Chapter 59 Ngarag na bumangon si Selestina kinaumagahan. Maaga siyang gumising. Alas-kuwatro pa lang ng magising siya dahil sa kanyang alarm. Madilim pa ang kusina ng bumaba siya. Naisipan niyang magtimpla muna ng kape nang mahimasmasan siya saka siya naligo pagkatapos. Alas-otso pa ng umaga ang call time nila pero kailangan niyang puntahan si Third. Pinagalitan niya ito kagabi at gusto niya na malaman kung ayos lang ba ito. Kaagad siyang nagbihis ng komportableng damit bago pumunta sa kabilang bahay. Madilim pa sa loob at hindi naman ni-lock ang pinto kaya malaya siyang nakapasok. She switched the lights on bago nagsimulang umakyat sa taas. Napansin niya ang saklay na nasa baba. Mukhang ito ang kumalabog kagabi. “Tss. Talagang inisip niyang pumunta sa bahay? Lokong ‘yun. Paano kung n

