Nagpalipas siya nag magdamag sa bahay ni Arch. Inoffer naman ng binata ang guest room niya. Kahit paano'y nakalimot panandalian si Laine sa problema niyang kinakaharap. "Laine?" mahihinang katok ang narinig ni Liane habang pupungas-pungas. Napasilip siya sa oras at nakitang alas-siete na nang umaga. Agad siyang tumayo at pinagbuksan ang taong alam niya kung sinong kumakatok. "Good morning!" masiglang bati ni Arch. "Morning..." at sumilay ang matamis na ngiti ni Laine sa labi. Hindi naman maalis ang ngiti ni Arch habang nakatitig sa dalaga nang mapansin ni Laine na nakatitig nang malagkit sa kanya ang binata ay agad naman siyang pinamulahan. She forgot that she was wearing his longsleeve. Just like an after s*x look in the movies. She just realized that she unbuttoned it before sleeping

