Halos gabi-gabi ay nagkikita sila ng malaking aso. Lagi niya pinanabikan na makita niya ito bago siya matulog. Magkatabi sila nakaupo sa likod-bahay kung saan nakatanaw sila sa mga bituin. "Gusto mo bigyan kita ng pangalan?" aniya at hinaplos ang mabalahibo nitong ulo. Nakadapa ito sa gilid niya. Nakangiti na nag-iisip siya ng maaari niya ipangalan rito. "Hmm..okay lang ba na Clyde ang ipangalan ko sayo?"saad niya sabay napakagat sa pang-ibaba labi niya. Napatitig sa kanya ang malalaki nito mga mata parang nakikita niya na tila nagustuhan nito ang sinabi niya. She's smiled. " Pareho na pangalan ni Sir Clyde kasi pareho kayo ng mga mata.."magiliw niya saad habang marahan na hinihimas ang ulo nito. Nanatili nakatitig sa kanya si Clyde. Pinanindigan niyang Clyde ang ipangalan rito. "M

