XENIA POV “The queen is back!” dinig kong anunsyo ni Ma’am Stella pagpasok nito sa entrada ng bahay. Takot at sakit ang lumukob sa akin. “Yaya Rosa!? Dinig kong tawag ni Ma’am Stella, tunog ng takong niya papalapit sa kusina ang naririnig ko. Nagpunas ako ng kamay. “Welcome home Ma’am Stella,” bungad na bati ko sa kanya. Tinaasan niya agad ako ng kilay. “Am I really welcome Xenia, o panalangin mong hindi na ako bumalik?” Patuyang tanong nito sa akin. “Naku Ma'am hindi po,” sagot at sabay iling ko. “As if I didn't know Xenia, may mata at tenga ako rito! Ilusyonada!” dinuro pa niya ang taas ng noo ko. Napayuko ako dahil ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko. Hindi na ako sumagot. “Bring me juice and a clubhouse sandwich!” utos nito at tumalikod na. Makailang hakbang siya ng ti

