ZEI "She's pretty.." nakangisi saad ni Zei habang nakatunghay sa natutulog na babae. Inaapoy ito ng lagnat. Sakto naman na naisipan niya bisitahin ang prinsipe ng mga puting lobo at hindi siya makapaniwala na kasama nito ang babae itinakda rito. "She's going fine now..mabisang gamot ang pinainom ko sa kanya," aniya na binuntutan pa ng pagkindat. Seryoso at tiim-bagang lang ang prinsipe. Alam niya hindi nito matanggap ang nangyayari sa babae. "Anong iniisip mo kamahalan?" pukaw niya rito. Sa seryoso din mukha. Nagbabaga sa galit ang kulay asul nito mga mata. "Kukunin ko sa kanila si Ereka..pinahihirapan nila ang babae itinakda sakin!" tiim-bagang nito saad. "Sa tingin niyo magagawa niyo na hindi siya pumapalag?" seryoso niya tanong sa prinsipe. Hindi nakaimik ang Prinsipe. "Ayon

