Pilit niyang iniisip kung ano nga ba ang nangyari nang gabi matapos niyang makita ang dalawa na pumasok sa bahay ni Arch. Pero hindi maabot ng isip niya. Alam niyang wala na siyang oras para tumulala pa pero kailangan niyang maalala. Mayamaya pa ay napamura na lamang siya. "s**t!" bulalas niya. Napahilamos siya ng mukha. Hindi niya talaga maalala. Agad siyang tumalikod nang kumilos si Lizette nang bahagya. "Good morning, Nicholas!" mukhang maaliwalas at masarap ang gising ng dalaga. "G-good m-morning!" nabubulol niyang sagot. Pilit hinahalungkat ang nangyari matapos iwan ang bahay ni Arch. "Thanks for last night." tumagilid ito at itinukod ang siko sa kama at ang kamay sa baba. Abot tainga pa rin ang ngiti. "W-what a-about l-last n-night?" pilit niyang kinakalama ang sarili. Ayaw niya

