Habang kumakain sila ay ramdam niya ang mga matiim na titig ng isang pares ng mata. Umiiwas lang siyang salubungin iyon dahil kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito. Habang tinutulungan niyang kumain si Harry ay hindi parin siya makapaniwalang nagkaroon siya ng instant na anak. Nabuhay siyang kasama ang kanyang lola at hindi pumasok sa isip na mag pamilya. Ang sabi pa nga ng kanyang lola ay tanging isang beses lang siya nagkaroon ng nobyo. Hindi niya man maalala kung sino ay hindi naman na iyon importante pa. Alam mo 'yong nasa punto na siya ng buhay niya na wala nang silbi ang mga nakaraang nangyari kahit hindi man niya maalala dahil wala namang exciting sa buhay niya noon. Ganon ang pakiramdam ni Mardy nang magising siya. Nang bumalik ang tingin niya kay Harry ay nakatitig ito

