Nang mga sumunod na araw ay naging mas malapit sila ng Sir Clyde niya. Palagi sila magkasabay nito umuwi sa paraan na wala makakakita sa kanila kung meron man wala naman sila masama ginagawa. "Kain muna tayo.." untag ni Sir Clyde ng imaniobra nito ang sasakyan. "Uhm,Sir..nilibre niyo na po ako kahapon baka po nakakaabala na ko sa inyo...baka po magalit sa inyo ang nobya niyo?" nahihiyang tugon niya rito. He chuckled. "Don't worry,wala ako nobya,Ereka..one-woman man ako.." Malakas na gumalabog ang dibdib niya sa huli nito sinabi. Ayaw niya bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ng Sir Clyde niya. Teacher-student ang relasyon nila nito. Kung hinahangaan man niya ito ay natural naman siguro iyun di ba? Hindi lang naman siya ang humahanga rito. Marami sila nagkataon lang siya ang masuwert

