13.opportunity.

1705 Words
habang kumakain sila panay ang silip niya kay Adam.. ang ganda kasi ng ngiti nito kaya maganda din ang umaga niya, nakaka hawa ang magagandang ngiti nito.. kanina pa niya gustong itanong sa binata kung sino ang nag palit ng damit sa kanya pero nahihiya siya, obvious naman na ang binata ang nag palit sa kanya dahil sila lang namang dalawa dito, biglang namula ang pisngi niya sa kahihiyan, "so nakita nito ang katawan ko? my gosh.. hindi na talaga ako mag iinom. " kausap niya sa sarili. "may sasabihin ka ba baby? " ito na naman ang binata sa pag tawag sa kanya ng baby, ang ganda pa naman pakinggan, napaka lambing ng boses nito, baka masanay na siyang tawagin siya nitong baby. "mmm.. i-ikaw b-ba n-nag p-palit ng d-damit k-ko? " utal utal niyang sabi na nakayuko lamang, hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito sa kanya. "what do you think?" tila amused na amused sa kanya ang binata. hindi siya nakasagot, pinag laruan lang niya ang tinidor at kutsara. "tayo lang ang nandito baby kaya malamang ako ang nag palit ng dress mo.. but don't worry nakapikit naman ako, wala akong nakita. " nag angat siya ng tingin dito.. namula siyang lalo ng mapansin ang pilyo nitong ngiti. "shocks.. so nakita niya ang katawan ko? my gosh, nakita niya ang katawan ko na dapat ang magiging future husband ko lang ang makaka kita. " bulong niya pa sa sarili. naka ngiti lang sa kanya ang binata na animo'y narinig ang sinabi niya. "s-salamat pala sa pag dala sakin dito pero bat dito pa? halatang mamahalin ang hotel na to Adam.. san ka kumuha ng pera? " pag iiba niya sa usapan. "I have my ways, you don't have to worry about it, it's settled. " napa awang ang labi niya, nag tataka siya kay Adam, bakit mukha naman itong mayaman, panay English pa ito, mukha ding mamahalin ang mga suot nito.. pero pinag tataka niya bakit kailangan nitong mag part job? "paano?" nag tatakang tanong niya. "I only used my charm baby.. kumain ka na lumalamig na yang sopas mo oh. " di na siya nangulit dito, siguro baka nga ginamit nito ang ka gwapohan nito, baka nang akit ito ng matanda.. ayy ewan niya ang sakit na ng ulo niya dahil sa hang over ayaw niya ng dagdagan. nag patuloy nalang siya sa pag kain ng mag ring ang phone niya. "good morning Ma'am Mica. " tumayo siya at pumunta ng veranda. "my gosh Tamara.. I have good news for you girl. " excited na sabi ng baklita sa kabilang linya. "what is it ma'am Mica? " inip niyang sagot, hindi pa sabihin nito kung anong good news kailangan pang mambitin? "ang daming nag aagawan sayo, they want you to endorse their products, at dahil yon sa nakita nilang mag kasama kayo ni Mr. Santiago kagabi.. mag ready ka na at pumunta ngayon sa office, kung kasama mo si Mr. Santiago pwedi mo siyang isama diba sabi niya personal siyang dadalaw sa office? " masayang baling sa kanya ng ma'am Mica niya.. good news nga yon sa kanya pero nakokonsensya siya.. another kasinungalingan na naman hays. "sige po papunta na po kami jan ma'am Mica. " binaba niya na ang tawag. she took a deep breath. "what's wrong? " "you're good napaniwala mo silang ikaw talaga si Mr. Santiago, may mga tumawag daw they want me to endorse their products. " dapat maging masaya siya, ito na siguro ang pagkakataon niyang sumikat.. pero hindi ito ang gusto niya ayaw niyang mang gamit ng iba para lang sumikat. "that's a good news Mara.. but you don't look happy at all, why is that? " nagtatakang tanong ni Adam diba dapat masaya ito kasi nakuha niya na ang gusto nito? ang gamitin siya? "sa totoo lang hindi talaga ako masaya Adam, kung sisikat lang ako para mang gamit ng iba, I don't want to use Mr. Santiago but I don't have a choice, maraming bata ang nangangailangan ng tulong ko. " malungkot na sabi ng dalaga. napangiti si Adam sa narinig.. "maiintindihan ka naman siguro ng imaginary boyfriend mo Mara, in our society you need a backer to shine yong iba nga ginagamit ang katawan para lang sumikat.. that's the sad reality Mara. " "pinangako ko sa sarili ko noon na sisikat ako ng walang ginagamit na tao Adam, pero talagang malupit sakin ang mundo, I'll never use my body for fame.. hindi ako gagaya sa iba, naniniwala akong sisikat din ako balang araw hindi dahil sa nanggamit ako ng tao kundi dahil sa talent ko.. I know I'm not beautiful and attractive enough to become a model but---- "ofcourse not Mara, you're so attractive.. just grab the opportunity, i don't think na malalaman ni Mr. Santiago na ginagamit mo siya, malaking tao yan, palaging nasa ibang bansa, at kung alam niyang ginagamit mo siya matagal ka na sana niyang pinahanap. " pangungumbinsi ni Adam sa dalaga na napaka lalim ng iniisip. "sa palagay mo mapapatawad kaya niya ko pag nalaman niya? I already met him, I think his kind. hays hindi ko na alam. " napapa kamot nalang sa ulo ang dalaga. "nanjan na yan, just grab the opportunity Mara.. I'm here to help you, kuhang kuha ko naman ang imaginary boyfriend mo diba? " nakangiti nitong sabi. "hindi na muna ako mag iisip ngayon, anyway panindigan muna pag papanggap mo, bat mo pa kasi sinabi kay ma'am Mica na pupunta ka sa office? yan tuloy pinapasama niya sakin si Mr. Santiago kaya panindigan mo ang pagiging Mr. Santiago mo kuno, don't worry I'll pay you pag sikat na ako. " natatawang sabi ng dalaga. "sure.. pero mataas ako sumingil ng talent fee ko, baka hindi mo kayanin. " natatawa ding wika ng binata. "kaya yan.. ang pinoproblema ko lang yong mag e-invest sa agency namin, kasalan mo kasi sinabi mo pang pupunta ka.. pahamak ka talaga Adam. " irap ng dalaga sa natatawang binata. "ako pa talaga ang may kasalanan?" natatawa paring sabi ng binata. "hays ewan!" ginulo ng dalaga ang magulo na nitong buhok. "mamaya na tayo mag isip maliligo na muna ako. " humakbang na paalis ang dalaga. naiiling na natatawa nalang si Adam habang nakasunod ang tingin sa problemadong dalaga.. at least he know na hindi pala siya gustong gamitin ni Tamara.. alam naman niyang napilitan lang ito. he took a sigh nang mag ring ang phone niya. "where the fvck are you dude?" napatawa nalang siya sa kabilang linya alam niyang magka salubong na naman ang kilay ni Harry. "we're in the hotel Harry, I'm with Tamara" nang aasar niyang sabi. "what? at ano naman ang ginagawa niyo sa hotel?" galit na asik ni Harry. "ano pa ba ang ginagawa ng babae at lalaki sa hotel Harry?" mapang asar niyang sabi. narinig niya ang pag hugot nito ng malalim na hininga. "don't do anything stupid to Ms. Tamara Tristan. " boses nag babantang sabi ni Harry. "and why is that dude? I'm single and she's single, I don't see anything bad with it.. we're both single you know.. at baka nakakalimutan mo she's claiming that I'm her boyfriend. " natatawang sabi niya kay Harry. "ewan ko sayo, just don't hurt her, hindi ka pa ba papasok? anong klaseng CEO ka? " "ikaw na muna ang bahala jan bye for now. " pinatayan na niya ito ng tawag at tinawagan ang ibang tauhan para samahan siya sa Agency nina Tamara baka kasi mag taka ang ma'am Mica ni Tamara pag wala siyang kasamahang tauhan niya, paninindigan niya na ang pag papanggap tila nag e-enjoy siya. lumabas na ang dalaga na naka roba, napatingin pa siya sa kabuoan nito na nakita niya ng hubo't hubad.. tila napayakap naman sa sarili si Tamara ng mapansin na nakatitig sa kanya si Adam, pinamulahan siya ng mukha. lumapit siya kay Tamara at iniabot ang paper bag. "here wear this. " inabot naman ng dalaga yon ng may pag tataka. "ano to? " binuksan niya ang paperbag at bumungad sa kanya ang off shoulder dress below the knee kulay light pink iyon.. may naka sulat na Trisha clothing.. nanlaki ang mata niya, isa ang brand na yon sa pinaka sikat na brand ngayon.. napaka mahal ng mga gawa nila. "are you sure you want me to wear this? how did you get this?" nag tatakang tanong niya. "I ordered it online.. don't worry it's imitation. " nasabi nalang ng binata. "talaga? wow ha.. kuhang kuha nila, ang ganda ng tila." namamanghang sabi niya. he just nodded.. "magkano naman to? mamaya babayaran ko sayo, mag bibihis lang ako ah? " nakangiting wika ng dalaga habang papasok na ito sa banyo upang mag bihis. napa nganga nalang ang binata ng makita ang dalaga, bagay na bagay nga dito ang damit.. "bagay ba? hindi ba mukhang imitation lang? " nakangiwing sabi ng dalaga. "dalang dala mo Mara, nag mukhang napaka expensive ng imitation na yan. " nangingislap ang matang sabi ni Adam. may plano siya kaya yon ang ipinasuot niya sa dalaga.. isa sa pinaka sikat ang Trisha's Clothing na pag aari ng mameta niya.. tanging mayayaman at mga artista lang ang makaka afford sa mga damit na yon. sigurado siyang unang tingin pa lang ng mga tao ay malalaman nilang galing sa Trisha's Clothing ang suot ni Tamara. panigurado siyang lalong pagkaka gulohan ang dalaga pag nakita nilang suot niya yon. "masasamahan mo ba ko sa Agency ngayon? " "sige mauna ka na sa Agency niyo susunod ako, e text mo nalang sakin ang exact address okay? maliligo na din ako" "siguradohin mong pupunta ka ha? baka mapahiya lang ako Adam. " habol niya sa binata na nasa loob na ng banyo. "don't worry baby just trust me.. oh wala ka bang balak umalis? you want to join me here?" nakaka lokong sabi ng binata. pinamulahan naman ng pisngi ang dalaga.. talagang napaka gwapo kasi ni Adam kaya minsan natutulala siya dito. "sira ka talaga, sige mauna na ko. " napailing ang dalaga muli na namang pumasok sa isip niya ang panaginip niya.. hays hindi alam ng binata na pinag nananasahan na niya ito.. oyyy grabe ka self. " natatawang kausap niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD