XENIA POV: Dalawang linggo na ang nakakaraan ng hindi umuwi si Sir Adam sa mansion. Na siyang ipinagpapasalamat ko. Hindi ko kasi alam paano siya pakikiharapan. Hindi ko rin namamalayan mag isang buwan na ako sa bahay ito. At masasabi kong sa kabila ng hirap na pinagdaanan ko, palagi kong iniisip ang magandang bukas kasama ng kapatid ko. Sa dalawang linggong iyon hindi ko rin nakikita si Tita Martina. Bigla lang itong naglaho na parang bula. At palaisipan sa akin iyon. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya matapos ang huling pagkikita namin. Nakaupo ako sa bench sa tapat ng room ko, hinihintay ang aking mga kaibigan. Kapag kasama ko sila parang ang saya ng buhay ko. Walang gulo. Maliban na lang kay Dhianna, na naghahanap ata ng away. Bilib na bilib ako sa angas at tapang niya. Wala sa ma

