XENIA POV: Ilang araw matapos ang party at pagkapahiya ko, todo iwas ako kay sir Adam. Naglilinis ako ng office at kwarto niya pagdating ko sa hapon kapag nasa opisina pa siya. Nagpapasalamat naman ako kasi lagi siyang wala. Hindi rin siya nagtetext. Wala rin Ma’am Stella balita ko meron siyang fashion show abroad. Paulit-ulit naglalaro sa isip ko ang nangyari sa party, ang panlalait at pangliliit sa akin ni Maam Stella. Hindi ko naman inaasahan na ipagtanggol ako ng sino man lalo na si Sir Adam kasi sigurado ako papanigan niya ang kasintahan niya. Masuwerte na lang ako dahil nandyan si Nay Rosa na palaging nagpapalakas ng loob. Nagpasalamat din ako sa text kay Maam Criselda at kay Sir James. Sanay naman na ako pero hindi parin maiiwasan na hindi ako masaktan. Tao lang naman ako may p

