Chapter 58 “Ano ang nangyari?” bungad kaagad kay Selestina pagkatapos niyang makabalik sa bahay. Nakangisi pa sa kanya ang kaibigan habang may nanunuksong mga tingin. “Magkuwento ka. Ayan, pinaghain pa kita ng pagkain para mas marami kang oras magkuwento. Hehehe!” tumatawa pa nitong dagdag. Napangiwi si Selestina bago umupo sa hapag. Nagsimula siyang kumain. “Mmm. Masarap,” tatango-tango niyang komento. “Psh! Hindi ko tinatanong ang opinyon mo tungkol sa pagluluto ko. Ibang kuwento ang gusto kong marinig! Tangek ka talaga kahit kailan!” mabilis na angal ni Jordan dahil sa pag-iiba ng topic ng kaibigan. Napansin niya ito na parang may bumabagabag sa dalaga. “Ayaw mo bang magkwento?” tanong niya. “Saka, what about the lady? What do you think about her? I mean, baka magsisimula ng magba

