Saka lamang natauhan ang dalaga mula sa pagkakatulala ng makita ang ginagawa ng malaking aso. Dinadampot ng malaki nito nguso ang mga kalat at mabilis ang bawat nito kilos. Napakurap-kurap siya. Tinutulungan ba siya nito maglinis?! "S-saan ka galing?"anas niya habang nakatitig rito. Nakadistansya siya rito. Mahirap na baka mamaya atakehin siya nito bigla. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Bumaling sa kanya ang malaking hayop. "U-uhm,k-kamukha mo yung napanaginipan ko.." saad niya. Nakatitig sa kanya ang malalaki nito mga mata. Bigla kumabog ng malakas ang dibdib niya. Pareho iyun ng nararamdaman niya kapag tinititigan siya ni Sir Clyde. Agad na iwinaksi niya ang guro. "Nanaginip siguro ako.." maya-maya saad niya. Siguro nga nanaginip siya. Napaatras siya ng l

