ko para sa kapatid ko. Rowan, he was my inspiration to take this course. Graduating student narin ako. Ilang buwan na lang matatapos ko narin ito. Napabuntong hininga ako, at hindi nilingon si Arya. Tumahimik ako ng ilang sandali ng bigla niyang hinila ang buhok ko. “Aray naman Arya!” nakasimangot kong bulyaw sa kanya. “Bakit ang tahimik mo kasi!” naiiritang sagot niya sa akin. Ayaw kong magsalita kasi alam ko rin naman ang sasabihin niya. She will say those lines again and again but it pains me. She has a point but I just can’t. “Wala!” simpleng sagot ko sa kanya at kita ko ang pagsimangot niya sa akin, kasabay ng kanyang buntong hininga. “Magkano!” walang gatol na tanong niya sa akin saka ako napalingon sa kanya. Itinirik lang niya ang mga mata niya pero naka ngiti ito sa akin. Napailing ako. “Kailangan ko ng isa pang part-time Ary!” wala sa loob kong sagot sa kanya. Alam kong mag aabot na naman siya ng pera sa akin. Hiyang-hiya na ako sa kanya. Ibinalik ko ang aking mga mata sa malawak na oval. Dito ako nag lalagi kapag wala akong pasok sa next subject ko. “Ano ka ba naman Xenia! Halos hindi ka nga natutulog magdadagdag ka na naman ng part-time!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg! Ang lapit-lapit lang niya sa akin daig pa na nasa kabilang barangay ako dahil sa galit ang boses niya. Naawa narin naman ako sa sarili ko. Pero hindi ko naman kayang iwan ang mga magulang ko, lalo pa ang kapatid kong si Rowan. Lahat naman ng pag sisikap ko para kanila kahit puro pahirap lang ang ibinigay sa akin. Hindi ko parin sila kayang iwanan. Hindi kaya ng konsensya ko. Hindi ko kayang talikuran ang aking pamilya kahit gaano kahirap kakayanin ko. Hindi ko na pinansin si Arya. Tumayo ako at umalis. Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase namin sa aming huling asignatura ngayong hapon. Alam kong susunod si Arya magkatabi lang ang building namin. Ilang buwan pa ang bubunuin ko para makatapos ng pag aaral. Hindi ko na naintindihan ang subject ko, cognitive psychology. Agad ko ng inayos ang mga gamit ko. Bitbit ko ang aking lumang backpack at tatlong libro sa kanang kamay ko. Dali-dali akong lumabas ng silid aralan namin. Gusto kong mauna kay Arya at Rommel. Magkakaibigan kaming tatlo kasi isang barangay lang naman kami umuuwi. Mula elementary kami hanggang high school. Ngayon kolehiyo na kami iisang Universidad parin kami pumasok mag kaiba lang ang mga kurso namin. Pasakay na ako ng tricycle ng may multicab ng may humila sa siko. Nang lingunin ko yun. Si Rommel kababata ko at kapitbahay namin. Nakangiti ito sa akin. Nababakas sa mga mata niya na masaya siya pero ako parang pinagsakluban ng langit at lupa sa dami ng problema ko ngayon. Napakunot ang noo ko sa kanya. “Ano!” puno ng iritasyon ang boses ko. Kailangan ko nang umuwi kasi may trabaho pa ako mamaya. Kailangan ko pang asikasuhin si Rowan. Wala naman pakialam ang mga magulang namin sa amin. “Whoa! Xenia bakit ka mukhang galit?” kuryusong tanong niya sa akin pero naka ngiti parin hindi niya pinansin ang pag susungit ko sa kanya. “Nagmamadali ako Rommel, kailangan ko ng umuwi!” padaskol kong sagot sa kanya. Alam naman niya ang istorya ng buhay ko wala ng bago pa doon. Binitawan niya ako ay iginiya sa susunod na multicab kasi puno na yung sasakyan ko dapat. Tahimik akong sumunod sa kanya. Nang makasakay kami agad siyang nag abot ng bayad. “Ma, bayad po dalawa diyan sa bente, sa Paseo lang po.” Magalang na sabi ni Rommel at ngumiti ulit sa akin na lalo kong pinagtataka. Rommel is a good-looking guy, hindi ito mahirap na gaya ko pero hindi rin mayaman. Ngunit nakakaangat sa buhay. Matanda siya sa akin ng ilang buwan kaya bente uno na ito ako eh bente pala lamang. Teacher ang Mama niya at nag tatrabaho ang Papa niya sa bangko bilang teller. Dalawa lang din silang magkapatid bunso si Rommel. Ang ate nito ay sa Canada na naninirahan bilang Pharmacist. “Teka nga Rommel kanina kapa nakangiti diyan bakit ba!” may diin sa boses ko pero sapat lang para marinig niya. “Kasi—uhm, ano kasi!” nauutal niyang sabi na hindi ko maintindihan. “Ano nga! Pasaway ito ayaw pa sabihin eh!” naiinis na ako sa kanya pero mabait naman si Rommel, isa rin siya sa nagbibigay ng tulong sa akin. Sa inis ko tinapakan ko ang sapatos niya! “Aray naman Xenia!” angal niya, at napatingin ako sa kanyang mga mata Mukha nga itong nasaktan. Pero hindi ko yun pinansin. “Kasi ang engot mo! H’wag mo na nga lang sabihin! Bahala ka sa buhay mo!” inismiran ko siya at pumikit ako at hinilot ang akin sentido bigla itong sumakit. Ilang sandali pa bumaba na kami sa paradahan ng tricycle. Sumakay doon si Rommel pero hindi ako sumunod sa kanya. Maglalakad lang ako tutal malapit lang naman, limang kilometro ang layo ng bahay namin. Sayang ang dose pesos na pamasahe. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Rommel pero hindi ito kumibo. Tahimik lang din ako sa paglalakad. Lumilipad kasi ang utak ko. Kung ano ang kakainin namin ngayon hapunan. Ayaw ko sanang bawasan ang ipon ko para sa gamot ni Rowan at pambayad sa tuition fee ko. Kaso wala akong magagawa. Isang linggo pa bago ang kinsenas na sahuran namin. Nang malapit na kami sa amin. Nauna na si Rommel tatlong bahay pa kasi ang bahay namin mula sa kanila. Bumili muna ako ng sardinas sa tindahan at canton. Ito lang ang kaya ng pera ko singkwenta pesos. Dadamihan ko nalang ang sabaw. Ang mahalaga lang naman may pang laman kami ng tiyan. Pagdating ko sa bahay, tanaw ko agad si Rowan naka upo sa puno ng santol na may upuan. Wala itong kasama, ito lagi ang naaabutan ko sa hapon pag-uwi ko galing eskwelahan. Hinihintay niya ako. “Rowan!” pinasigla ko ang boses ko. Ayaw kong mahalata niya ang bigat na dinadala ko. “­A-te nia!” patakbo niya akong sinalubong. Hindi man niya mabaggit ng buo ang pangalan masaya na ako. Mahal na mahal ko ang kapatid ko. “Kumusta na ang pogi kong Rowan!” hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan. Para itong nakikiliti. Labing tatlong gulang na si Rowan pero pero ang isip nito ay four years old pa lamang. Isang beses lang siyang napatingnan noon araw na umuwi ako galing DSWD, nakaipon ako ng pera habang nasa center ako. H’wag mo ng balikan Xenia ang nakaraan mo! Sigaw ng bahagi ng utak ko. Pinilig ko ang ulo ko. “O-kay Ro-wan A-te!” putol putol itong magsalita at tumatabingi ang bibig niya na tila hirap na hirap. Inakay ko na siya sa loob ng bahay. May dalawang oras pa ako bago ako papasok sa trabaho bilang waitress ng apat na oras sa isang café. Bandang alas dose lilipat ako sa katabing videoKE bar, dishwasher ang trabaho ko doon. Tatlong oras din akong nag pa part-time sa bar at apat na oras sa café. Inilapag ko ang pinamili ko sa mesa at dumeritso sa kwarto namin ni Rowan nag bihis ako ng pambahay. Dali-dali ang kilos ko, gusto ko matapos lang ng isang oras lahat ng gagawin ko para alasais ng gabi nasa trabaho na ako sayang ang isang oras. Sa sobrang bilis ng kilos ko, nagawa ko lahat sa loob ng trenta minutos. Mula sa pagsasaing, pag gisa ng sardinas na may canton. At pinaliguan ko na rin si Rowan. Nang makaluto na ako at nabihisan ko na rin si Rowan hinainan ko na siya ng kanin, at ulam. Kumakain na rin siya ng kanya. Hindi na siya nag pa subo sa akin. Agad akong naligo. Pagkatapos kong naligo hindi parin tapos kumain si Rowan. Kaya sinabayan ko na siya. Magana itong kumain, kahit anong ulam basta luto ko hindi siya namimili. Hindi siya nag liligalig kapag nasa tabi niya lang ako. Alam ko rin paano siya pakalmahin kapag nagta-tantrums siya. Pagkatapos naming kumain ni Rowan, mag alasais na, wala pa mga magulang namin. Dinala ko si Rowan sa maliit naming sala. Pinalaro ko sa kanya ang paborito niyang puzzle cubes. Nasa tabi rin niya ang rubik’s cubes Nagbihis na ako, habang naglalaro si Rowan. Isang black denim at white polo shirt lang ang suot ko. Ito ang uniform namin na mga part timer sa cafe ni Madam Criselda. Mabait naman ito medyo mahigpit lang sa trabaho. Pero may puso sa mga empleyado. Nang matapos na akong mag ayos, bitbit ko na ang lumang backpack ko. Nilapitan ko si Rowan para magpaalam sa kanya. This is our routine everyday bago ako papasok sa trabaho. “Rowan?” pagtawag ko sa pangalan ng kapatid ko. Hindi ito tumingin sa akin, abala siya sa paglalaro ng kanyang rubik’s cube. Kani-kanilang puzzle ang hawak niya. “Rowan aalis na si Ate Xenia.” Malambing kong paalam sa kapatid ko. Alam ko kahit ito ito tumingin, naririnig naman ang mga sinasabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. Iniwas niya yun. Nagtaka ako dahil ito ang uang pagkakataon na umiwas siya sa paghalik ko sa kanya. Itinaas ko ang baba niya at tiningan ko siya sa mga mata niya. Namumula na iyon. “Rowan bakit ka umiiyak? Aalis lang si Ate Xenia mag tatrabaho.” Iling ito ng iling na tila ayaw pumayag. Parang kinukurot ang puso ko. Ayaw ko man siyang iwan kailangan kong pumasok. “Di—to A—te nia ba—hay.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Nanginginig ang katawan ni Rowan sa hindi ko malamang dahilan. Parang takot na takot siya sa pag alis ko. “Rowan babalik agad Ate ha?” Tumakbo ito sa aming silid na dalawa at malakas na binalibag ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako. Pero palaisipan parin sa akin kung bakit ganun ang inasal in Rowan. Akma akong tatayo at aalis ng bahay ng bumukas ang pintuan. Napangat ako ng tingin at ang nanlilisik na mga mata ni nanay ang sumalubong sa akin. Dumeretso agad ito sa kusina. “Putang inang buhay ito! Xenia!” sigaw ng inay sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at sumalubong sa akin ang malakas niyang sampal. Halos tumabingi ang mukha ko at napakapit ako sa kanto mesa. “Nay!” hilam ang luha ko, madalas itong nangyayari pero hindi ko parin sila kayang ito. “Bakit ito lang ang ulam? Yan ang ipapakain mo sa akin tang ina ka!” galaiting tanong ng inay sa akin. “Yan lang po ang kaya nay sa pera ko.” Garalgal ang boses ko. Hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil hilam ng luha ang mga mata ko. “Sumasagot kana ngayon? Kung nag tatrabaho ka ng full-time ‘di sana malaking ang sinasahod mo! Inuuna mo pa yang aral aral na yan!” halos lumuwa na ang mata niya sa galit. Hindi na ako umimik. Tumalikod na ako para umalis. “Tatalikuran mo na akong hayong kang babae ka!” sabay hila sa buhok ko. “Inay tama na po! Papasok pa po ako sa trabaho!” Buong lakas kong tinanggal ang kamay niya na nakapulupot sa buhok. Nang makawala ako, agad kong kinuha ang backpack ko at lumabas ng bahay. Ramdam ko pa ang sakit ng anit ko at ang pananampal ng Inay sa akin. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinusan ang mga luha ko. “Aja self no retreat!” *** Pagdating ko sa café ni Madam Criselda, sa likod ang entrance ng mga empleyado. Pumunta ako sa banyo para mag suklay at suriin ang mukha ko. Namumula parin yun. Naglalagay lang ako ng polbo at liptint na tag bente pesos sa palengke. Nag blush on din gamit ang kaparehong liptint. Agad akong dumiretso sa locker at iniwan ko ang bag ko doon at nag time in. Saktong ang oras ko may extra one-hour ako sa trabaho. Lumapit sa akin si Madam Criselda, trenta anyos palang siya pero naka ilang branch na siya ng Criselda Café. “Xenia, my office!” tumango ako, at tinapos ang pag lilipit ng mesang naka assign sa akin. Kumatok ako, at pinihit ko ang seradura. “Good evening madam!” Magalang kong bati sa kanya, at dinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Hindi maitatago ng liptint mo ang pamumula ng pisngi mo Xenia!” deretsahang sabi nito sa akin. Napayuko nalang ako. “Ok—okay lang po ako madam. Wala lang po ito.” Malumanay kong paninigurado sa kanya. Ilang beses na siyang nag buntong hininga. “Xenia you've been abused physically and verbally by your parents. Dapat sila ang mag poprotekta sayo!”. Ramdam ko ang awa sa mga boses ni Madam pero hindi ko na lang iyon. Pinansin. “Bakit niyo po ako pinatawag madam? May nagawa po ba akong mali?” kabadong tanong ko sa kanya. “No, nothing Xenia, but I want to tell you that I will increase your salary even though you will work for four to five hours.” Pagbabalita niya sa akin, na siya namang iginagalak ko. “Talaga po Madam?” Paninigurado kong tanong sa kanya, baka nabingi lang ako dahil sa lakas ng sampal ni Inay kanina. “Yes, but in one condition?” laglag agad ang balikat ko. “Every night, you will be my purchasing officer. You will coordinate with the chef and other staffs what items we need to replenish.” Nakangiti nitong sabi sa akin. Tuwang tuwa ako sa ibinalita niya sa akin. “Naku salamat po madam criselda. Makakaasa po kayong pag bubutihan ko po ang trabaho.” Puno ng katiyakan kong saad sa kanya. Tumango ito at tumingin sa pintuan. Hudyat na tapos na ang usapan namin. Lumabas ako sa opisina ni Madam. Kinuha ko ang iserve dapat ni KC sa customer pero nag volunteer na ako ang magdadala. Dinala ko sa table five. May isang lalaking customer na busing- busy sa kakalikot ng laptop niya. “Hello sir, here’s your order!” nakaplaster ang mga ngiti ko sa kanya. Nag-angat ito ng tingin. Shams! Ang gwapo! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. His hazelnut eyes were cold and emotionless. But the fact remains that this guy in front of me is screaming with s*x appeal. “Laglag panga Xenia?” a small voice pops up in my head. He is wearing a three-piece gray suit. He was serious and the way he looks at me was deadly. Yung kabog ng dibdib ko napalitan ng takot. There is something about him that I can’t name. Mysteriously dangerous man. “What’s with the smile?” masungit niyang tanong sa akin. Umirap ako sa kanya. Alangan naman umiiyak ako ulit kakatapos ko lang. “Dapat po ba umiiyak ako habang inaabot ko ang order nyo sir?” pabalang akong sumagot sa kanya. “What!?” lalo itong sumeryoso at salubong na ang makakapal niyang kilay! “Nothing sir, do you need any else sir?” naka ngiti parin ako kahit sobrang naaantipatikuhan ako sa kanya. Kung pwede ko lang sana ibuhos ang order niya, ginawa ko na dahil sa sobra kong inis! Pero hindi ko makakailang sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. He has dark, well-groomed hair. He used gel on it. His eyebrows are thick but well defined. He has pinkish lips. Parang ang sarap halikan. “Xenia! The voice on my head gave me a warning signal!” Pinilig ko ang ulo ko. Napalingon ako sa mesa ng lalaking iyon. Amoy palang niya nakaka himatay na. Kaya pala kanina pa ngiting ngiting ang nasa counter namin. Para itong uod na binudburan ng asin. Kaya naman pala abot hanggang tenga niya kung ngumiti dahil sa masungit naming customer. “Gwapo sana. Don't go there self.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD