"Napakaganda mo,hija!"mangha sabi ni Aling Susan ng tulungan siya nito mag-ayos. Tinitigan niya ang sarili sa harapan ng lumang full length mirror na may crack na sa gitna. Bagay na bagay sa kanya ang kulay krema laces longsleeve gown. Humahakab sa hubog ng kanya katawan. " Dalagang-dalaga ka na,Ereka!"anang ng matanda habang sinusuklayan nito ang mahaba niyang buhok. Manipis na foundation at lipstick lang ang nilagay niya sa kanya mukha. "Bagay na bagay kayo ni Sir Clyde!" Agad na pinamulahan siya ng mukha. "Aling Susan,professor ko po siya.." kimi niyang saad. Tumawa ang matandang babae. "Pagraduate ka naman na,pwede na yan," panunukso sabi ni Aling Susan. Ngumuso siya para ipakita rito na hindi siya naniniwala sa ganun pangyayari. Isang malakas na busina ang pumukaw sa atensyo

