"Thanks. Kanina ko pa nga hinihintay ang message ni Liz." mas lalong nairita si Jewel sa narinig. Like what? He's been waiting for her message? Umikot ang mga mata ng dalaga sa inis. Hindi rin naman nito nahalatang iniinis lang siya ni Kulas. Nagtungo na lamang ang dalaga sa sala. Hindi na niya inusisa pa ang pinag-uusap ng Ina at ni Kulas. Sigurado siyang tungkol lang ito sa kasal nilang imposibleng mangyari. Naupo siya sa sofa at naghanap na lamang ng mapapanood. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Halos isang pulgada na lang ang layo ni Kulas kay Lizette nang makita niya ang dalawa. Matapos ay agad na sinunggaban ni Lizette ng mapusok na mga halik si Kulas. Gumanti naman ang binata. Halos madurog ang puso ni Jewel sa nasaksihan. Hindi naman niya magawang lapitan

