MABINING haplos sa pisngi ang nagpagising sa akin. Kumurap-kurap ako para luminaw ang paningin ko sa lalaking nakatitig sa akin.
Ish..
My eyes widened in shocked when I realize that he slept inside my room. Napabalikwas ako ng bangon at agad kong naramdaman ang hapdi sa braso ko. Magkahugpong ang kamay naming dalawa na agad kong binitawan.
I sat and looked down to my arms. Bakit may mga bandage? What’s this? What did I do?
“What happened?” I asked.
He sighed. “You don’t remember?”
Tumango ako. I remembered but it was so blurred. So, technically parang wala na talaga akong matandaan. Was I freaked out? Nakita ba ni Ish?
Biglang bumigat ang pakiramdam ko at tinitigan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin sa akin.
“What happened to you?” He asked in a serious tone. Walang bahid ng pagbibiro.
Umiling ako. “It’s none of your business Ish.”
Bumuga siya ng malalim na hininga. “None of my business? Come on, I’m your friend Swella!”
“Yes. You are my friend.” I breathe deeply. “You. Are. Just. My. Friend.”
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya at agad ding nawala. Napalitan iyon ng madilim na anyo.
“Pero kaibigan mo parin ako.” Dagdag niya.
“I maybe let you be a part of my life, Ish. Pero hindi ibig sabihin no’n may karapatan ka ng panghimasukan ako.” I said with my flat voice.
“You’re shutting me out Swella. For pete’s sake!” His voices raised out of frustration.
Tumayo ako at hinarap siya. “Ish, you are just an extra character in my story. Mawawala ka rin pag lumipas ang bawat pahina ng buhay ko.” Matapang kong sabi.
Napaatras siya at marahang ginulo ang sariling buhok. Tumalikod siya at huminga ng malalim.
“This is not just your story.” He sighed. “The heroine never beg the extra character just to stay by her side. Maliban na lang kung siya ang hero.” Sagot niya at naglakad papunta sa pinto.
“Ish..” I whispered.
“And let me remind you. You begged to me last night.” He turned his head to me and smirked. “And your story, will be ours eventually.”
Matapos iyon sabihin ay lumabas na ito ng kwarto. Doon ko lang napakawala ang pinipigil kong hininga. The tension between us was suffocating. Malakas din ang t***k ng puso ko.
My story will eventually our story? Is that what’s his trying to say?
“Kainis!”
Nagmartsa ako papasok sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. Nagpasya akong maglakad lakad muna sa beach para mag unwind. Baka kasi galit si Ish sa akin kaya wala akong mapapala doon. I know, I was harsh. Ayoko lang mag open up sa taong hindi ko alam kung mananatili ba sa tabi ko. Nakakapagod na kasing umasa.
Habang naglalakad sa dalampasigan ay nakita ko si juls na nakaluhod at hawak hawak ang tuhod. Sinama ko siya dito para makapagbakasyon naman siya since wala siyang pasok.
“Juls!” Tawag ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang dugo sa tuhod niya. I’m not afraid of small droplets of blood, kaya balewala lang sa akin iyon. Lumuhod ako sa harap niya.
“Ati Swella! Kasi naman ‘yung bato! Ambobo! Hinarangan ako. Ang sakit. It’s hert ati!” Reklamo niya. Maluhaluha narin siya dahil medyo malaki ang sugat niya.
“Bakit ka ba kasi tumakbo?” Tanong ko. Pinunasan ko ng panyo ang sugat niya.
“Kasi ati! ‘Yung bakulaw!”
Imbes na maawa ay natawa ako sa reaksiyon ng mukha niya. Nililinisan ko iyon ng biglang may magsalita sa gilid namin.
“Get your hands off her, Miss.”
Tiningala ko ang lalaki at base sa mukha nito ay kaedad niya lang si Juls. Kumunot ang noo ko sa paraan niya ng pagsasalita.
“I’m sorry?” I asked.
“Bakulaw!” Bumaling ang tingin ko kay Juls na nakatingin ng masama sa lalaki.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ng hawakan niya ang braso ko. Medyo napangiwi ako dahil natamaan niyon ang sugat.
“I said get your hands off.” Masungit na sabi niya.
“Hoy! Bakulaw! Bitawan mo si Ati! Nakow makakabingo ka sa akin!” Naiinis na sabi ni Juls.
Tumayo ako at masamang tinitigan ang lalaking nakahawak sa braso ko.
Napasinghap ako ng bigla na lang siyang napaatras dahil sa malakas na tulak ng lalaking kakarating lang.
“No one’s dare, touch my woman. ” Galit ang boses ni Ish na kinuwelyuhan ang lalaki gamit ang isang kamay. Nakaigting ang panga nito at kuyom ang kamao.
Parang may imaginary na kidlat ang lumalabas sa mata nila habang masama ang tingin sa isa’t isa. Kumpara kay Ish, mas maliit ang lalaki at mas malaki ang katawan ni Ish.
“Ati, baka mag-inlaban ang dalawa. Nalab at pers sayt ata.” Bulong ni Juls na humagikhik.
Ngumiti ako sa sinabi ni Juls at naiilang na kinalabit si Ish. Bumaling naman siya sa akin at nagtaas ng kilay.
“Bitawan mo na.” Sabi ko.
Padabog niyang binitawan ang lalaki at nagsalita. “Next time bata, ‘Wag mong hawakan pag hindi sa’yo.”
Nagpagpag naman ang lalaki ng damit at ngumisi. Bumaling ito kay Juls at dumako ang tingin sa sugatang tuhod. Umigting ang panga nito at napailing.
Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niyang buhatin si Juls na parang isang unan sa gaan.
“Bakulaw! Ibaba mo ako!” Sigaw ni Juls.
“Shut up, you promdi girl!” Sagot ng lalaki at naglakad palayo.
Naiiling akong pinagmasdan kung paano magpumiglas si Juls sa braso ng lalaki.
Napatalon ako ng maramdaman ang kamay ni Ish na umakbay sa akin. Tiningala ko siya at nakitang nakangiti ito sa akin.
“Para kang ‘yung batang iyon.” Saad niya.
Kumunot ang noo ko at tinuro si juls sa malayo. “Si Juls?” I asked.
Tumango siya at tumalikod. “Pareho kayong manhid.” Sagot niya at nagstretched ng kamay pataas.
“What are you taking about?” tanong ko sa naguguluhang tono.
Pero imbes na sagutin ako ay naglakad ito palayo at namulsa. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
“Tara na mamon!” And he laughed hard.
Napapailing lang ako sa kaniya. Akala ko talaga galit siya dahil sa mga sinabi ko but it seems, he didn’t care. Siraulo talaga ang lalaking ‘to.
Sumunod lang ako sa kaniya sa paglalakad ng bigla siyang tumigil sa isang pila. Tumabingi ako para silipin kung anong meron doon at laking gulat ko na isa pala iyong ice cream shop. Medyo mahaba dahil madami ang gustong bumili.
Sumiksik ako sa likod ni Ish dahil nagtutulakan ang nasa likod ko. I felt him froze.
“S-swella. ‘Wag kang dumikit sa akin.” He said with a raspy voice.
Ngumuso naman ako. “Nagtutulakan kasi sila eh.” Sagot ko.
Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Bahagya niya akong inilayo at muling tumalikod.
Ngumuso naman ako ulit at humalukipkip na lamang.
Ilang minuto na kaming nakatayo at medyo nangangalay na rin ako. Kinalabit ko si Ish at lumingon naman siya sa akin.
“Tayo na ba?” Tanong ko.
He smirked. “Bakit gusto mo ba?”
Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero tumango na man agad ako. Medyo nabobored na rin ako sa kakaantay.
“Remember this day. It’ll be our monthsary.” He said.
“Okay, noted— wait?! What? Anong monthsary ka diyan?!” Hinampas ko ang braso niya.
He chuckled. “Sabi mo tayo na.”
Tinitigan ko siya ng masama. “It’s not what I meant!”
Akmang hahampasin ko ulit siya ng saluhin niya ang kamay ko. Biglang kumabog ang puso ko dahil sa pagdaop ng palad namin.
“Did you feel it?” He asked.
“What?” I replied. Binawi ko ang kamay ko mula sa hawak niya.
Ngumuso siya. “’Yung sparks?”
“Anong sparks?” I asked again. Kunot noo akong naghihintay ng sagot niya.
Frustrated itong sinabunutan ang sarili. “Hirap magpick-up line sa’yo.”
I smiled. Mukha siyang bata. Aminado naman ako na gwapo talaga si Ish. His face was full of life. Maaliwalas, maliwanag. ‘Yung tipong madadala ka ng positive vibes niya sa buhay. His boastful but hell, may maipagyayabang naman.
He snapped his fingers in front of me. Binigay niya sa akin ang isang ice cream na nabili na pala niya. Habang naglalakad ay bigla siyang huminto na pinagtaka ko.
“Para kang ice cream.” Saad niya.
“Ha? Bakit?” Natatawa ako dahil nakatutok lang siya sa ice cream at biglang ngumisi.
“You’re cold. Pero masarap.” He answered with a devilish smirked.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad siyang hinablot sa buhok. Bahagya ko ‘yung hinila pababa.
“Ouch! f**k!” Reklamo niya ng bitawan ko siya. “I was just kidding! Mamon naman!”
“’Yang bibig mo Levi Ishmael masubsob ko ‘yan.” Matalim kong sabi.
“Saan? Sa labi mo? Game!” Sagot niya.
Hinubad ko ang tsinelas ko at binato sa lalaking malayo na sa akin. Naiiling na lang ako sa asal ng isang ‘to.
Lumapit siya sa akin at pinahawak ang ice cream. Napaigtad ako ng hawakan niya ang paa ko at pinagpagan iyon, saka sinout ang tsinelas.
“Thanks.” I murmured. “Alam mo Ish kung umasta ka parang boyfriend. May gusto ka ba sa’kin?” I chuckled.
“Ikaw? May gusto ka ba sa’kin?” He asked me back.
“Wala.” I replied.
Sumimangot naman ito. “Minsan nakakainis iyong pagiging straight forward mo.”
Tumawa ako ng malakas dahil sa pagmamaktol niya at nagmartsa palayo.
“Para kang bata.” Sigaw ko.
“Para ka namang mamon!” Sigaw niya pabalik na ikinatawa ko ulit
“Sira.” I whispered with glint of a smile.