Gaya ng sabi ni Sir Clyde. Pinagpaalam siya nito sa kanya madrasta na dadalo siya sa graduation ball. Kinakabahan siya habang nakatingin sa kanya ang madrasta,bagaman nakangiti ito sa Sir Clyde niya alam niya galit sa kanya ang madrasta. "Kung ganun ho pala,importante na makadalo siya.." plastik nito saad. "Yes,Ma'am..She's one of a dean list marapat lang na dumalo siya,Ma'am.." casual na sagot ng Sir Clyde niya. Nakangiti tumango-tango ang madrasta. "Clyde?!" bigla pagsulpot ni Ella na bagong dating lang at tila nagmadali ito umuwi. Tinanguan naman ito ng Sir Clyde niya. Nakataas ang kilay na sinulyapan siya ni Ella ng makita magkatabi sila ni Sir Clyde. "Nabisita po kayo?" mangha saad ni Ella. Alam niya agad na naattract rito ang stepsister niya. "So,Ma'am..papayagan niyo ba si

