“LEVI ISHMAEL!” Sigaw ko sa boung kabahayan ng malaking ancestral house na pinagdalhan niya sa akin. Mag iisang linggo na simula nang umalis kami sa ospital at tumungo dito. “f**k!” Dumako ang tingin ko sa lalaking nakaboxer short at nagkanda gulong-gulong na bumaba ng hindi kataasang hagdan. Bagong gising ito at medyo magulo pa ang buhok. Namumula rin ang mata niya na para bang kulang na kulang sa tulog. Hindi ko alam kung anong oras siya nakatulog basta ang alam ko ay minamasahe niya ang binti ko. Dire-diretso itong lumakad papunta sa akin at lumuhod sa harap ko. Hinablot nito ang aking kamay at seryosong pinasadahan ng tingin. Namumutla at natataranta ang mukha nito. “s**t! Anong nangyari? May masakit ba sa’yo? May sunog? Lumindol ba? Sumakit ba paa mo? Sumakit ba ang tiyan mo? Ano?

