"What, Jewel Laine Magnaye?" nakitulog ka sa bahay ng isang lalaki? Are you out of your mind? Seriously?" umuusok ang ilong na sigaw ni Oli sa anak. "And who the hell is that guy?" tanong naman ni Joel na hahaplos-haplos sa sintido "Nakakahiya kay Nicholas. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niya ‘yang bagay na ‘yan? Hindi ka ba nag iisip, Jewel? Ha? Malapit na ang kasal niyo. Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga at amigo namin ng Daddy mo?" saad muli ni Oli. Napahawi na lang si Jewel ng buhok. Hindi makapaniwala sa narinig. All these years ay talaga bang kapakanan niya lang ang iniisip ng mga ito o ang sasabihin ng ibang tao. Napatawa siya nang mapait. "Whoa! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Mom? I can't believe na mas iniisip mo pa ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa anak

