CHAPTER 6

1217 Words
Pawisan at halos hindi makahinga si Mardy ng gumising. Napabalikwas siya ng bangon at pilit na hinamig ang sarili. Napasabunot siya ng sariling buhok at niyakap ang mga tuhod. Bakit may ganon siyang panaginip? Hindi niya alam kung bakit bigla siyang pinanindigan ng balahibo sa katawan. Para kasing totoo ang nangyari. Bigla nalang siyang nagising na waring mahuhulog na siya sa bangin. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kamukhang-kamukha niya ang babae sa panaginip. Parang siya na parang hindi. At labis na pinagtataka ni Mardy na sa loob ng tatlong taon mula ng magising siya ay ngayon lang sumagi sa panaginip niya ang ganoong pangyayari. May kotse at bus na nagsalpukan sa panaginip niya. At natatandaan niya ang kanyang yumaong lola na sinabi nitong sakay siya ng bus ng bigla iyong maaksidente dahil bumangga sa isang kotse at nahulog sa bangin. Pero ngayon ay tila naging malaking katanungan sa kanya kung bakit kamukha niya ang sakay ng kotse na bumangga sa bus. Or sadyang pinaglalaruan lang talaga siya ng isip niya kaya't anu-ano ang kanyang napapanaginipan. Tatlong taon ang lumipas na kinalimutan na ni Mardy ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Nagising siya sa hospital habang may isang matandang babae ang umiiyak sa paanan ng kama.Naguguluhan at hindi alam kung ano ang nangyayari.. Ang sabi nito ay siya raw ang apo nitong si Mardy na naaksidente sa bus papunta sanang Maynila. Pinaliwanag nito sa kanya na baka dahil sa trauma ay panandaliang nakalimutan niya ang mga alaala. Wala siyang naging sagot sa matanda hanggang sa makauwi sila sa bahay nito. Ni hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang apo ng matanda. Ngunit ang lahat ng kanyang katanungan ay isa-isang nasagot nang makita niya ang mga larawan ng isang babae sa bahay nito. Walang pinagkaiba ang mukha niya at ng babae sa larawan. Mula pagkabata ay may picture niya doon kaya bakit pa siya magdududa? Kaya mula noon ay palagi na siyang nagtatanong sa kanyang lola kung ano ang buhay niya noong hindi pa siya naaksidente. Matiyaga namang kini-kwento ng matanda ang lahat ng gusto niyang malaman. Hanggang sa namatay ito ay tumatak sa kanya ang mga salitang iniwan ng matanda. Hindi na din siya nag abala pang alalahanin ang mga nangyari tungkol sa aksidente dahil para sa kanya wala nang puwang iyon. May mga katanungan man siya ay sinarili nalang iyon ni Mardy. Saglit siyang huminga ng malalim at pinahid ang butil ng pawis sa noo. Bumangon din siya at nakitang alas kwatro na pala ng umaga. Madilim pa sa labas pero dahil hindi na siya makakatulog ay nagtimpla nalang siya ng kape. "Pambihira, pati asukal ko nakikihati pa kayo." reklamo ni Mardy ng makitang may langgam na nakapasok sa lalagyan niya ng asukal. Tinaktak niya iyon sa lababo kaya nagsilabasan ang mga langgam.Pinagtitiris niya iyon ng may panggigigil. "Nyeta kayo." Nang matapos siyang magkape ay naligo na siya sa masikip niyang banyo. Isang tao lang ang pwedeng makapasok sa banyo niya kaya hindi pwede doon ang mga nababasa niya sa libro na nakkikipagchukan sa banyo. Sabagay ay wala naman siya noon. Pagsapit naman ng alas 7 ng umaga ay agad siyang umalis. Saktong nagtext ang kaibigan niya na may debut sa kabilang bayan at gusto siyang kunin. Isang sakayan lang yon ng jeep kaya hindi masyadong malayo sa lugar nila. Nagreply agad siya kanina ng okay kaya ngayon ay nasa labas na siya ng bahay bitbit ang mga paraphernalia niya sa pag me-make up. Naghihintay siya ng jeep sa kanto ng may nakita siyang lalaking naka-cap hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Naghihintay din yata ito ng sasakyan kaya hindi na niya pinansin. Sa isip niya ay baka bagong salta sa lugar nila dahil ngayon lang niya nakita ang pagmumukha ng lalaki. Pagkasakay niya ng jeep ay humabol din ang lalaki at sumakay. Hindi naman sila magkatabi dahil nasa unahan siya nakaupo. Seryoso lang ang mukha nito at hindi niya nakitang nagawi man lang ang tingin sa kanya. Pagdating sa bahay ng debutante ay agad na nagsimula si Mardy. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang party nito kaya rush na talaga ang trabaho niya. May nakuha na pala itong make up artist pero biglang nag cancel kaya naghanap ng iba, at iyon nga, siya ang nakuha. Buti nalang at wala siyang booking sa araw na iyon. "Ang ganda mo na neng. Ikaw talaga ang star of the day!" papuri niya sa debutant ng matapos itong bihisan. Maputi ang dalaga at matangkad. "Salamat ate ha. Ang ganda mo din. Para kang si Hanna Fuentabella!" ani ng dalaga sa kanya. "Jusko sino ba yang Hanna Fuentabella na yan at nang mapiktusan. Mas maganda ako diyan no!" pagbibiro niya. "Hindi mo siya kilala? Siya yong international model! Pero matagal ko na siyang hindi nakikita sa magazine eh. Sayang ipapakita ko sana sayo. Magkamukha talaga kayo." sabi pa nito kaya nakangiti siyang umiling. Wala siyang panahon kumilala ng mga mode-model na yan. Ni wala siyang f*******: account! Nang matapos sila ay isa-isa niyang nililigpit ang mga gamit. Binayaran siya ng 2500 kaya masaya siyang uuwi. May bunos pa siyang letchon na binigay ng nanay ng debudant. May kasama pang shanghaii at menudo kaya may kakainin na siya hanggang bukas. Pagkalabas niya ay sa likod siya ng bahay dumaan. Maraming tao sa harapan dahil doon ginanap ang debut. Naglakad lang din siya papunta sa sakayan dahil malapit lang naman. Napakunot pa nga ang kanyang noo nang pagsakay niya sa jeep ay nandoon ulit yong lalaking naka-cap. Saan kaya ito galing? "Excuse me kuya." sambit niya. Hindi kasi ito umuusog. Parang mas gusto pang siya ang mag adjust! Hindi man lang ito nagsalita pero umusog naman. Mainit sa loob ng jeep kaya nagpaypay siya ng dalang pamaypay. May kakaibang amoy pa sa loob na kumukotkot sa ilong niya. Amoy yata yon ng kili-kiling panis! Feeling ni Mardy ay hindi yata siya humihinga sa loob ng jeep. Pasalamat siya at hindi mabaho si kuyang naka-cap kundi baka nahimatay na siya sa loob ng sasakyan. "Para!!! Manong dito lang ako sa looban!" Sigaw ni Mardy ng malakas. Napatingin tuloy sa kanya ang ibang pasahero pero wala siyang pakialam. Tila nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay nakalanghap ng medyo hindi mabahong amoy. Medyo lang dahip amoy kanal parin ang lugar nila pero sanay na siya kaya okay lang. Pakanta-kanta siyang naglakad papasok sa looban ng magulat siya sa aninong nakita sa gilid. May taong nakasunod sa kanya kaya agad siyang lumingon. "Kuya? Pinaglihi ka ba sa kabote?" nakataas ang kilay niyang tanong. Nagulat pa ito sa kanya dahil hindi yata nito ini-expect na lilingon siya. "Bakit?" "Sulpot ka ng sulpot eh!" Nakairap na sagot ni Mardy. "Diyan lang ako nakatira oh. Pamangkin ako ng aling Bebot." sabi nito sabay turo sa tindahan malapit sa bahay niya. Hindi na siya sumagot at tumalikod na ulit para makapasok sa bahay niya. Sabu nga niya, wala talaga siyang panahon mag usisa ng ibang tao kung walang kinalaman sa kanya. Nagkataon lang siguro na parehas sila ng lugar na pinuntahan kaya nakikita niya ito palagi. Mas gusto niyang mag-isip ngayon kung saan ulit siya raraket dahil ubos na ang bookings niya. Mamaya ay maniningil naman niya ng mga pautang niyang panty at bra sa mga kapit-bahay. Nakakapagod pero para kay Mardy ay tuloy parin ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD