XENIA POV: Isang mainit na kamay ang yumayakap sa kamay ko. Iyon ang una kong naramdaman ng dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Parang ang tagal kong naka tulog. Pamilyar na bango ang nanunuot sa ilong ko. Nang igalaw ko ang aking kamay nagpupungas-pungas pa si Adam, na nakatunghay sa akin. “Na—nauuhaaw ako,” malat kong wika sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at natarantang lumapit sa bed side table para ipagsalin ako ng tubig. “Oh, God you’re awake Xen,” hindi makapaniwalang bulalas niya. Umiwas ako ng tingin. “Wait, stay here I'll call the Doctor,” hindi na ako hinintay sumagot at lumabas ito ng silid, gusto ko sanang pilosopohin. “Saan ako pupunta aber?” Ilang minuto ang nakalipas dumating ang Doktor, sinuri ako at tinanong ng

