XENIA POV Hindi ko mapigil ang inis ko habang nagmamaneho si sir Adam pauwi. Kung galit ako mas galit ang hinayupak nato. Madiin ang pagkakahawak niya sa manibela at nagtagis ang bagang nito. Halos paliparin pa niya ang sasakyan kung pwede lang. “Pwede ba dahan-dahan kung gusto mong magpakamatay, mauna ka!” galit kong singhal sa kanya. Ngunit ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Pero unti-unting naging bumagal ang takbo namin. Hanggang sa itabi niya ang sasakyan. Ilang minuto pang hindi ito nag salita. Pero dinig ko ang malalim niyang buntong hininga. “Why are you doing this?” sikmat nito sa akin. Alin ang ginawa ko? Bakit parang may kasalanan ako. Malay ko bang susunduin ako ni Rommel. “Teka nga sandali, magkalinawan nga tayo, anong ikinagagalit mo basta ka na lang maninira

