Sa araw na iyon ay naisipan ni Mardy na mag grocery. Si Harry ay nasa lola nito at si Gunter ang naghatid sa bata kaya wala siyang kasam sa condo dahilan upang maisipan niyang mamili ng mga kakailanganin sa kusina. Mula kasi ng dumating si Harry ay panay na siya nagluluto. Samantalang si Gunter naman ay sobrang busy sa office dahil may malaking trabahong ginagawa. Napag alaman niyang isang CARGO SHIPPING LINE ang negosyo ng lalaki kaya sobrang abala ito sa mga nakaraang araw. Nangako naman ang lalaki na babawi sa anak kapag natapos na ang trabaho nito. Habang nasa loob siya ng grocery ay panay ang basa niya sa mga kinukuha. Medyo mamahalin kasi ang mga produktong nandoon kesa sa nakaugalian niyang sa palengke. Ang kaso ay medyo malayo naman ang wet market sa condo kaya wala siyang ibang c

