Maraming taon na ang nakalilipas nang magsimulang mamuno ang mga elemental keepers.
Kapayapaan at kalayaan ang nananaig sa Arcabis sa panahon ng kanilang pamumuno sa bawat kaharian na kanilang pinamamahalaan.
Mayroong apat na kaharian sa Arcabis. Ito ay ang Xiria, Nevaria, Axton, at Aither. Ang mga namumuhay rito ay payapang nakikipag-uganayan sa isa't – isa hanggang sa may isang grupo ng mga kababaihan na nag-rebelde.
Ang mga rebeldeng ito ay bumuo ng kanilang sariling kaharian na hindi kinilala ng kung sino man. Dahil dito ay nagalit ang mga kababaihang ito at humingi ng kapangyarihan sa isang masamang bathaluman.
Pagkatapos ng mga kaganapang ito ay natahimik muli ang buong Arcabis. Naging mapayapa na muli ang kanilang pamumuhay.
Nguni tang kapayapaang ito ay hindi rin nagtagal. Sapagkat matapos ang isang dekada, muling nagparamdam ang mga rebelde.
Pagpaparamdam na gumulat sa lahat at kumitil sa buhay ng nakararami. Hindi sila kinayang labanan ng mga elemental keepers na siyang ikinatuwa ng mga rebelde.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nanahimik muli ang mga rebelde. Sa pagkakataong ito, nagbigay ng misyon ang bathalang pinaniniwalaan at sinasamba ng mga nilalang sa Arcabis.
May nilalang siyang itinalaga na makapupuksa sa mga rebeldeng ito. Ito ay ang misyon ng buong Arcabis.
Ang hanapin ang mga bagong itinalaga ng kanilang bathala.