MARAMING tao sa park ngayon dahil katatapos lang ng simba at naglalakad kami ni Ish patungo sa isang bench. Okay na rin naman ang mga binti ko pero nagpumilit siya na umupo muna. “Dito ka lang Mamon. Bibili lang ako ng pagkain.” Anas niya bago tumalikod at naglakad. Nanatili lang akong nakaupo at nagmamasid sa mga batang naglalaro sa mga palaruan doon. I felt a pang in my chest when I remembered my childhood. I didn’t play that swing or slide at the park. My parents are too strict. I didn’t blame them though. Napahinga ako ng malalim at pinaglaruan ang dulo ng damit ko. Kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? Si Dad, bakit kaya hindi niya ako nadadalaw nang nasa ospital pa ako? Napaigtad ako nang biglang may tumapik sa akin. Umangat ako ng tingin at tumambad sa mukha ko ang na

