Agad na naging alerto sila ng inner wolf niya ng tila narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. Agad na nakaramdam siya ng masamang kutob. Mabilis na hinanap niya si Ereka sa classroom nito. Nagsisimula na ang sunod na klase. Sisilipin lang niya kung naroroon ang dalaga. Pero hindi niya ito makita. Wala ang dalaga. Doon na niya hinayaan balutin siya ng pangamba at pag-aalala para sa dalaga. Where is she?! Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nalalaman kung nasaan ang dalaga. Lumapit siya roon at kinuha ang atensyon ng co-teachers niya lalaki. Lihim na nagsisitilihan ang mga babae istudyante niya. "Yes,Sir Clyde?" anang nito. "Pasensya na sa abala ,nais ko lang sana makausap si Ms.Ereka Rux.." aniya habang iniisa-isa ng tingin ang mga istudyante. "She's not here,Sir Clyde.."

