“Wow.”
Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko. His mouth is half parted with his eyes wide open. Muli akong humarap sa malaking arko na may nakasulat na ‘Prieto Hotel&Resort’
“Ang ganda ng resort niyo.” Ani niya na naunang naglakad papunta sa loob.
“Maganda? Dati, oo. Ngayon? I don’t know?” Sagot ko na sumunod sa kaniya.
Tiningnan ko ang paligid ng resort at kitang kita ang kapabayaan doon. May mga mataas na damo at mga batong hindi na maayos ang pagkahilera.
“Kaunting ayos lang dito eh.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. “Tara. Pasok tayo sa loob.”
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Nakaramdam ako ng kuryente ng magdikit ang kamay naman. Cliché man pero totoo pala. And it’s my first time to hold someone’s hand.
“Bitawan mo ako.” Blanko kong saad.
Tumigil ang paghila niya sa akin. Nanatili itong hawak ang kamay ko at nakatalikod. Pinagmasdan ko ang likod niya at kitang kita ko ang hulma ng mga muscles niya doon.
Naalala ko ang una naming pagkikita sa ospital. Naabutan ko siyang halos makipagsex na. Pare pareho lang sila. Mga tawag ng laman ang dahilan kung bakit kailangan nila ng babae.
“Ang damot mo naman. Sandali ko lang naman nahawakan.” Sagot nito at binitawan ako.
Humarap siya sa akin at namulsa. Ang mapaglarong ngiti nito kanina ay napalitan ng seryosong ekspresiyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko maatim ang mga mata niyang nakakalunod.
“Hindi ako sanay ng hinahawakan ako. I can walk by myself. I don’t need you.” Sagot ko at nilagpasan siya.
Bakit pakiramdam ko biglang bumigat ang pakiramdam ko matapos ko iyon sabihin. Pero tama lang ang ginawa ko kasi sabi nga nila. “Don’t get too attach by someone you just met.” Kasi baka sa oras na iwan ka nila, mas masakit.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod. Huminto ako at humarap sa kaniya.
Bigla naman siyang napaatras at nagtaas ng kilay. “Maaari ka ng umalis.” Anas ko.
“What?” He answered with his eyebrows furrowed.
“Ano pa bang gagawin mo dito? You’re rich, you can call someone to pick you up here.” I said. Wala naman siyang gagawin dito?
He smirked. “It’s a resort. So, I can stay here for as long as I want. Marami akong pera at kaya ko magbayad.”
Pinaningkitan ko siya ng mata na hindi naman inalintana nito. Napakahambog!
Tumalikod na ako at naglakad papasok sa hotel. May mangilan-ngilan akong nakikitang mga guest. Kahit papaano ay may pumupunta parin pala.
Dumiretso ako sa reception at naabutan ko silang magchichikahan. “Ma’am Sweren!” Agad naman silang tumalima at umayos.
“I’m Swella. Sweren’s twin, at ako na ang mamahala dito.” Nilingon ko ang lalaki sa likod ko na nakangisi sa mga receptionist.
“Give him the best suite we have—“
“Nah, a simple cottage will do.” Singit niya at tinuro ang isang maayos na kubo na nakaharap sa dagat. “I want to stay there.”
“Mr. Ybañez. That cottage is cheap. You’re one of our biggest guest—“
“I want that cottage. Babayaran ko katumabas ng halaga ng pinakamahal niyong suite.” Putol niya sa sinasabi ko at naglabas ng card. Inabot niya iyon sa receptionist at nilagay ang dalawang kamao sa bulsa.
Hinarap ko siya at hinawakan siya sa braso. “You don’t have to stay there lalo na kung overnight.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at dumako ang tingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
“Bitawan mo ako.” Saad niya sa malamig na tono.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa panggagaya niya sa sinabi ko kanina. Gano’n din ba ang naramdaman niya? Para akong napapasong binitawan iyon.
“Sorry—“
Naputol ang sinabi ko ng bigla niyang hablutin ang kamay ko at ipinalupot sa braso niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagkalabog ng puso ko.
“Biro lang. Ikaw naman sineryoso mo.” He said with a grin in his face.
Damn! Bakit ang pogi ng mokong na ito?
“Pwede ba!” Saad ko at bahagya siyang tinulak.
“Sus! Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata mo.” Sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang tatalikod ng bigla niya akong pigilin sa braso.
“What now?!” I said.
Nagkamot ito ng batok at nahihiyang ngumiti. “Can you tour me around?”
“No.” I replied. I chew my lower lip while looking to his hand on my arm.
“Sige na. Samahan mo rin ako mamili ng damit. Wala akong susuotin maliban sa damit ko ngayon.” Dagdag niya.
“Fine. Pupuntahan kita sa cottage mo mamaya. Magpapahinga lang ako.”
Agad kong inalis ang kamay niya at dire-diretsong naglakad papunta sa elevator. Sinulyapan ko ang kinaroroonan niya at nakita kong pinalilibutan na siya sa ng mga babae.
Babaero..
Nang makapasok ako ng elevator ay agad kong pinindot ang 12th floor. Pasara na iyon ng may kamay na pumigil doon at pumasok ang isang lalaking kahit kailan hindi ko malilimutan. Para akong nakakita ng multo mula sa kahapon.
“Damn! Buti naka-abot.” Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mata.
“S-swella?”
I froze. His voice sounds the same. Kinakabahan akong hinarap siya at ngumiti na sa tingin ko ay ngiwi ang kinalabasan.
“Hi Grae.” I bite my lower lip out of nervousness. Damn! Parang hindi nagbago ang mukha niya though mas lumaki ang katawan niya.
“What are you doing here?” He asked.
Bakit? Hindi ba niya inaasahan na ako ang makikita niya at hindi ang kambal ko. Oh how can I forgot. They betrayed me nga pala. Parehong manloloko. Parehong manggamit.
“I’m the new CEO.” Maikling sagot ko. No way in hell that I will let him see how frustrated I right now.
Siguro nga gano’n talaga pag bitter ka. Who wouldn’t? Nagmahal ka, nagtiwala ka, binigay mo halos lahat tapos isa ka lang palang laruan niya. Damn him! Damn his mask! Damn him for using me!
Tumango lang ito at hindi na umimik. Siguro alam niya namang ayoko siya makausap. Kasi hindi naman pwedeng pagkatapos nila akong iputan sa ulo, makikipagkaibigan ako? Kasi nga sabi nila 'If you and your ex became friends, it's either you still love him or you never love him at all'
And in my case. Minahal ko siya. At sobra akong nasaktan. Tahimik lang kami pareho hanggang huminto ito sa 12th floor.
*Ting!
Agad akong lumabas ng elevator ng bumukas iyon. Akalain mo nga naman na nandito rin ang suite niya. Wow! Just wow destiny! Dali dali kong binuksan ang room ko at pumasok doon. Sumandal agad ako sa likod ng pinto at tinapat ang kamay ko puso ko. Sobrang bilis ng t***k niyon.
“Swella! His your past at mananatili siya doon.”
I closed my eyes and sighed. Anong ginagawa niya dito? Nakakainis!
Nagmartsa ako papasok sa bathroom at madaliang naligo. Matapos iyon ay agad akong humiga at nag pasyang umidlip.
“M-mommy?”
“Leave!” Sigaw niya habang nakaturo sa pinto ng chapel.
“Mommy I want.. I want to be with kuya for the last time..” I cried.
“I won’t let you! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kuya mo!” My mom cried.
Tahimik akong lumabas ng chapel at umupo sa hagdan. Sinisi nila ako sa pagkawala ni kuya Syd. And I blame myself too. Umiyak ako ng sobra ng may kumalabit sa akin.
Nagpunas ako ng luha at umangat ng tingin. Sumalubong sa paningin ko ang isang mamon.
Binigay iyon sa akin ng isang bata at tumakbo palayo.
“Ma’am!”
Napabalikwas ako ng gising dahil sa gulat. Salubong ang kilay kong tumungo sa pinto at binuksan iyon..
“What?!”
Nanlaki ang mata ng roomboy at yumuko. “K-kasi po. ‘Yong l-lalaki sa baba. Pinapatawag po kayo.”
“Sinong lalaki?” I asked.
“Sabi niya siya daw po si Levi Ishmael 'The handsome' Ybañez.” Sagot niya sa akin..
“At talagang may ‘The handsome' pa ah.” Saad ko habang tinatali ang buhok ko.
“Eh kasi po babaliin niya daw leeg ko pag walang handsome eh. Sige po ma’am. Baba na po ako.”
Tumango ako at agad naghanap ng sosuotin. Nang makapili na ako ay bumaba na ako at naabutan ko si Ish na naka halukipkip sa entrada ng hotel. Nakatupi na ang longsleeve nito sa siko at magulo ang buhok.
“Ang tagal mo naman!” Reklamo niya ng makalapit ako. Salubong ang kilay nito at nakanguso na parang batang pinaghintay ng nanay.
“And so? Ikaw ang may kailangan, kaya maghintay ka.” Sagot ko at nilagpasan siya. Napapailing ako sa kakulitan ng isang 'to.
“Oo na! Ano ba namang ang tatlong oras sa sampung taon na paghihintay. Tangina!”