Chapter 60 Kumain muna siya sandali bago sila pumasok. Marami na rin ang pakalat-kalat na mga estudyante lalo na at may laro rin ngayon ang basketball. “Sayang at hindi ko mapapanood ang baby ko,” nakanguso na saad ni Jordan. “Thank God!” bulalas ni Selestina para inisin ang kaibigan. Inirapan siya nito. “Kainis ‘to! Napaka-kontrabida, ah? Palibhasa walang lovelife!” pang-iinis sa kanya ni Jordan. Tumawa lang siya. “I least, nahalikan ko,” banat niya pabalik at ganoon na lamang ang pagkunot ng noo ng kaibigan. Tawang-tawa siya habang umiiwas dito dahil sigurado siyang kukurutin siya nito. “Psh! Bakit, kayo na ba?” nandidilat nitong tanong sa kanya. “Eh, bakit, kayo na ba?” tanong niya pabalik sa dalaga. Lalo lang itong nakasimangot kaya naman malakas na tumawa si Selestina.

