"I'm Lizette Mercato, Nicholas' friend." saad niya saka inilahad ang palad para makipagdaupan sa mga ito. Nag-aalalangan namang inabot ito ng Ina ni Kulas. "Nicole Fontesilva, Nicholas' mom." pakilala nito habang sinisipat ang dalaga mula hanggang paa kahit na natatakpan ng kumot ay kita ang mga daliri nitong animo'y kandila ang kinis. At isama mo pa ang beige polish nito na nagpatingkad sa kaputian ng dalaga. Napatakip ng bibig si Lizette sa narinig. She wasn't expecting na ganito sila magmi-meet ng parents ni Kulas and to think na never pa yata siyang nabanggit ng binata rito. "And I'm Nelson Fontesilva, Nicholas' Dad." ilalahad pa sana ni Nelson ang palad niya pero agad siyang pinigilan ni Nicole. Kitang-kita sa mga mata nito na pinandilatan niya ang asawa. "Pasensiya ka na, Hija. P

