XENIA POV Nag-enjoy pa rin naman kami, kahit nag walk out si Sir Adam, sabi ni sir James nasa bar daw ito kasama si Stella at nagpapakalasing. Hindi ko naman pwedeng panghimasukan ang buhay nila kasi engaged na ang mga yun. Wala kaming ginawa kundi magtawanan at magtuksan hanggang sa lumalim na ang gabi. Bago sumapit ang hating gabi bumalik na ang mga kaibigan ko sa aming villa. Sabi ko mauuna na sila at nag paiwan ako. Lasing na lasing na rin si Rommel at nag sisigaw na ng sama ng loob sa akin, na kesyo ang manhid ko at binasted ko daw siya agad. Inalalayan na siya ni Sir James. Si sir Benedict naman ang naiwan kasama ko. Nakatitig ako sa madilim na karagatan. “What’s special with you?” makalipas ang mahabang sandali. Nagsalita si sir Benedict. “Huh!?” wala sa loob kong sagot, kita

