Chapter 1 The Other Worlder
W....wha.......wha............what!!!? Ano to?
Gulat na gulat kong pagkasabi sa aking mga nakikita kabilang na ang aking kamay na parang paa ng palaka. Sa kalagitnaan ng aking pagtataka at pagkataranta, may biglang nagsalita sa loob ng aking utak.
.
『 System successfully instaled 』
.
『 Consciousness aquired 』
.
『 Gain stats aquired 』
.
『 Bonus free skill points aquired 』
.
4 HOURS AGO
.
"Anak gising na papasok ka pa," sigaw ng aking ina, na para bang nagmamadali, bumaba ako sa aking kama upang maghanda sa pagpasok sa paaralan, lumabas ako sa kwarto at bumaba sa unang palapag ng aming bahay. Pumunta ako sa aming kusina upang kumain ng agahan, pagpasok ko sa kusina wala na si ina, mukang pumunta na si ina sa kanyang trabaho, kaya pala parang nagmamadali si ina sa paggising sa akin, napagtanto kong lunes pala ngayon at pang umaga pala si ina, sa kanyang trabaho ngayong araw.
Napalalingon ako sa lamesa ng kusina, mukang ipinaghanda na ako ni ina ng agahan bago pa sya umalis.
Habang mainitinit pa ang kanin at ulam kinain ko ito kaagad, sa pagkatapos kong kumain at iligpit ang aking mga pinagkainan, umakyat ako sa itaas ng aking kwarto para kunin ang mga aking isusuot sa pagpasok sa paaralan, bumaba ako sa kwarto at pumunta sa banyo, inilagay ko sa isang malinis na lalagyanan ang aking mga isusuot.
Binuksan ko ang heater ng aming shower at nag-umpisa na akong maligo, habang naliligo iniisip ko ang mga laro ko kagabi, na kung saan ako napuyat.
"Bwiset losestreak"
Pabulong kong sabi, ako ay tapos ng maligo at magbihis, pumunta ako sa itaas para mag-ayos ng mga kagamitan.
Habang nag-aayos may inaantay na lang akong hindi na bago sa akin, biglang may sumigaw sa tapat ng gate.
"hoyyyy Kyouya bilisan mo mahuhuli na tayo sa flag ceremony"
Nandyan na sya, ang aking nag-iisang kaybigan na si Yuuna Takeshi. Yuuna Takeshi sya ay nasa 3rd year high school, edad labing limang taong gulang, hobbies nya ay mangkulit lagi sa akin, Sya ang nag-iisa kong kaybigan magmula ng kami ay nasa kindergarten pa lamang.
Ako nga pala si Kyouya Tanaka, 3rd year high school student, labing limang taong gulang, hobby ko lang naman manood anime, maglaro ng online games at magbasa ng mga comics.
Pagkatapos kong mag-ayos at maihanda ang aking bag, bumaba agad ako sa aking kwarto. Habang bumababa sa hagdanan, napatigil ako at napatingin sa aking phone, dahil sa sabi ni Yuuna na mahuhuli na kami, mukang nagbibiro lamang si Yuuna sa pagsabi na mahuhuli na kami, sapagkat matagal pa bago mag flag ceremony at makakabili pa ako sa convenience store nang kakainin ko mamayang recess.
Pagkababa ko, binuksan ko agad ang pinto palabas ng aming bahay, ikinandado ko ito at itinago ang susi sa ilalim ng isang paso sa labas, habang ako'y naglalakad papunta sa gate natanaw ko ang kaybigan kong si Yuuna na tumatalon sa harapang pader ng aming gate.
" Kyouya Bilis bilis, dali dali, bilis bilis, dali dali, bilis bilis,"
tumatalon habang masayang sinasabi ang mga kataga na iyon, pagkalabas ko ng gate biglang may sumunggab na yakap sakin.
"Tumigil ka Yuuna, hindi ko maisara ang gate"
"Heheheheheheh Kyouya kamusta ka ngayon?"
Tanong niyang may tuwa at paawa sa mukha, habang ako ay mahigpit na yakap-yakap.
Hindi ko maisara ang gate, dahil sa kadahilanang yakap niyang sobrang higpit, at may dalawang mundong dumidikit sa aking katawan.
"Ehhh? Kyouya bat ka namumula?"
Tanong niyang may taka sa mukha, tinatanong pa ba yan, eh nagkakaroon ng banggaan ng dalawang mundo na nag-iinteract ng gravity na dumidikit sa aking katawan, agad ko siyang pinahinto sa kanyang ginagawang pagyakap sa akin.
"Yuuna bitawan mo muna ako"
kalma kong sabi kay Yuuna, na namumula ang mukha.
.
POV : Yuuna's Mind
.
Hehehehe sige mamula ka, My Kyouya, hindi ako titigil sa pag-seduce sayo hanggang sa umamin ka na sa akin na mahal mo ko, my Kyouya.
.
POV : KYOUYA's Mind
.
Nang naisara ko na ang gate kami ay humayo na paalis papunta sa paaralan, sa aming paglalakad nawala na din ang aking pamumula.
"Kyouya anong ginawa mo nitong nakaraang weekend?"
"Matulog, kumain, manood at malosestreak"
kalma kong sagot sa tanong ni Yuuna.
"Ehhhhhhhh, hindi ka manlang lumalabas sa inyong bahay, Kyouya? Bat di ka kaya minsan lumabas at mamasyal, tapos pumunta sa mga masasayang lugar, katulad ng sinehan, arcade games at mga kainan, siyempre masmasaya pag may kasama kang magsasaya katulad ng mga kaybigan mo o kaya iyong mga pamilya........Wait hmmmm, oo nga noh wala naman akong gagawin sa weekend so pwede mo akong isama, kung may pupuntahan ka?" ( Want to go to a date with him )
.
Pov : Yuuna's Mind
.
Nabanggit sa akin kahapon ng aking magiging ina in the future, na nagpaalam daw sa kanya si Kyouya, upang bumuli ng mga bagong kagamitan sa weekend. Thank you my going to be my mother in the future. Sinabi din ng ina ni Kyouya na na-iinis ito kahapon sa kadahilanang, tuloy-tuloy ang kanyang pagkatalo sa online games, kaya hehe it's comfort time.
.
Pov : Kyouya's Mind
.
Napagtanto kong may gusto pala akong mga bibilhin sa weekend katulad ng bagong Ps6 at mga Comics na aking babasahin sa bahay, isasama ko si Yuuna para makapunta na din sa mga sinasabi niyang masasayang lugar.
Sa tingin ko maganda nga ang sinasabi ni Yuuna na mamasyal at magsaya para mabawasan na din kahit papaano ang aking stress, dala ng aking sunod-sunod na talo ko kahapon, Inaya ko pumunta si Yuuna sa weekend .
"Yuuna, kung wala ka din lang gagawin sa weekend, katulad ng sabi mo, pwede mo ba akong samahan sa pamimili?"
.
Pov : Yuuna's Mind
.
Yes bingo sa wakas my Kyouya, ninaya mo na din ako sa isang date, yes. (She's the only one who thought that it is a date )
"Hehehehehe wagkang mag-alala Kyouya, kung may gusto ka na lugar puntahan, just leave it to me."
.
Pov : Kyouya' Mind
.
Malaking kompyansang sabi ni Yuuna, habang naglalakad malapit na din kami sa convenience store na kung saan ako bibili ng mga pagkain, pumasok kami sa convenience store at bumili ng mga pagkain.
"Kyouya may canteen naman tayo bat hindi ka dun bumili, ayaw mo ba Kyouya ang mga tinda dun?"
"Ayaw ko lang talaga sa mga siksikang mga lugar."
Iyon ang tugon ko sa tanong ni Yuuna, dahil isa akong lame person na gusto lang ay isang tahimik na lugar.
Sa paglabas namin sa convenience store, dala-dala ko ang isang malaking plastic bag na aming mga pinamili, yup aming mga pinamili, bumili rin si Yuuna ng kanyang kakainin sa paaralan, upang sabay na din daw kaming kumain sa break time, 10% sa aming mga pinamili ay akin at ang natitirang 90% ay kay Yuuna, ewan ko nga ba kung bakit hindi siya tumataba, dahil sa dami ng lagi niyang kinakain. Baka napupunta lamang sa dalawa niyang mundo, kaya iyon ang lumalaki at hindi ang kanyang katawan, aking biro sa aking isipan.
Naglalakad na kami papunta sa paaralan at napahinto, sa isang street light, inaantay namin ang green sign na pwede na kaming tumawid.
Habang kami ay nag-aantay, si Yuuna ay tumatalon-talon na parang sobrang saya niya ngayong araw, sinabihan ko sya na tumigil sya sa pagtalon dahil sya'y pinagtitinginan na ng mga tao sa paligid, dahil sa dalawang niyang mundong sumasabay sa kanyang pagtalon, huminto si Yuuna sa pagtalon.
Naging berde na ang ilaw, hudyat ng aming pagdaan sa pedestrian lane, dali-daling tumawid si Yuuna habang tumatalon na sobrang saya, biglang may sumulpot na sasakyang truck, ito ay pabilis ng pabilis na parang wala ng balak huminto, ngunit si Yuuna ay tuloy pa rin sa pagtawid at hindi namamalayan ang parating na rumaragasang truck.
Dali-dali akong tumakbo patungo kay Yuuna. Napalingon sa akin si Yuuna na nagtataka kung bakit ako tumatakbo palapit sa kanya na may despiradong mukha, nahawakan ko ang kamay ni Yuuna sabay hinila ko siya at hinagis malapit sa street light, nahila ko sya papalayo ngunit habang hinahagis ko si Yuuna, huli na para sa akin umiwas sa rumaragasang truck.
Nabundol ako ng napakabilis na truck at ako'y tumilapon ng sobrang layo, sa pagbangga sa akin ng truck. Na bali lahat ng aking buto sa kamay at paa, sa aking dibdib naman ay durog ang mga buto at labas ang ibang internal organs, tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking dugo sa kalsada, agaw buhay akong humihinga, si Yuuna dali-daling akong pinuntahan sa aking dugoang katawan.
"Kyouya!!!!!!!! Kyouya, Kyouya, Kyouya, Kyouya"
Sabi niya, habang desperadong umiiyak.
"Tulong!!!! Tulong tulungan nyo kami...... Pakiusap tulungan nyo kami"
Sigaw ni Yuuna.
Unti-unti akong nawalan ng pandama at pandinig hanggang sa hindi ko na marinig ang pagsigaw ni Yuuna.
Habang ako'y nawawalan ng hininga at pilit pumipikit ang aking mga mata,
napatingin ako sa kapaligiran, nagulat ako na nag-iba ang kulay ng kapaligiran at na wala rin ang mga taong kaninang sobrang napakarami. Nawala din ang mga sasakyan sa daanan at sa mga paradahan, napaisip ako kung bakit hindi ako napailalim sa truck pagkatapos kong mabundol, nawala din ba ito? Tanong ko sa sarili.
Bago pa tuluyang pumikit ang aking mga mata, biglang may umilaw sa aming paligid ni Yuuna na para bang hugis bilog, unti-unting pumikit ang aking mga mata kasabay ng paghinto ng pagtibok nang aking puso.
.
FEW SENCOND'S LATER..
.
Dahan-dahan kong Minumulat ang aking mga mata. Ano??...... aking taka sa aking isipan. Di...... ba diba patay na ako, tanong ko sa aking sarili habang nahihilo.
Sa pagbukas ng aking mga mata ako'y nahihilo at nanlalabo ang aking paningin,
hindi ko mawari kung ano ang aking mga nakikita, parang.....parang ako ay nasa itaas, unti-unting nawala ang panlalabo ng aking mga mata at pagkahilo ng aking ulo.
Laking gulat ko sa aking nakita na nasa itaas ako ng isang punong sobrang napakalaki at tila ba ako ay nakakapit dito ng pahalang, nalula ako sa taas, napatingin ako sa aking kapaligiran at gulat-gulat ako na nasa isa akong mahamog at masulasok na kagubatan.
Eh.....ehhhhhhhhh?!, Ano?!!!! napatingin ako sa aking kamay na tila ba ay nakadikit ito, sa aking pagtingin nagulat ako dahil isa itong parang paa ng mga palaka.
W....wha.......wha............what!!!? Ano to?
Gulat na gulat kong pagkasabi sa aking mga nakikita kabilang na ang aking kamay na parang paa ng palaka. Sa kalagitnaan ng aking pagtataka at pagkataranta, may biglang nagsalita sa loob ng aking utak.
.
『 System successfully instaled 』
.
『 Consciousness aquired 』
.
『 Gain stats aquired 』
.
『 Bonus free skill points aquired 』
.
Ha.....? Si....si.........sino ka? tanong kong kinakabahan at naguguluhan, sumagot agad ang boses ng babaeng robot sa loob ng aking utak.
.
『 Answer 』
.
『 System, is a guide for the reincarnator to this world 』
.
Reincarnator......
Hindi na ako nabigla sa sinabi ng robot na babae na ako ay reincarnator, dahil madalas ko nang makita ang salitang reincarnation sa mga palabas,mga laro at maging sa mga libro. Reicarnator? Sa madaling salita, The Other Worlder.