Nagtataka si Ereka ng magising. Nasa clinic room siya naroroon ,alam niya ang lugar na kinaroroonan niya dahiL sa mga gamit na naroroon. Nakalabas na siya sa madilim na lugar na iyun. Sino kaya nakakita sa kanya? "Oh,gising ka na pala,kamusta pakiramdam mo?" mabait na tanong ni Nurse Mae. Nahihiyang bumangon siya sa hinihigaan nakita niya kasi marumi ang uniporme niya. Puting-puti pa naman ang sapin ng kama. "Okay na po ako.." "Mabuti naman kung ganun..muntik ka ng mapahamak ,mabuti na lamang agad ka nadala dito ni Sir Clyde.." Agad na gumalabog ang dibdib niya ng marinig iyun. Kung ganun ang Sir Clyde niya ang nagligtas sa kanya. Bigla gusto niya maiyak pero pinigilan niya ang sarili. "N-nasaan po si Sir Clyde?" "Ayun,malamang kinakausap na yung nagkulong sayo sa stock room may C

