Malaki ata ang problema ko sa pakikipaglaban upang mabubay dito, pero pwede ko naman daanin sa bilis ang isang laban. Base sa aking status ang bilis ang aking pinakamalakas na katangian, dahil sa aking mataas na SP o ang stamina points, para naman sa skill ko, may isa akong skill na masasabi mong nakabase sa bilis, ang swift skill.
Ngayon ang ating unang palalakasin ang ating offensive skill na kung saan iisa lang muna ito at ito ay ang sharp claw.
Paano ko ito palalakasin? Sa tingin ko kaylangan ko itong gamitin ng paulit-ulit o ang sinabi nilang Over Use, ang over use isa sa sistemang ginagamit sa game upang gamitin ito ng gamitn hanggang sa makamit ang nais na lakas nito.
Hmmmmm, bago ko problemahin yan, kaylagan ko munang bumaba dito sa napakalaking punong ito.......Wait ano nga ba itong punong ito?
Napatanong ako sa sarili, dahil sa punong aking kinakapitan ay isang malaki at kulay itim kabilang na ang mga parte nito, ang mga sanga at dahon.
Base din sa mga aking nakikita sa kapaligiran lahat ay kulay itim. Ang mga hamog namang maitim ay tila ba ito ay singkapal na ng ulap na nakikita sa kalangitan, kaya wala akong matanaw sa malayo dahil sa hamog na ito.
Ngayon oras na para kumuha ng mga kaalaman upang makapaghanda ako sa mga kung ano mang mga mapanganib na nilalang sa lugar na ito.
Ok robot san, ano ba ang punong aking kinakapitan?
Answer
Dark Narra Tree, is the most biggest species of trees in the world and it's height are aproximately 100 meters tall.
Kaya pala sobrang taas nito. So marami pang mga ganito sa kagubatang ito? Hmmmm.... Ok oras na para bumaba tayo para makalapag ako sa lupa at makapagtanong pa kay robot san ng mga kaalaman dito sa lugar ng kadiliman.Ako ay naglakad na pababa sa punong aking kinakapitan.
Inihakbang ko ang aking kaliwang paa. E..Eh.....Ehhhh, pa..pa...paano ba to? Sabi ko sa aking sarili, dahil sa panibagong katawan na aking gamit na king saan nahihirapan ako sa paglalakad.
Hi...hi.......Hindi ba ako mahuhulog nito? Paano paghindi dumikit ang aking mga paa sa puno? Mahuhulog ako ng isangdaang metro? No..No.......No way.
Dahan dahan kong kinikilos ang aking mga paa pababa, habang pababa ng mabagal, unti-unting nasanay ang aking sarili sa aking bagong katawan.
Ngayon kompyansa na ako, na ako ay hindi mahuhulog. Naglakas loob akong bilisan ang pagbaba sa isang daang metrong puno.
Kaya upang mapabilis ang aking pagbaba, gumapang ako ng napakabilis.
Sa aking pagtakbo ako ay tumatakbo ng tatlong beses na masmabilis pa sa isang indibidwal na tao. Sa aking pagtakbo ng napakabilis sa wakas nakarating na din ako sa ibaba ng punong napakalaki.
Sa aking pagdating sa lupa, napansin kong nabawasan ang ang aking SP bar sa itaas ng aking ulo. ( note : SP is the Stamina Points )
『 Dark Alf Gecko LV 1 』 [ no name ]
『 HP 』 : 101/101 ( green )
『 MP 』 : 221/221 ( bule )
『 SP 』 : 250/256 ( yellow )
Ang stamina bar ay normal sa mga game na kung saan nababawasan ito sa pamamagitan ng paggamit mo ng inerhiya sa iyong katawan katulad aking ng pagtakbo.
Nababalik ang mga stamina sa pamamagitan ng hindi paggamit nito o pagpapahinga.
Ang bilis ang isa sa mga aking sandata upang mabuhay sa mapanganib na lugar na ito, kaya't kahit kaunti lamang ang nabawas sa aking SP bar kaylangan ko pa rin
itong hindi aksayahin, dahil kung may masmalakas na predator at ako ang kanyang prey, dapat handa ako sa pagtakbo o pagtakas.
Ako ay maayos na nakarating sa lupa, Sa pagtapak ko sa lupa napatanong ako sa sarili, ngayon ano nga ba ang lugar na ito? Aking tinanong si Robot san kung ano nga ba ang lugar na ito.
Robot san ano ang lugar na ito?
Answer
The Forest of Anaba the most dangerous place in the world and this forest is a whole country called Anaba, this country also known as the Doom.
So ngayon I'm f****d up.......... Ano ba to pinagloloko mo ba ako? Habang patagal na patagal akong nagkakaroon ng mga impormasyon dito sa lugar na ito, masnagiging delekado para sa akin mamuhay dito? ganun ba yun robot san!!!!
Answer
Yes
Seryoso robot san.
Sigh....... Pagkatapos kong magreklamo kay robot san, napagisip-isip kong isa nga pala siyang parang google lamang na pwedeng mapagtanongan.
Gur, gur, gur, gur, gur, gur. ( sound of a empty stomach )
Mukang gutom na ako ngayon kaylangan ko nang maghanap ng pagkain at isang matitirahan pansamantala.
Nag-umpisa na akong maglakad sa masukal na gubat upang maghanap ng tirahan at makakain.
Sa ngayon wala pa akong nakakasalubong na mga iba pang nilalang na nabubuhay sa gubat na ito. Sa aking paglalakad wala pa akong nahahanap sa mga aking nadadaanan, kahit ni isang maliit na prutas na makakain ay wala. Kaya napagtanto kong umakyat para tumingin ng makakain na mga prutas sa pinaka itaas ng Dark Narra tree.
Ako ay naghanap ng Dark Narra Tree at uoang mapabilis ito ako ay tumakbo ng napakabilis at ginamit ang swift skill na pinapabilis ang aking pagtakbo ng dalawang beses. Sa wakas nakahanap na din ako ng punong Dark Narra Tree.
Umakyat ako sa itaas ng napakalaking puno, agad akong tumakbo pataas patungo sa pinaka-ituktuk nito ngunit sa aking pagdating wala man lang akong mahagip ni isang prutas sa mga sanga at dahon nito. Dumungaw ako sa mga paligid habang ako ay nakakapit upang maghanap ng iba pang mga punong pwedeng puntahan para maghanap ng mga prutas.
Ha.... haaa? Sa sobrang kapal ng mga hamog na parang ulap ito ay nagdadahilan ng sanghi ng aking hindi pagkakita sa malayuan.
Wala kang makikita ni isang imahe at kahit apat na metro lamang hindi mo na alam ang iyong nakikitang bagay, kaya't kahit may night vision ako wala pa rin itong silbi sa mga sobrang kapal na hamog na nakaharang.
Gur, gur, gur, gur ( Sound of empty stomach )
Ahhhhh, sobra na ang aking pagkagutom at wala pa rin akong nahahanap na ni isang pagkain dito.
Napagpasyahang kong umalis sa punong aking inakyat, at pumunta sa mga iba pang mga puno.
Sa patuloy kong pagtakbo ng napakabilis at patuloy na paggamit ng swift skill, sa wakas natanaw ko na din ang susunod na punong aking aakyatin. Ang mga punong ito ay madaling mahagilap kahit malayo dahil sa kanilang tangkad at sa kapal nito. Nagsalita si robot san.
Swift has been level up
Swift skill from LV2 has become to LV3
Hindi ko na napapansin ang mga salita ni robot san at ang nasa isip ko na lamang ngayon ay ang makahanap ng pagkain.
Narating ko na din ang puno na aking natanaw. Ako ay dali-daling umakyat sa puno na walang pangamba sa panganib ng kapaligiran, dahil ito sa aking pagmamadaling makahanap na ng pagkain.
Patuloy ako sa pag-akyat sa puno habang ginagamit ang aking bilis kabilang na ang swift skill. Nagsalita si robot sa.
Swift has been level up
Swift skill from LV3 has become to LV4
Nakarating na din ako sa pinaka itaaas ng puno. Agad akong kumilos ng mabilis at punta sa bawat sulok ng mga sanga nito, upang tignan ang mga pwedeng lokasyon ng mga prutas.
Sa aking paghahanap sa mga sanga ng puno. Aksidenteng nabaling ang aking mga mata sa itaas ng aking ulo na kung nasaan makikita ang aking HP bar, MP bar at SP bar.
『 Dark Alf Gecko LV 1 』 [ no name ]
『 HP 』 : 101/101 ( green )
『 MP 』 : 221/221 ( bule )
『 SP 』 : 200/256 ( yellow )
Nabigla ako sa aking nakita. Kung saan ang aking stamina ay mukhang lubhang nabawasan, dahil sa aking pagtakbo at paggamit ng swift skill.
Napatigil ako sa aking pagtabo at naisip ko na masyadong bumaba ang aking depensa sa kapaligiran at hindi ko namalayan na ang pag-gamit ko ng stamina ay sobra-sobra na.
Dahil gaya nga ng sabi ko kanina ang stamina ang aking kaylangan para mabuhay sa lugar na ito kaya kaylangan ko dapat itong hindi aksayahin, papaano na lamang kapag nasabingit na ako ng kamatayan, isa lang ang aking magagawa ang tumakbo kaya na pagpasiyahan kong itigil ang pagtakbo at paggamit ng swift skill.
Dahil sa despiradong paghahanap ng pagkain, napapabayaan ko na ang aking depensa at ang sabi kong pagtitipid ng stamina.
Naglakad na lang ako at itinigil na ang pagtakbo at paggamit ng swift. Nagsalita si robrot san.
Swift has been level up
Swift skill from LV4 has become to LV5
Ha....Ha............Haaa!!! gulat kong pagkasabi.
Ano, bakit level 5 ka na? aking tanong na may halong pagtataka. Napagtanto kong dahil ito sa walang humpay kong paggamit ng swift skill, kaya di na ako nagtaka na tumaas ang level nito ng napakamablis.
Itinuloy ko ang paghahanap ng pagkain.
30 MINUTES LATER
Gur, gur, gur, gur. ( Sound of a empty stomach )
Nasaan.....Ang.........Pagkaiiiiiin!!! Sigaw kong nagugutom. Gaano ba kasi kalawak ang punong ito halos 35 minutes na akong pasikot-sikot na ngalalakad sa mga sanga nito pero wala pa akong nahahanap na ni isang pagkain.
Sa aking matagal na paglalakad na tapos na din mapuno ang aking SP bar.
『 Dark Alf Gecko LV 1 』 [ no name ]
『 HP 』 : 101/101 ( green )
『 MP 』 : 221/221 ( bule )
『 SP 』 : 256/256 ( yellow )
Patuloy akong naglakad hanggang sa natanaw ko ang kabilang sanga at ang isang maliit na butas nito. Dahil sa nakakapagtaka na may butas ito, agad akong pumunta sa kabilang sanga.
Ako ay tumalon ng napakalakas upang makapunta sa kabilang sanga.
Napuntahan ko na din sa wakas ang sanga na may maliit na butas. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa butas na maliit......
Hanggang may narinig akong kumakaluskus na tunog sa aking likoran. Napatingin ako sa likod at laking gulat ko na may dahan-dahang papalapit sa akin na isang halimaw at ito ay hawig sa hayop na Squirrel ngunit ito ay mukang demonyo dahil sa kanyang nanlilisik na pulang mata at itim na katawan. Nagsalita si robot san
New skill aquired
Enemy detection skill aquired
Ha? Bagong skill? Wait mamaya ka muna. Sabi ko sa aking sarili.
Nang nalaman ng Squirrel na nabisto ko na ang kanyang pagtatago, kumaripas ito ng napakabilis patungo sa akin at base sa kanyang mukha ito naglalaway na para bang gutom na gutom.
Bago pa ako humarap sa aking likuran, naramdaman kong siya ay nasa likuran ko na. Naramdaman ko siya dahil sa kanyang awra at ang awra na ito ay ang awra ng pagkitil o Blood lust.
Ako ay panandaliang natakot sa nang naramdaman ko ang kanyang presensiya sa aking likuran. Nagsalita si robot san.
New skill aquired
Fear Resistance aquired.
Nang ito ay nasa likuran ko na, inilabas niya ang kanyang mga ngipin na parang nakadesenyo ang mga ito upang kumitil, akma niya na akong kakagatin gamit ang kanyang sobrang tulis na ngipin. Agad akong napagamit ng Swift skill at kumaripas patakbo sa kanya, ako ay nakaiwas sa kanyang pagatake.
Sa kanyang pagkagat ako ang malinaw na kanyang puntirya o ang kanyang prey. Buti na lamang naka-iwas ako kaagad at ang puno ang kanyang nasunggaban ng kanyang kagat.
Nabaon ang kanyang ngipin sa puno dahil sa kanyang ginawang pag-atake at pilit itong inaalis sa pagkakabaon. Ginamit ko itong pagkakataon upang lumayo ng kaunti para maghanda sa susunod niyang pag-atake.
Makalipas ang tatlong sigundo naalis niya na din ito sa pagkakabaon. Humarap siya sa akin na parang bang gustong-gusto niya akong kainin.
Ha?! Ano gutom ka?! Parehas lang tayong gutom, tapos ako yung balak mong kainin!! Galit kong sabi.
Pwes, kung gusto mo akong kainin kaylangan mo muna akong patayin.
Hmmmm...... Sa bagay ngayon gutom din ako, bat di nalang kaya tayo magpatsyan at kainin ang isat-isa.
Sa wakas ngayon makakaranas na din ako ng isang pagsubok na para mabuhay dito.
Hehe. Ngayon demonyong hayop sogod. Ako ay nagkaroon ng determinasyong kitilin siya dahil sa aking gutom na sikmura.
Tignan natin kung sino ang masmalakas ang desire. Ang desire kong kainin ka o ang desire mong kainin ako.