Hindi na niya napigilan pang lapitan ang dalaga. Para bang may nag-uudyok sa kanya na lapitan ito. Gusto niya itong makita nang malapitan. Ang mahaba at malambot nitong buhok na parang inaakit siyang hawakan. Ang pisngi nitong tila nagsasabing sakupin ng kanyang mga palad. Ang mga labi nitong tila nag-aanyaya sa kanya na sakupin itong muli. "No, Arch. Don't do anything. Don't touch her." pigil niya sa sarili. Inilihis na lamang niya ang atensiyon niya para hindi niya hawakan ang buhok nito o kahit alin mang parte ng katawan nito. Pero tila ba nama-magnet siya nito. Sinigurado niya munang mahimbing na ang dalaga. Mukhang napagod ito sa pag-iyak. Ilang saglit pa ay napagpuan na lang niya ang kanyang palad na humahaplos sa malambot at mahaba nitong buhok. Nanunuot sa mga ilong niya ang hali

