chapter 1.DAY DREAMING.
"miss Tamara how's your feeling about being a female lead of this series? " naka ngangang tanong sakin ng reporter. syempre gandang ganda yang sakin hahaha..
"of course I'm so happy because they choose me.. hinding hindi ko sila bibiguin na ako ang pinili nila sa series na to.. thank you so much sa lahat. " ngiting-ngiti na sabi ko sabay flash naman ng mga camera nila.
"magiging big hit talaga ang palabas na to, isa ka ngayon sa pinaka sikat na artista nationwide miss Tamara. " nakangiti namang sabi ng babaeng reporter.
"I hope so na maging big hit to, thanks for all my fans, for always supporting and for being there for me. wala ako ngayon dito kundi dahil sa inyo. " maluha luha kong sabi.
"oh my gosh.. what a beautiful and kind human.. napaka humble pa. " sabi naman ng isa pang reporter..
****
"miss Tamara please look this way. " sabi ng photographer habang ako naman pose dito pose doon..
"very good.. what a beauty.. give us another pose.. yan nga. " I give them my bonggang bonggang pose..
**
naputol ang pag day dreaming ko ng batukan ako ng isa sa staff sa gagawin naming commercial.
"kanina ka pa tinatawag jan Tamera ano nag day dreaming ka na naman ba? "
"arayy naman, maka batok naman to, close ba tayo? " irap ko dito.
"aba kung i-pinunta mo lang dito ay mag day dreaming eh umalis ka na. " sigaw niya sakin na talsik laway pa.
"sorry po.. " hinging pa umanhin ko nalang baka matanggal ako dito sayang naman yung kaunting kikitain ko.
"nangangarap ka na naman bang maging isang sikat na artista at model?" natatawang sabi ng mukhang hipon na babae.. siya ang nakuha sa patalastas na to, samantalang ako isa lang ang line ko. hays.. tinitigan ko siya head to toe. wala siya sa ganda ko mga mhie.. maputi lang siya pero kung ganda at kinis ang pag uusapan walang wala siya sakin, sobrang kapal pa ng make up niya eh pang nanay lang naman ang role niya sa patalastas na to na kunwari naglalaba tas ganyan kakapal make up niya? palibhasa may kapit eh, bahala kayong malugi hahaha..
"did you just smile? may nakaka tawa ba?" mataray nitong sabi.
"bakit ganyan ang ayos mo eh isang nanay lang naman ang role mo na naglalaba ng puting damit? ganyan ba dapat make up ng naglalaba? " natawa naman ang ibang staff sa sinabi ko, ayun tuloy ang sama na ng tingin sakin ng hipon na akala mo kakainin ako ng buhay..
"anong paki mo? eh ikaw nga role mo lang naman na makipag chismis sa mga kapitbahay tas isa lang line mo?" natatawa niyang sabi.
naku.. sabunutan ko kaya ang hipon na to?
"tama na yan, mag ready na kayo at mag te-take na tayo in just 15 minutes. " sigaw naman ng isa sa staff.
binelatan ko nalang siya at ayun gigil na gigil siya hahaha...
kapal ng mukha niya, sakin naman dapat ang role na yan kung di lang niya ginamit kapit niya.. tignan lang natin kung may bumili pa sa product na ipapalabas mo?
palihim akong napatawa ng naka ilang take pa kami kasi nabubulol siya minsan naman ay nakakalimutan ang sasabihin, di naman masyadong mahaba ang line niya hays..
napipikon na din sa kanya yong ibang staff dahil nakakapagod din ang ilang re-take.. halos 2 oras na kaming nag re re-take..
at ng maayos na ang acting niya ay saka naman nabulilyaso dahil yong puting damit ay namantsahan dahil sa cutex niya.. buti nga sayo hahahah
"oh my god Shiela.. I can't take this anymore, ba't ka ba kasi naka cutex? ayoko na, maghanap na kayo ng ibang direktor pagod na ako, bullsh*t." sigaw ng director.
"sorry po Direk. " naka yukong sabi niya habang ako tawang tawa..
"sino ba kasi yong una niyong nakuha? magaling yun ah, asan na ba yun? " sigaw ng direktor na mukhang galit na galit na.
lalapit na sana ako ng hilain ng PA ni hipon ang direktor at dinala kung saan, naku may mangyayari na namang suholan hays.
"don't get your hopes Tamera kahit anong mangyari akin ang role na to. " nakataas kilay na sabi sakin ni hipon.
"sana all nalang may kapit. " I rolled my eyes.
"what? di mo lang matanggap na mas magaling ako sayo.. higit sa lahat mas maganda ako sayo, bakit ba lahat ng pag Audition-an ko andon ka? di ka ba nadadala na palagi kang talo sakin? ang pangit mo kaya.. pangit ng skin mo. " sigaw niya..
aba sumusobra na tong hipon na to ah.
"hoy hipon ikaw kaya ang palaging sunod ng sunod kay Tamara, lahat ng pag audition-an niya andon ka napaka insecure mo.. di hamak naman na mas maganda sayo si Tamara, maputi ka lang pero hipon ka, hipon. " sigaw ng kaibigan kong si Alona, hindi na ata ito nakapag timpi sa hipon na to.
"di mo lang matanggap na pinagpalit ka ng ex mong galunggong, at di mo lang matanggap na patay na patay yong ex mong galunggong sa kaibigan kong dyosa... pweeee... magpa opera ka na muna ng facelak mong hipon bago ka makakapantay sa beauty ng friend kong dyosa. " sigaw nito dito na namaywang pa.
"huminga ka muna best. " awat ko sa friend ko na dinuro duro pa si hipon.
"humanda kayo, sisiguruhin kong matatanggal kayo. " naluluhang sabi ni hipon samin.
"go.. gagamitin mo na naman ba katawan mo para mapatalsik si Tamara? yan naman palagi panlaban mo eh. " palaban namang sigaw ni Alona.
tinakpan ko ang bibig niya at hinila na.
"Alona naman, sobra na ata yong nasabi mo, baka wala na tayong trabaho niyan. " nakaupo kami ngayon sa rooftop.
"nakakainis ka kasi eh sobra sobra na mga pang aapi sayo ng bruhang yun, totoo namang katawan niya ang puhunan niya eh, maganda lang naman ang katawan niya pero ang pangit ng mukha niya. " napatawa nalang ako sa kaibigan ko.. kaya napatawa nalang din siya hanggang sa mag tawanan kami.
"di ka ba naiinis Don pag nakikita mo? nag cheat sayo si Gab dahil inakit niya ito baka nakakalimutan mo?" paalala sakin ni Alona.
"matagal na yun Alona tsaka di naman kami non ni Gab, nililigawan palang niya ako non. " I take a deep sigh.
"pero balak muna sanang sagotin yun diba? pero inakit ng hipon na yun kaya may nangyari sa kanila. "
"okay na yun di ko din naman kayang ibigay yun kay Gab, kaya okay na din na di naging kami. " malungkot kong sabi ng maalala si Gab. crush ko siya pero di ko alam na crush niya din pala ako nong mga time na yun nanligaw siya sakin hanggang sa mahulog na talaga ang luob ko sa kanya. but past is past.. okay na din naman ako.
"pero mahal mo pa no? " malungkot na sabi ni Alona.
nag kabit balikat nalang ako.. hindi madaling makalimot lalo na at first love ko siya, pero medyo nakaka move on na din naman ako..