Chapter 5

1156 Words
Ang kaninang nakataas na kilay ni Mardy ay unti-unting nagsalubong nang makita ang reaksyon ni Gunter ng sabihin niya ang kanyang pangalan. Teka, may mali ba sa sinabi niya? Ah, baka nagulat lang ito sa apelyedo niya. Hindi niya din kasi alam kung bakit sa dinami- dami ng apilido sa mundong ibabaw ay mabantot pa talaga ang napunta sa kanila o sa kanya. Pero dahil wala na siyang magagawa ay tinanggap nalang niya ng buong puso. "Alam kung mabaho ang pangalan ko kaya itigil mo na yan." naiiritang turan ni Mardy sa lalaki. "W-what's your name again?" wala sa sariling banggit nito. At ipapaulit pa talaga sa kanya ha. Gusto yata nitong naririnig ang Madyoga niyang apelyido. "Tawagin mo nalang akong Lianna, ayan mas sosyal." sa halip ay turan ni Mardy. Nakangisi at umakto pang nagmamaganda. Inipit niya pa ang buhok sa isang tenga at ngumiti ng matamis. "N-no, your first name. " Nagsalubong ang kanyang kilay bago sumagot. Mas lalo siyang nagtaka. " Mardy. Bakit?" Napalunok ang lalaking kaharap na parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Naghalo-halo din ang emosyon sa mga mata nito na tila may gustong sabihin pero pinipili nalang na manahimik. Pati tuloy si Mardy ay naguguluhan. "Bakit nga?" pag uulit niya. Ang kaninang sari-saring emosyon ay napalitan na ng kalamigan. Ayan na naman ang nakakatakot nitong tingin. Buti nalang talaga at pinanganak siyang walang hiya kundi kanina pa siya tumakbo palayo dahil sa klase ng tingin nito. Iyong tipong parang may kasalanan ka, ganon. "Nothing." maikli nitong sambit at walang at pasabi na tumalikod sa kanya. At dahil hindi suya nakuntento sa sagot nito ay sumunod siya sa lalaki at tinawag ang pangalan nito. "Teka, Mr. Santibañez!" malakas niyang tawag ngunit tila wala itong narinig. "Anak ng!" sa laki ng biyas nito ay mahihirapan talaga siyang maabutan ang lalaki. Isang hakbang palang nito ay lima na sa kanya. Hanggang sa lumiko ito sa pasilyo ay hindi na niya talaga nahabol. Mabigat din kasi ang dala niyang bag kaya nahihirapan siyang maglakad. Hinihingal na tumigil si Mardy ng tumapat siya sa elevator. Uuwi nalang siya at wala na siyang planong habulin ang lalaking iyon. Curious lang naman siya kung bakit parang may nag iba dito ng marinig ang kanyang pangalan. Pagkarating sa baba ay nandoon na ang sasakyang nagdala sa kanila dito sa resorts. Ito din ang dahilan kung bakit pumayag siya sa raket na ito. Bukod sa libre ang tutulugan ay libre din ang sasakyan. Medyo may kalayuan din kasi ang lugar na ito sa Pasig kung saan siya nakatira. Nasa apat silang sasaky ng van at nasa taas pa yata ang iba kaya maghihintay muna sila saglit. Apat na oras ang byahe kaya tiyak na gabi na sila makakarating. Nakaupo siya sa pang isahang lounger kipkip ang shoulder na bag na pinaglumaan sa aparador ng makarinig siya ng mahinang tili ng mga babae. Paglingon niya sa likuran ay may dalawang babar doon na nakatutok sa isang direksyon. Nang sundan niya ang direksyon na iyon ay nakita niya si Gunter na nakatayo malapit sa puno ng acasia. May kausap ito sa phone at sobrang seryoso ng ekspresyon sa mukha. Yong tipong hindi mo pwedeng kausapin dahil hindi naman namamansin. "Hala, sarap tirisin ng tinggil ng mga gaga." Bulong-bulong ni Mardy sa sarili. Kaya pala parang bulati ang dalawang babae sa likod niya dahil sa lalaking nagmumukhang modelo na nakaside view sa may puno. Mga sampung hakbang mula sa kinauupuan niya. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis eh wala naman siyang pakialam dapat. Gusto niya sanang lapitan at tanungin ulit ito pero dahil nagbago na ang isip niya ay huwag nalang. Mas nacurios na siya ngayon kung anong ginagawa nito sa resort. Malay niya baka ito pala ang may-ari diba? Hindi naman impossible iyon dahil mukhang sa hilatsa ng hitsura nito ay pwedeng maging may-ari ng malaking negosyo. At sa nakikita niyang VIP treatment ng ibang staff ay hindi malayo. Tumalikod nalang si Mardy at hindi na pinansin ang dalawang babae na hindi parin tumitigil kakapangarap kay Gunter. Siya nga na maganda at sexy walang say ang lalaki, itong dalawa pa kaya? Pinaglihi yata sa yelo ang lalaki dahil sobrang kalamigan nito. Buti nalang ay dumating na ang kanilang mga kasama kaya sumakay na din siya sa van. Nang makauwi sa bahay ay pagod na pagod si Mardy. Alas 7 na ng gabi at hindi niya na ata kayang magluto pa ng hapunan. Ang gusto nalang niyang gawin ay matulog sa kanyang kama na may manipis na kutson. Nilapag lang niya ang mga gamit sa ibaba ng kama at naghubad ng damit. Tanging manipis na shorts ang itinira at nagpalit din siya ng T-shirt upang mas komportable siya sa pagtulog. Inayos niya sandali ang kama at basta nalang siyang dumapa sa gitna. Sa tindi ng antok at pagod ni Mardy sa araw na iyon ay wala pang dalawang minuto ay dinuduyan na siya ng katahimikan at kadiliman ng gabi. --- Madilim, malamig at halos hindi alam ni Mardy kung saan siya papunta. Tanging walang katapusang kalsada ang nakikita niya sa harapan. Ni wala siyang nakikitang dumadaan kahit isang sasakyan. Nasaan na ba siya? Kahit anong lingon niya sa harapan at sa likuran at wala siyang ibang nakikita kundi malalaking puno, kalsada at malalim na bangin sa gilid ng daan. Ni hindi niya alam kung bakit nandito siya sa lugar na ito. Mas lalo siyang kinabahan nang unti-unti niyang nararamdaman ang patak ng ulan. Isa, dalawa tatlo hanggang sa lumakas na iyon at basang-basa na siya. Halos hindi na din niya nakikita ang paligid dahil sa lakas ng patak ng ulan na sinamahan pa ng malamig na simoy ng hangin. Wala nang nagawa si Mardy kundi yumuko at umupo sa gilid ng daan at yakapin ang sarili upang maibsan ang lamig. Hanggang sa ilang sandali ay may naririnig siyang busina ng sasakyan. Kahit halos hindi na siya makakilos sa sobrang lamig ay pinilit niyang tumayo. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi lang isang sasakyan ang papunta sa kanyang direksyon, kundi dalawa. Isang malakas na busina ng bus at isang pagewang-gewang na kotse ang nakita ni Mardy na sumalpok sa isa't-isa. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga ng dalawang sasakyan ay parehas na sumadsad ang mga ito sa gilid ng bangin. Parang pelikula na nakita at naririnig niya ang hiyawan ng mag tao sa paligid. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng takot at pagkabigla ay nagawa niya pang lapitan at tingnan ang sakay ng kotse. Halos hindi na makilala ang sasakyan sa sobrang laking pinsalang tinamo. At ang sobrang nagpagimbal sa kanya ay nang makita ang babaeng sakay ng puting kotse. Ang damit na suot nito ay kaparehas ng damit na suot niya, pati mukha ay walang pinagkaiba. Bigla nalang nanginig ang kanyang buong katawan kasabay ng sigaw na bumalot sa paligid dahil sa biglaang pagkahulog ng bus at puting sasakyan sa gilid ng bangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD