"I know that we're just getting along recently but I'm curious... Do you still love Lianne?" tanong ni Laine kay Arch. Kasalukuyan silang nasa rooftop at doon nag-uusap. Nakagawian na nila ang pumunta ro’n kapag may free time at palaging nagkakataon na naroon sila pareho. Hindi naman agad nakapagsalita si Arch. Pilit na tinitimbang ang nararamdaman niya. Marahan niyang kinapa ang dibdib niya malapit sa puso saka huminga nang malamin. Habang si Laine naman ay nakamasid sa binata. Hinihiling na sana ay may nararamdaman ito kahit katiting para sa kanya. Matagal-tagal na rin simula nang maging close sila. Marami nang nangyari and ito ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Ang mapalapit kay Arch. "Honestly... I don't know. " saad nito. Animo'y munting tuta na nadismaya ang hitsur

