Chapter 4

1709 Words
“Swella!” Tawag ni Ish habang nasa likod ko at sumusunod.  Kanina pa siya sunod ng sunod sa akin habang nag iikot sa loob ng resort. Medyo naiinis na ako sa kaniya dahil panay ang pangungulit niya tungkol sa pagpipinta ko. Malapit na ako sa isang bilihan ng mga pasalubong sa loob ng resort namin ng hablutin niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya. Napakurap ako ng ilang beses ng mapagtanto kong pawis na pawis na ito at medyo hinihingal.  “May lakad ka ba? Bakit ba para kang nagmamadali?” Hinihingal na tanong nito sa akin.  “Wala naman. Mabilis lang ako maglakad.” Sagot ko at tinabig ang kamay niya.  “Alam mo bang nakakapagod kang habulin?” Sagot niya at sinuot ang Rayban.  I sighed. “Hindi ko sinabing habulin mo ako.”  “Pero gusto ko.” Kumunot ang noo nito at may tinuro sa likod niya. “Alam mo bang nagkaroon ng funrun sa likod ko kanina?”  Pinaningkitan ko siya ng mata at nilapitan. Nameywang ako at tinaas siya ng kilay. Napakahambog talaga kahit kailan.  “Alam mo rin ba ang salitang humbleness? Gusto mo turuan kita?” Akmang tatalikod na ako ng nagsalita ito ulit.  “Biro lang. Ikaw naman mamon napaka serious mo. So stiff.” He smirked.  “Baliw.” Saad ko at tinalikuran siya. Papasok na ako ng bilihan ng mauna ito at pinabuksan ako ng pinto.  Yumukod pa ito at inimuswetra ang kamay papasok. “Beautiful lady first.”  “’Wag ka magbiro. Hindi nakakatuwa.” Saad ko at pumasok. Balak kong bumili ng pasalubong para kay Juls. Gustong gusto niyon ng dream catcher. I love dream catcher too. I have a bunch of those.  “Hindi ako nagbibiro.” Tumabi siya sa akin. “Seryoso akong tao. Gusto mo seryosohin kita?”  Laglag ang panga kong tiningnan siya. Naka ngisi ito at nakataas ang isang kilay. Is he for real? Alam ba niya ang sinabi niya? Naiintindihan niya ba iyon.  “Alam kong gwapo ako. ‘Wag masyadong halata mamon.” He chuckled.  “Did I mention that you’re full of yourself?” Pagsusungit ko.  Ngumuso ito at humalukipkip. “Kakasabi mo lang. And I’m not full of myself. It’s just that I have everything to be proud of.”  I shake my head and turn my back. He’s right, mayaman siya, matalino and of course given na bilang Ybañez ang pagiging gwapo niya. But the fact that he is too boastful, lessen his pogi points. Wait? Eh bakit nga ba kasi may pogi points?!  Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa pagdampot ng mga dream catcher ng may isang tao akong mabangga.  “Ouch!”  Natuod ako sa kinatatayuan ko ng mapagtanto ko kung sino ang babaeng kaharap ko ngayon.  “Camille…” bigkas ko.  The woman raised her eyebrow and laugh mockingly. “Oh? Swella. My ex bestfriend.”  Ex bestfriend..  “Camille, k-kamusta?” I asked her.  “Okay naman, kanina. But now I saw you here? Ewan ko na.” She replied. Nakacrossed arms ito sa harap ko at nakataas parin ang kilay.  “It’s our family’s resort. So, it means you have to expect me here.” Sagot ko sa kaniya. Biglang tumalim ang tingin nito sa akin. She’s about to answer me when someone grabbed her waist and kissed her on her cheek. Nagulat pa ito at agad hinarap ang gumawa nun pero mas nagulat ata ako ng makita kung sino iyon.  “Babe, kanina pa kita hinahanap.” Sabi ni Grae kay Camille. Kumawit ang babae sa leeg niya at hinalikan ito sa labi. “I just bumped into someone.”  Lumipad ang tingin ni Grae sa akin at agad dumaan ang rekognasiyon doon.  “Swella?” He said. “What are you doing here?”  All smile itong nagtanong sa akin. Samantalang para naman akong tumakbo ng isang daang metro sa sobrang kabog ng puso ko. Nasasaktan ba ako? Oo, nasasaktan ako. Ang ex boyfriend ko at ex bestfriend ko. Magkayap sa harap ko mismo.  “May binili lang.” Tumikhim ako at naglakad palapit sa cashier. “Sige, mauna na ako.”  Akmang aalis na ako ng bigla niya akong hawakan. Yes, we became boyfriend and girlfriend pero never kaming nagkaroon ng pagkakataon na magdate or to have a long walk with our hands intertwined. It’s because my parents was so damn strict.  “Bitaw.” Dumako ang tingin ko sa lalaking nakatayo malapit sa akin. Madilim ang mukha nito at nakatiim bagang.  “I’m sorry?” Grae said to Ish.  “Ang sabi ko. Bitaw.” Ish repeat. This time, nakaharap na siya kay Grae.  “Look bro—“  “Don’t bro me. Hindi kita kaano ano.” Maangas na putol niya.  “Grae bitawan mo ako.” I said but instead of letting my hand go, e mas hinigpitan niya ang hawak doon.  “I want us to talk, Swella.” He said. Kumunot naman ang noo ng babaeng kasama nito.  “Grae!” Camille shrieked.  “Bibitaw ka ba? O babalian muna kita?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ish. Seryoso ba siya?  Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay ni Grae sa kamay ko at agad naman iyong kinuha ni Ish. Dumukot ito ng hanky sa bulsa at pinunasan ang kamay ko.  “What the hell?” Grae’s reaction was priceless. Sino ba ang hindi maiinis? Pinupunasan ni Ish ang kamay kong hinawakan ni Grae.  “Let’s go Grae! Ano ba!” Camille said habang hinihila si Grae. Nagpadala naman ito at lumabas ng shop. Pinagmasdan ko si Ish na panag ang ‘Tss’ at iiling iling na naiinis. “There, malinis na.” Saad niya ng matapos iyong punasan.  “Bakit.. Bakit mo pinunasan ang kamay ko?” I asked. He rubbed his nape. “Ayoko na may ibang humahawak ng kamay mo. Gusto mo ba tattoan ko ‘yan ng ‘Ish Property?”  Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hindi mo pag aari ang kamay ko.” Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang kamay ko at dinilaan iyon. I feel the sudden electricity passes throughout my whole body. Damn! He just licked my hand?!  “Ayan! Nalawayan ko na. Ibig sabihin akin na.” Lumapit siya sa akin at nilagay sa likod ng tenga ko ang mga takas na buhok.  “Ayokong may ibang hahawak ng kamay mo. Okay?”  Cat got my tongue? I can’t say a word. I was just too stunned. Bakit ganoon siya? He’s acting like a possessive boyfriend!  “Natameme ka ba sa ginawa ko? O kinikilig ka?” He asked.  Tinitigan ko siya ng masama at binawi ang kamay ko. Tumalikod ako at nagmartsa papunta sa cashier. s**t! My heart is pounding continuously.  Nang makalabas na kami ng shop ay hindi ko na siya pinansin. We just met a few weeks ago. Tapos bigla bigla na lang ganito? Kung iniisip niyang maloloko niya pwes! Poor him.  Bigla akong napaatras ng humarang siya sa dinadaan ko. Nakahalukipkip ito at mataman akong tinitigan. Umiwas ako ng tingin at sa ibang direksiyon binaling. “Bakit hindi mo ako pinapansin?” He asked. His voice sounds irritated. “Tinatamad akong pansinin ka.” Bumuntong hininga ako at lakas loob siyang hinarap. “Grabe ka talaga!” Ginulo nito ang sariling buhok. “Mamon naman!” “Stop calling me mamon! Bakit ba panay ang tawag mo sa akin niyan?!” I was pissed. Bakit ba ang kulit kulit niya talaga.  “I like mamon.”He shrugged. “Can I knock some cells to your brain? Maybe, magkaintindihan kami.”  “You’re crazy! Look, if you’re hitting on me. Well, sorry na lang. I. Don’t. Like. You.” I said. Sana naman tumigil na ang isang ito. “Fine.” Maikling sagot niya at tumalikod. Naglakad ito palayo sa akin. That’s it! See? He’s not serious! He’s just bored and he think I’m a challenge. Bwisit siya!  Sinipa ko ang isang bato at naiinis na umupo sa buhanginan. Pare-pareho sila! Mangagamit!  “Bwisit!”  Nanatili ako ng ilang minuto sa harap ng dagat. Ano bang hinihintay ko? Wala naman. Aminin ko man o hindi. Hinihintay ko si Ish. Eh bakit naman siya babalik diba?  Everyone left me. I’m annoying, I know. Nakakainis ako kasi masyado akong kumplikadong tao. Wala akong permanenteng emosiyon. I need an escape. I need someone who can help me out. I need to get rid of this kind of feeling.  Tumayo ako at naglakad papunta sa dagat. Takip silim na at nagkukulay kahel ang langit. Papalubog na ang haring araw. Patuloy ako sa paglakad hanggang maramdaman ko ang lamig ng tubig sa paa ko.  I need an escape.  Hanggang umabot ng bewang ang tubig dagat pero patuloy ako sa paglakad. Natigil lang iyon ng may malakas na braso ang bumuhat sa akin palayo sa tubig. Pinagmasdan ko siya kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.  “f*****g hell?! Bumili lang ako ng Ice cream tapos nandoon ka na agad!” Nakatiim bagang itong buhat buhat ako. Nang nakalapit na kami sa buhangin ay agad niya akong binaba. Pinulot niya ang isang t-shirt at agad iyong pinasout sa akin. Doon ko lang napansin na nakatopless ito at kitang kita ang namimintog na muscles. May pilat siya sa bandang kaliwang dibdib na parang isang galing sa matulis na bagay.  “’Wag mong titigan ang muscles ko Swella. Naiinis ako sa’yo ngayon. Alam mo ba ‘yon?” Hinawakan niya ang braso ko at marahang niyugyog. “Sorry. I.. I was just. Never mind.” Tumalikod na ako at naglakad palayo. Pero agad din akong napahinto ng magsalita siya ulit. “You don’t like me. Ngayon alam ko na iyon. Pero baka pwedeng friends? Kahit hanggang friends lang Swella.” I smiled. “Okay.” Hindi naman siguro masama right? Pwede naman ako magkaroon ng kaibigan. Kahit si Ish lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD