Nasa mall sila ni Harry ng araw na iyon. Naglambing kasi ang bata na gusto nitong maglaro sa mga play house. Kahit naman may sarili itong play house sa bahay ay iba pa rin talaga kapag may ibang batang nakakalaro si Harry. Siguro ay nabagot na ito sa bahay dahil weekends at walang pasok sa skwela. Nai-text na niya ang ama nito kanina pa na pupunta sila ng mall ni Harry. Walang reply galing sa lalaki pero basta nasabihan na niya ito.Kasama naman nila ang driver nito at ang isang katulong para naman hindi mabagot. Si Ate Duday ang isinama niya dahil mas ito ang palagi niyang nakakausap. "Wow! Mommy look!" may itinuro si Harry na mga taong naka costume ng iba't-ibang superhero. May event din pala sa mall kaya pala maraming tao. Tumatalon-talon si Harry habang pumapalakpak na nakatingin sa

